CHAPTER THREE

178 2 0
                                    

ART OF PLASTIKAN

Ang tunay na CHUBBY, walang itinatagong medida!

 

"MADAME, bet ko talaga ang ex mo. Ang guwapo, o." Iniharap sa akin ni Manoy ang laptop. Naka-log in siya at nang-stalk sa Facebook. Picture ni Mark ang nandoon, ang una kong boyfriend. "Bilib na talaga ako sa 'yo, Madame. Lahat ay kaya mong gawin. Kahit tunay na lalaki ay nagagawa mong bading. Imagine, isang sulyap pa lang sa 'yo, macho na rin ang type?" Ang lakas ng tawa niya. Hindi na ako napipikon sa joke na 'yon. Ilang ulit ko nang narinig—mula sa bibig ng iba't ibang tao—at alam kong ilang ulit ko pang maririnig. "Ang sarap i-booking nito, Madame."

I silently agreed. Mark was tall, lean, yummy. Always had been. Ang guwapo niya sa picture na nakasuot ng amerikana. Minsan, kapag nakikita ko ang mga picture ni Mark, nai-imagine ko pa rin ang dati kong sarili. Back when I was still sweet, I would've swooned, proud of how handsome, warm, and lovable my boyfriend was. Years ago, I would've told my diary about how I wanted to have kids with Mark. Because he still was and still is wonderful. Isa lang ang problema—he's gay.

"Kailan ka ba bibisitahin uli nito?" Hindi itinatago ni Manoy na may crush siya kay Mark. At tuwing pupuntahan ako ni Mark, kulang na lang ay ilabas ni Manoy ang kuyukot niya sa iksi ng shorts na suot. Feeling-girl talaga.

"Nasa Australia siya ngayon. Matatagalan pa yata ang uwi."

"Like dah, hindi mo alam, Madame?"

"Like duh ka diyan." Napabuntong-hininga ako, naalala na naman si Mark. Ilang taon kaming hindi nagpansinan mula nang masikipan sa closet ang bruhang Mark at nagdesisyong magladlad na ng kapa. It was the night I wanted to give myself to him. It was a sad fact—he came out the night I wanted to make love to him. Ang sabi niya, na-realize niyang totoo ang kanyang hinala na bading siya nang maghalikan kami at magkapaan nang kaunti. Ayaw magpa-booking ng nota niya sa akin.

Umiyak siya, umiyak ako. Bago iyon, palaging "I respect you" ang drama niya kaya hindi kami nakakapagkulong sa kuwarto. Iyon pala, kahit isang taon kaming magkulong sa kuwarto, ang tanging aksiyong puwedeng maganap ay ang pagkukulutan ng hair; at ang tanging sandatang mag-iinit ay curling iron.

Umalis si Mark noong gabing iyon at kahit nagso-sorry pa rin ilang araw pagkatapos ng aminan, hindi ko siya nakayang harapin. Hanggang sa magsawa na rin siya. Ilang taon na ang nakalilipas nang magkita uli kami. I was shopping for clothes, he was shopping for his mom. Siyempre, dahil lumapad ako, hindi na ako makahanap ng damit na pang-ordinaryong katawan. Doon ako sa plus size. At plus size ang mommy ni Mark. In a way, itong katabaan ko ang naging daan para makilala ko uli ang best friend ko, ma-renew ang nawala sa amin.

The new me decided I still kind of liked Mark as a friend. He was, after all, a damn good friend before he became my boyfriend. Mula noon, naging magkaibigan uli kami. Si Mark ang BFF ko at may usapan kami na kapag wala pa kaming asawa't anak kapag kapwa thirty-eight na, kami na ang mag-aanak. Parang insurance.

Dumapa si Manoy sa bakanteng puwesto sa sofa, itinaas ang paa na parang teenager na tume-Taylor Swift ang peg, namumungay ang mga mata. "Baka itinadhana talaga tayong magkakilala, Madame, para ikaw ang maging daan sa love life ko. Matagal na akong walang booking."

"Ang sabihin mo, kahit kailan ay hindi ka nagka-booking!" Ako naman ang tumawa.

"Like dah?Hindi ako chep. Isa pa, bata pa ako, Madame. Bata at sariwa. Ikaw tandir kat na. Makunat na ang bahay-bata mo, Madame. Dah? Kaya nga sinabi kong patulan mo na si Sir Octavio kung hihingin ang puri mo."

"Kunwari ka pang hindi cheap, tumigil ka. Wala ka lang ma-booking!" ganti ko.

"Pinalaki akong kunserbateb, Madame. Beer-gin bride ako dapat. Hindi lang babae ang may K maging Maria Claribels."

Diary Ng Chubby 2 (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon