CHAPTER EIGHT

147 3 0
                                    

ARRANGED MARRIAGE

Ang tunay na CHUBBY, walang wrinkles!


ANG BUONG menu ng kasalang Gavril at Yuli, makikita sa laman ng sikmura kong lumabas at ngayon ay nasa lupa, sa kabayo, at sa dibdib ni Octavio. Nakakadiri at nakakahiya. Hindi maikakaila ng "lawang" nilikha ko kung gaano karami ang nakain ko sa kasal. Gustuhin ko mang tumigil, hindi ko magawa. Naalog ang sikmura ko sa galaw ng kabayo at matindi ang takot,heto ang resulta.

Naibaba na ako ni Octavio nang higitin niya ang renda ng kabayong tumigil agad sa pagtakbo. Gusto ko na lang tumakbo papunta sa cabana, doon magmukmok at magtalukbong ng kumot na parang kayang takpan niyon ang kahihiyan ko. Sa kabila ng sama ng pakiramdam, hindi ko maiwasang isiping nakakahiya ang mismong dami ng nilafang ko.

Sa wakas, natigil na rin ang dam mula sa bibig ko.Nakapanlalata. Nakatukod lang ang mga kamay ko sa mga tuhod. Siguro dahil tao lang at nasagad ang kahihiyan, bigla akong napaluha. At dahil sagad na nga ang kahihiyan,wala akong nagawa kundi yumuko. May puting panyong tumapat sa mukha ko. Ni hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin at inabot na lang iyon para ipunas sa bibig ko.

"S-salamat."

Gusto kong itanong sa langit kung bakit kailangang mangyari sa akin ang ganito. Bakit sa harap pa ni Octavio at mismong kay Octavio ako nagkalat? Bakit ang lupit ng mundo? Umunat na rin akoat napatingin kay Octavio na nakatingin din sa akin, nakangiwi at halatang nandidiri. Napatingin ako sa paligid at halos mapanganga nang makitang may ibang tao—marami!Naka-V-formation sila sa parang, ang nasa sentro ng V ay si Octavio. Ang mga kasamahan niyang puti ang bumubuo ng formation.

"Ano kayo, may dance group?"Ibinunton ko ang pagkapahiya sa pag-angil. Ang damiko palang witness. Bakit ang bilis nilang nakarating dito? Pero mahalaga pa ba? Dapat na akong umalis at ayoko na silang makitang lahat. "I've got to go. Sorry."

Noon ko natanawan ang isang puting kabayo, sakay si Inday. Ang bruha, kumakaway-kaway pa. Bumaba siya mula sa kabayo at nag-bow kay Octavio, saka humarap sa akin.

"Madame Becky, are you okay?"

Sumakit agad ang ulo ko. Heto na naman ang trying hard na bruhang ito. "Inday, gusto ko nang magpahinga."

"I will asis you. Come, come.Ambaho mo, Madame! Yakiii!"

"Shut up, please?" Patulo na ang luha ko at lalo akong napapahiya sa bruhang ito.

Mukhang nakahalata naman siya at ipinatong sa balikat ko ang kanyang shawl. Inakay na niya ako palayo. Naglakad na lang kami hanggang sa cabana. Wala pa roon si Manoy. Naligo na muna ako at nang matapos ay bumalik sa kuwarto, nandoon pa rin si Inday at nakahiga sa kama, nakataas ang isang kamay at parang enjoy siyang amuyin ang kilikili niya.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Oh, natheng."Talsik pa ang laway niya sa exag na pagbigkas. Nakangiti siyang bumangon,tumayo sa gilid ng kama at nag-curtsy. "I oper you myserbis, Madame."

"Ano?"

"I oper you myserbis." Nag-curtsy uli siya.

"Ha?"

"Iopering you my serbis por pree!"

"Ano?"

Nalukot ang mukha ni Inday. "Ay, medyo islow talaga. Gamit-gamit din ng brens 'pag may time!"

"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Anong service? Papasok ka sa akin?"

"Medyo slow ka nga, Madame."

"Eh, hindi ko nage-gets dahil hindi naman ako naghahanap ng bagong tao. Dalawa na ang team ko. Wala akong balak magdagdag dahil ayokong i-sacrifice ang quality ng services ko. My second team is near perfect. Itong team naman namin ni Manoy, wala ring problema. Hindi rin kita puwedeng kunin para sa bahay dahil nandiyan na si Manoy. Wala kang paglalagyan, Inday."

Diary Ng Chubby 2 (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon