IKAW PARIN PALA

552 12 0
                                    

CRISELLE POV

Hindi ako makakasama kay george na pumunta sa boracay kasi may biglaan akong trabaho. Ngayon ang flight niya. Ayaw na sana niya umalis pero sinabi ko na tumuloy na siya. Kapag natapos agad yung naging problema sa trabaho ay susunod ako sa kanya... Pag sisinungaling ko sa kanya. Gusto ko kasi mag enjoy siya dahil sigurado pagbalik niya dito ay trabaho na naman ang iisipin niya.

Hon mag enjoy ka diyan ah. Huwag mong kalimutan may hon ka... Mamaya babae na pala ineenjoy mo diyan. I love u hon.

Good girl ako hon... Don't worry ikaw lang. I love u too. Sabi niya

Nasa trabaho na ako at kakausapin ang kliyente ko.

Bes si Ms. Rain Madrigal yung client mo na naghihintay doon sa meeting room. Kaya mo ba siyang harapin? 8 years na ang nakakalipas. daisy

Totoo ba bes? Matagal na iyon kaya okay na ako. May mahal na ako. Higit pa sa buhay ko at si george iyon. Masaya kong sabi

Pumunta na ako sa meeting room para kausapin siya. Natapos ang usapan at naging okay naman. Pero ang ikinagulat ko ay ang sinabi niya.

" mahal parin kita. Sorry kung hindi kita naipaglaban sa pamilya ko noon."

GEORGE POV

Kakatapos ko lang lumangoy, bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan ko bumili ng pagkain.
May naaaninag akong magandang babae, kamukha ni sapphire. Teka si... Sapphire nga. Lumapit ako sa kanya at nung tumingin siya ay hindi ako nakapagsalita. Nag init ang ulo ko dahil biglang dumating si ram at tumingin nf nakakalokong tingin sa akin.

Oh ikaw pala george, kamusta ka na? Abot langit niyang ngiti. Ram

Ako nga, okay naman ako. Ikaw? Sabi ko

Eto masaya, si sapphire ba naman ang kasama ko eh... Kahit sinong lalaki magiging masaya kapag siya ang kasama... Lalaki... Haha Sabi niya

May problema ka ba sa akin ram?
Seryosong sabi ko

Wala naman george. Nakangiting sabi niya

George mauna na kami ni ram, ram halika na. Sabi ni sapphire

Nakakainis... Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sarap sapakin yung ram na iyon. Talagang inakbayan pa niya si sapphire... Shit... Nagseselos ako... Sa totoo lang hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pinili ko si cris dahil siya ang kasalukuyan ko at si sapphire ang nakaraan na gustong limutin.

"IKAW PARIN PALA ANG TINITIBOK NG PUSO KO"

SCHOOLMATE(gxg story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon