Luan's pov
" Oh, bat tamlay mo? At ang dali mo namang natapos yung trabaho mo sa penthouse ni sir Clarence." Bungad sa akin ni nelly nasa rooftop parin.
" Wala naman akong dapat tapusin. Dahil wala naman akong naumpisahan." Sabi ko nalang gusto ko ng umuwi. At puntahan si mom.
" Ay, ang hugot teh, wait ano bang nangyari?, Magkwento ka naman, oh?"
" Later na lang. May trabaho pa tayong dapat tapusin." Sabi ko na lang.
" Oh, luan ang tamlay mo ata?" Lapit sa akin ni Bryant at dinampi niya yung palad niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat, ah" dugtong niyang sabi. Yan tayo eh, nakaka fall talaga yung ugali niya pagdating sa akin.
" Eh, sino bang nagsabing may lagnat ako?" Sabi ko naman napansin ko rin inismiran ako ni amanda dahil nasa harapan ko si Bryant.
" Hahaha, oo nga noh?,, Ay siya nga pala, sama naman kayo mamayang gabi bar tayo, minsan na lang namin kayo ni nelly makasama, eh." Sabi ni Bryant.
" Ay ako, gora ako dyan, noh. Itanong mo dyan sa isa" nguso ni nelly sa akin.
Akmang magsasalita na sana ako na go ako ay may biglang sumulpot na naman.
" What is this happening her! Nag tatrabaho pa ba kayo o maglalandian lang? Hindi ko kayo pinaswelduhan para sa ganitong Gawain!" Sabi niya at baling niya naman sa akin.
" Sir, hindi naman po kami naglalandian. At saka ginagawa naman namin ang trabaho namin. Inaya ko lang mag bar sina nelly at luan mamayang gabi." Rason ni Bryant. Napapansin ko na magkasing tangkad lang sila na dalawa.
" Bar?,, Bakit mo naman aayain yang si luan na mag bar? Halos sa bar na siya tumira noon, eh. Tsk!" Sasabat na sana ako ng biglang magsalita siya ulit " di ba girlfriend?" Gusto ko na talagang magpalamon sa siminto. Nadinig ko din ang bulungan ng mga kasama ko. Si Bryant naman umigting yung panga niya sa katitig kay Clarence parang handa na siyang umbagin ito.
" Girlfriend?" Takang tanong ni amanda at lumapit pa ito sa amin." Ang cheap nyo naman po sir kung naging girlfriend nyo ang babaing ito, eh." Turo niya sa akin. Ano ba ang alam ng babae to sa akin? Wala naman, ah. " Akala ko classy kayong pumili ng babae sir, hindi yung pipitsugin lang sa tabi tabi"
" Amanda!" Pigil sa kanya ni Bryant.
" Bakit, totoo naman, ah!? May boyfriend naman pala siya at amo pa natin, gold digger, teh? Tas lumalandi pa siya sayo, ano? Kating kati na talaga?!"
Sasampalin ko na sana si amanda ng hawakan ni Clarence ang siko ko.
" Don't!.... And you" baling niya kay amanda. Napansin kong namutla si amanda sa lakas ng bosis ni Clarence. " You're fired!!"
"Ano!! No sir, wag nyo pong gawin ito, nagamamakaawa po ako." Alam kong kaplastikan lang yung inasal niya. " Bryant, tulungan mo ko, oh" baling niya k
Sa kaibigan.." Ikaw ang gumawa ng mali at wala akong karapatan na mag disisyon dahil pareho tayong pinaswelduhan." Sabi ni Bryant.
" Akala ko ba kaibigan kitang tunay?!" Sabi ni amanda at akmang mag walkout ito sa harapan namin.
" Deserves you, right?" Sabi ni CLARENCE ng bumaling sa akin si Amanda na galit ang mukha.
" Dapat din yan sayo, amanda. Ano ba ang naging kasalanan sayo ni luan? Wala naman ah. Porkit lumalapit si Bryant kay luan ay galit ka na sa kanya? Akala mo naman aagawan ka ng laruan, laruan na hindi naman naging sayo!. At alam mo gusto ko ngayon na samapalin ka! Anong gold digger? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Wala kang alam sa pagkatao ni luan kaya wag kang magsalita ng tapos! At yung sinabi mong malandi?,,,, Ay gurl, dinidiscribe mo ba yung sarili mo?, Kaloka" mahabang litanya ni nelly. At binalingan si Clarence at medyo kinabahan ako. Baka kasi matanggal din siya sa trabaho ng dahil sa akin.
" Ma walang galang na po,,, enlighten us! Ano ka ba sa buhay ni daisy luan, sir CLARENCE?" Napasinghap tuloy ako sa tanong ni nelly kay Clarence. Pati ang iba kung kasamahan ay nakikiasyuso na din.."Hmmm,, luan? She's brat, stubborn and crazy woman back then. she's my girlfriend and no one can dare to own her because I'm claiming now what is mine, and she's mine." Sabi pa niya at mas lalo akong nagulantang ng halikan niya ako sa lips with kagat sa lips ko!!!