Chapter 7

140 37 10
                                    


"Hi..." mahina ang boses ko ng nilapitan ko sila. They all look at me.

Pagkatapos kasi naming kumanta ay napagpasyahan ko nang pumunta nalang sa mesa kung saan nandon sila Ann. Ang rude ko naman yata kung hindi ako lalapit sakanila samantalang kitang kita nila ako kanina sa stage. I think its rude to not just go there.

Isang kanta mula sa Maroon 5 ang pumalit sa stereo at napalitan ang kaninang agresibong galaw ng tao. The lights turned to blue and it is relaxing and cool. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

That one, I don't know what happen. Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ko sa stage kanina at nawalan narin ako ng pake.

But seriously, nawala talaga kanina sa isip ko si Nash simula nong napagtanto kong nandito nga pala si Brynth. I nix the idea of thinking about Nash. Inamin ko nang gusto ko si Brynth. It'll be ironic to just think of Nash while looking at him. Ayaw ko ng ganon. Ganito nga siguro pag alam mong gusto mo ang isang tao. Lahat na pwedeng maapektuhan ay maaapektuhan talaga. Even the way you think of something.

Pumagitna ako kay Ekka at Ann. Hindi gaya ng eksena namin kanina sa backstage ay malumanay at nakakailang ang awra ng mesa nila. Ivan just keep on texting. Tahimik namang naguusap si Ann at si Ert sa gilid namin ni Ekka.

Lumandas ang tingin ko sa kay Brynth. Nakakapanibago dahil tahimik lang siya at pagod na tumitingin sa gitna. Bigla ay nalungkot ako. With just three weeks and half, everything's changed. Ibang iba sa pakikitungo niya sa akin noon.

Tumikhim ako. Kinalabit ako ni Ekka.

"Bakit chinito ang kinanta mo?" Ekka whispered with irritation marked on her face. Hindi ko naman napigilan ang hindi mag-iba ng timpla. Pagod ko siyang tinignan. Is it really a big deal to sing Chinito? Sa unang kanta palang namin kanina ay nakabusangot na siya.

"There's nothing wrong with it, Ekka." bulong ko at umayos. Ekka just made a face. Kakausapin ko dapat si Ann pero hinila ni Ekka ang ilang hibla ng buhok ko.

"There's nothing wrong with it? Alam naman nating pareho na iisa lang ang ibig sabihin pagkumanta ka ng chinito!"

Frustration was evident in her voice. Gusto kong sabihin sa kanya na baka nasa kanya ang pagiging big deal non at hindi nasa akin. I'm not being gross but I'm tired now. Hindi magaan ang pakiramdam ko sa self esteem ko ngayon. Ayaw kong balikan ang mga nagawa ko kanina.

I looked at her. "Ekka, wala ng ibig sabihin 'yon. Past is past, okay? At bakit ba apektado ka?" I arched my brow at her. It's not like a big deal or something. It was just a song! Bakit ba kasi parang big deal sakanya ang kinanta ko at isa pa, hindi naman ako ang pumili ng kanta. Si Mark kaya!

"Kung nakikita mo lang ang ekspresyon ni Brynth kanina habang feel na feel mo ang kinakanta mo." she rolled her eyes and this time ako naman ang naging apektado sa sinabi niya.

Sa loob ay umiling ako. Ekka's just bitter. Binibigyan niya lahat ng bagay ng kahulugan kahit wala naman.

And,

Why do I feel guilty suddenly? Hindi sa nagiging assuming ako pero... nasaktan ko ba si Brynth? Probably not. Isang parte lang ito sa akin na nakakaramdam ng ganitong posibilidad.

Masasaktan siya? A big joke. I didn't do something plus we don't have something special. Pero bakit naman siya masasaktan kung wala naman siyang feelings for me? Natural lang siguro 'to dahil sabi nga nila, pag may crush ka, feeling mo crush ka din niya.

Si Ekka... Siya itong palaging pumupuna sa mga bagay na wala naman talagang ibig sabihin.

"Spin the bottle tayo!" pagaya ni Ivan.

True Sense of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon