SORRY

561 17 0
                                    

SAPPHIRE POV

Naging mag kaibigan naman kami ni kieth sa kabila ng lahat. Alam ko darating din ang panahon na may magmamahal sa kanya.

Nag ffb ako ngayon at nag message sa akin si kelvin. Namiss ko yung kulit neto at miss na rin siya ni myrlan.

Mom papuntahin mo si ate kelvin dito please... Miss ko na siya eh. Paglalambing niyang sabi

Okay angel I will try ah... Sabi ko

Hindi ako binigo ni kelvin at pumunta nga siya dito. 1 month si kelvin dito dahil sa boracay siya nakatira at ayaw naman siya paalisin ni myrlan kaya dito ko na lang siya pinatuloy habang andito siya sa pasig.

Unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Sa lahat ng ginagawa niya ay napapasaya niya kami ni myrlan.

Sap... Pasyal tayo sa park. Tayong tatlo ni myrlan... Sabi niya

Ay nako naglambing na naman sayo si myrlan noh? Okay payag na ako. Masaya kong sabi.

Masaya kami, nagtatawan, nagkukulitan... Napaisip tuloy ako kung magiging kami ni kelvin. Mabait siya at malapit sa anak ko.

Naglalakad na kami para umuwi na pero biglang may nakasalubong kami at sila cris ito. Binati ako ni george subalit hindi ito nagustuhan
ni cris kaya...

Hi, ikaw pala si sapphire. Ako nga pala ang asawa ni george... I mean m hon... Nakakalokong ngiti ang pinakita ni cris.

Hinalikan ako ni kelvin na ikinagulat ko. Let's go bhe... Myrlan say goodbye na.

Goodbye po sa inyo. Nakangiting sabi ni myrlan

Ngumiti lang ako sa kanila at si kelvin ay humawak sa kamay ko. Bago pa man kami tuluyang umalis ay nagsalita si george.

What the hell... Bhe??? Ganyan ka ba ka manhid sapphire para yan pa ang gawin niyong tawagan?
Teka lang ah parang nung nakaraan iba yung kasama mo tapos ganon din ngayon. Sino susunod mong bibiktimahin? Anong klase ka... Naputol ang sasabihin niya ng sinuntok na siya ni kelvin. Walang magawa si cris para pigilan ito. Samantala si sapphire ay nananatiling nakatingin sa dalawa. Si myrlan ay kinuha muna ng yaya para hindi makita ang nangyayari.

EH GAGO KA PALA EH... DIBA NAG USAP KAYO AT PINILI MO ANG ASAWA MO NGAYON? ANONG KARAPATAN MONG SABIHAN NG GANYAN ANG TAONG MAHAL KO. WALA KANG ALAM!!! hindi niya ito tingilan ng suntok... Hanggang sa inawat na ni sapphire si kelvin.

Sa susunod pare ilugar mo ang sarili mo... Matagal na kayong tapos ni sapphire... Bumalik siya sayo, hindi siya ang pinili mo. Magdusa ka ngayon dahil akin na siya... Sabi ni kelvin at tuluyan na kaming umalis.

Nasa bahay na kami. Ginagamot ko ang kamay ni kelvin.

Bakit mo pa kasi ginawa iyon... Hindi na dapat... Pati yung halik... At pag tawag sa akin ng bhe. Hays... Malungkot kong pagkakasabi.

Sorry sap... Pero yung ex mo kasi wala na sa lugar... Mahal mo pa ba siya? Tumutulo na ang luha niya...

Sorry alam kong nagmamalasakit ka lang sa akin kaya mo iyon nagawa... Tama ka... Mahal ko parin siya... Walang nagbago...

Sorry... Sorry talaga pero iyon ang katotohanan... Umiiyak kong sabi

Alam mo sapphire kung ano ang mas masakit ngayon? Itong puso ko... Lahat na ginawa ko para ako naman ang mahalin mo...

Mahal kita kahit ang sakit sakit na... Kelvin

Umiiyak ako... Tama siya... Naiinis ako sa sarili ko dahil pinagtutulakan ko palayo ang mga taong nagmamahal sa akin ...

Hindi ko na ipipilit pa... Mag iingat kayo ni myrlan... Paalam na sap...

CRISELLE POV

Nandito na kami sa condo. Hindi ko mapigilan magwala... Pinipigilan niya ako pero patuloy parin ako sa ginagawa ko...

Bakit!!! Bakit george!!! Bakit mo ko sinasaktan ng paulit ulit? Ano ang pagkakamali kong nagawa sayo? Pinipilit kitang unawain... Pero paano naman ako!!! Tao din ako na napapagod!!! Nasasaktan!!! Kailangan ng pagmamahal mo...

Ilang beses pa ako mag papakatanga sayo? Sabi ko

Punong puno na ako... Kaya hindi ko napigilan ilabas itong nararamdaman ko...

Minahal kita cris... Naging loyal ako sayo... Pero nung dumating si sapphire nagbago ang lahat... Kasalanan ko... Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya... Pinilit ko.. Pero nabigo ako... Sorry... Sorry.. Umiiyak na sabi niya

Umalis ka na... Utang na loob umalis ka na!!! Ayoko na kita makita george... Break na tayo...

"TAMA NA AWAT NA, MARUNONG DIN MAPAGOD ANG PUSO"

SCHOOLMATE(gxg story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon