Chapter 9

115 36 9
                                    

"Okay ready na guys! Loraine, huwag kang kabahan."

Yumuko ako sandali. Hinarap ko siya at tumango. Ewan ko kung malulungkot ba ako o hindi. Ngayon na kinakausap na niya ako ng normal ay parang hindi ko gusto. Diba dapat ay masaya ako? Pero hindi e. Iba ang nararamdaman ko.

Mas gusto ko iyong iniiwasan niya ako. Na para bang alam kong naaapektuhan ko siya. Hindi ganito. Hindi ko alam kung bakit. Pero ayaw ko.

"Okay." I managed to smile at him.

Ngumiti talaga siya ulit sa akin. Sinabi pa niyang huwag akong masyadong kabahan.

Bumaba ang tingin ko sa sahig. Iyong mukha ko... hindi ko alam kong ano na. I supposed to be happy. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Nakita kong umilaw ang cellphone niya. I got curious. I saw him smile. Umalis siya papuntang gilid at doon ay nagtext. Kinagat ko ang labi ko at ibinalik ang pansin sa labas ng stage.

Wala akong alam tungkol sa kanya. Ni hindi ko alam kung kailan ang birthday niya. Ang alam ko lang ay may kapatid siyang babae. I know her. Iyon lang ang alam ko. Who would not know Natalie Villarasa? Bukod doon ay wala na talaga ako masyadong alam.

Hindi ko nga naisip na baka may iba siyang napupusuan. I just then realized that I only entered to his life. Pumasok ako na walang masyadong alam kung ano ang meron sa kanya.

Baka naman...

Baka naman kagaya nila Ivan ay may gusto siyang iba? Huminga ako ng malalim at nasaktan sa naisip ko. Posible iyon! Hindi pa ako nagtanong kailan man sa mga kaibigan niya tungkol don. What if he already have someone special there? Kaya hindi niya ako napapansin?

"It's time." sabi ni Sean at pumanhik naman kaagad sa may entrance ng stage sa gilid ang mga kasama ko.

Nawala sa paningin ko si Brynth. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Hindi naman nagpanick sila Ert kaya naisip kong baka alam nila kung nasaan si Brynth. When I made my first step, nilampasan ako ni Brynth galing sa likuran. Ang tanging nakikita ko lang ay ang likod niya.

Once again I bit my lip.

"The time you've been waiting for has come. The most awaited moment. Hindi magiging kompleto ang opening ng event na 'to kung hindi niyo sila makikitang magperform at tumugtog sa stage na 'to." the emcee said at patuloy lang sa pagsalita habang ang mga tao naman ay kulang nalang yata na mabingi dahil sa sobrang lakas ng mga tili.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko ngayon dahil kinakabahan na naman ako. Just hearing those voices of people who are busy cheering on us, makes my knees melt. How much more pa kaya kapag nandon na ako sa harapan? Baka wala sa oras ay mahimatay ako.

"Kinakabahan ka? Ang obvious mong magpachill."

Napatingin ako sakanya. "Ano?"

He smiled a little. "Joke lang Raine. Ito naman, huwag ka ngang kabahan!" Tumawa si Brynth. Presko siyang tumingin sa mga tao na para bang sanay na sanay siyang humarap sa kanila.

"Sanay ka naman kasi sa mga ganito."

"Sus. Parang first time mo 'to."

"First time ko nga talaga." sagot ko. Ito ang unang beses na haharap ako sa ganitong kadaming tao.

"Sus. Sige na, di kita pababayaan. Sundin mo lang mamaya ang gagawin ko."

Bakit parang gusto kong panghawakan ang salitang hindi 'kita papabayaan'?

True Sense of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon