"Mama maman wag mo nga kasi i text, ang bweset na iyon yumamanang yumabang na."
Tumingin mg masama sa kaniya ang ina at pinukpok gamit ang hawak nitong bote ng toyo na walang laman.
"Aray naman ma!" Ungos niya at umupo sa tabi nito, binigay ng mama niya ang phone ma hawak niya.
"Dati lang nambabasura iyong piso na 'yon dito tapos ngayon yumaman lang hindi na kilala ang bayang pinag mulan."
Umikot ang mata niya.. si One ay kababata niya at kasabayan na lumakit dito sa maliit na bayan nila, dikit-dikit ang bahay at halos hindi na siya makahinga sa sikip. Pero mula ng bata siya ay rito na nabuhay at ganito na ang kaniyang buhay kasama ang ina. Nag iisang anak siya at namatay ang kaniyang ama sa heart attack at ngayon silang dalawa nalang magkasama.
Ang trabaho niya ay sales lady sa mall at maliit ang kita kaya lang ay ayaw niyang umalis roon dahil wala pa siyang nahahanap na oporunidad na maganda.
Atsaka nga pala One ang pangalan non at wala ng karugtong. Pinag tawanana nga niya minsan ng mabukulan ito sa noo noong bata pa sila at nagmukhang piso, kaya iyong One, naging piso na ang palayaw niya sa kaniya.
"Bakit ba kasi hindi mo tawagan? Eh, baka matulungan niya tayo sa problema mo."
"Ihh, ayoko nga eh. Ang yabang yabang na niya kaya.. sa twing nakikita ako--"
Natahimik siya.. lumunok at hindi na tinuloy ang sinasabi. Umalis siya roon at nag punta sa sariling kwarto.
Humiga siya at tuminga sa kanilang kisame. She remember him, masaya pa sila noon at magkasama pa nga nag lalaro at nangangalakal ng basura.. paano siya nag bago? Ang bait bait ni One sa kaniya noon, gagawin ang lahat ma protecktanan lang siya.
She's turning 23 this year at hindi niya alam kung mag hahanda pa ba siya sa darating na kaarawan o hindi na. Wala na sa kaniya ang birthday, hindi siya masaya gaya ng dati.
Bumuntong hininga siya at dahan-dahan pipikit ang mga mata.
"Taoo! Taooo!"
Dining niyang nag sisigaw sa labas.. inis na bumaba siya sa kaniyang kwarto at tinignan ang kumakatok sa kanilang bahay.
"Sino ba kasing gago 'yan, makakatikim ka sakin."
"Pabili ako yellow.." sabi ng lalaki na pamilyar ang boses, nanlaki ang mga mata niya ng buksan kung sino iyon...
"Ikaw!" Napa atras siya ng pumasok ang binata. Maayos ang kasuotan at halatang mamahalin, nakita niya kung gaano nag bago ang katawan ni One, lumaki ang katawan, naging maskulado.
Napalunok siya ng umupo ito sa maliit nilang sala, sa may sofa.
"Anong ginagawa mo 'rito?" Mahinanon ang kaniyang pag tatanong.
"Bibili nga ng yelo,"
"Huh, wag mo nga ako lokohin sabi mo kanina YELLOW, exagerated kasi ang W mo."
she rolled her eyes, nakita niyang tumawa ang binata sa ginawa niya.
"Kahit kailan talaga bobo ka parin sa english, yumaman ka nga kulang pa 'rin utak."
Bulong bulong niya, tinaasan niya ng kilay ang binata.
"Yellow naman talaga.. dilaw hindi ba ang tubig niyo rito?" Pang aasar niya.
"Ikaw.." sasapakin sana niya ito ng lumabas sa banyo ang kaniyang ina.
"One? Isa ikaw ba 'yan?" Nanlaki ang nga mata ng kaniyang mama at niyakap ito na parang anak.
"Nako mama.. mayaman na 'yan at mayabang na hindi na 'yan si One." Gusto niyang kaladkarin ang ina at ikulong nalang sa kanilang kwarto pero ending tinimplahan pa ng kape ang damuho kahit gabing-gabi na.
Panay utang ang gusto nitong mangyari kaya hiyang hiya na siya sa lalaki. Iniwan sila ng kaniyang ina sa sala upang mamili ng mga ulam nila mamaya.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Mayaman ka na diba," nag iwas siya ng tingin, isang araw ganito rin ang ginawa bumisita at ending nakikain ang binata.
"Halata namang nag bago ka.. di ka ba nandidiri dito?" She asked, di pa rin makatingin sa binata.
"Yumaman nga.. pero hindi pa rin masaya."
Nag angat siya ng tingin, nasa kabilang sofa siya naka upo at nakita niyang titig na titig ang binata sa kaniya.
His eyes landed on his breast, naka sando kasi siya at sa tansya niya kita ang cleavage niya. Agad na tinakpan at natawa ang binata.
"Iyang mata mo haa.."
"Wala naman ako ginagawa ah? Bakit ba ano pa titignan ko dyan sa mukhang walis tingting na katawan mo!"
Inis na binato niya ito ng remote control.
"Ano ba kasi ang ipinunta mo rito Piso ka."
Hindi bagay kay One ang pangalang piso sa mukha niya ngayon.
Alam ni Lia hindi na si One ang dating kababata niya noon at nakakalaro niya. Kita naman niya sa tindig at pangangatawan ang nag bago sa binata.
Mas lalong tumangkad at ang medyo magulo nitong buhok ang nakaka dagdag sa ka gwapuhan niya. Noong bata pa sila crush niya na ito, ngayon nagiging mukhang bad boy na talaga at may maangas na awra.
May hikaw sa isang tainga at silver ang kulay nito, medyo gusto nga rin niya makita ang loob ng tshirt na iyon ng binata... napa iling iling siya.
Tama ka na Lia, tama ka na.
"Gusto sana kita pakasalanan-"
"Ha!" Nag react na agad siya at babatuhin sana ito ulit ng isa pang nahawakan niyang bagay pero ngumiti lang at kalmado ang binata.
"May pangalan na ako.."
Natigil siya sa sinabi ng binata.. si One may pangalan na? Ano na naman ba ang pangalan niya?
"Pangalan ko ay.." pinutol pa nito ang sasabihin..
"Ay..." atat na siyang malaman ang pangalan ng binata.
"Ay.. ano... ay?" Kung hindi lang talaga ay siya na ang mag papangalan dito dahil sa tagal nitong mag salita.
"Ay juan..."
"Juan? Juan ano?" Atat na siya..
"Juan two three, hmm hindi ko pwedi sabihin." Sinapak siya nito sa ulo at inis na tinignan niya ang binata.
"Pero aalis ako.. dadahil ako ni papa sa america upang pagsanayin,"
That was the last word he said.
That was 3 years ago.. simula nong umalis ang binata patungo sa ibang bansa.. hindi na niya nakaka usap ito. Ngayon namang mag ta trabaho siya sa bar kung saan pag mamayari nito.. nag kita ang kanilang landas.
Kaya bakit ito nag bago? Bakit nag bago ang binata at naging ganito na ang ugali nito? Hindi na ba talaga siya nito kilala at kinain na ng kayamanan nito? Hindi niya alam.
Basta ang alam niya si One na nakita niya sa bar, hindi iyon ang One na kilala niya.
BINABASA MO ANG
Danger series 2: His Obsession
RomanceKahit na anong mangyari ang babaeng kinababaliwan ni One, ay para lang sa kaniya.