Chapter 8

122 36 14
                                    

May isasaya pa ba sa taong umamin at nabigyan ng pansin? O may ikalulungkot pa sa taong umamin na nga pero hindi parin nagawang pansinin?

If love could only be fair, wala sanang bitter.

I sighed upon looking at the hearts. Ang ganda ng pagkakalagay ng mga kulay pulang glitters sa may hugis na puso. Nakakainganyon tinignan sa itaas. Lahat ng classroom, may kanya kanyang design ng puso.

Tinignan ko si Ekka na kanina pang tawag ng tawag sa akin.

"Loraine!"

Hinihingal siyang tumakbo. Nakita kong kaaalis lang ni Jobert sa likuran niya. Nagusap siguro silang dalawa.

Ang bilis nga ng panahon kasi malapit na ang Valentines Day. Sabi nga nila, season change, so do we. Kaya siguro nasapian si Ert at biglang hindi naging torpe. I don't know what's going on between the two of them but I'm certain that Ekka's still chasing him. Wala namang bago.

"Uy?"

Lumitaw si Ekka sa harapan ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya.

"Okay ka lang?"

"Ah. What?" I asked. Jeez! Nakakahiya at hindi ko pa talaga siya napansin. Nakatulala na pala ako kanina.

She rolled her eyes. "Nakalimutan mo na ba?" tanong niya. Agad namang kumunot ang noo ko at inisip kung ano ba iyong posibling nakalimutan ko.

Bumusangot siya ng wala akong maalala.

"Hmp! Nakalimutan mo na nga!" she hissed and rolled her eyes again ng hindi ako nakapagsalita.

Tumawa ako at biglang nahiya. Dapat siguro sabihan ko na si mama na palitan ang gamot na iniinom ko. Pansin ko kasing nagiging makalimutin na ako.

"May nakalimutan ba talaga ako? Sorry di ko maalala."

Masyado kasi akong naging abala ngayong lingo dahil sa Valentines Special na gagawin dito sa school. Kaya hindi malabo na may makalimutan man akong ibang bagay. Palaging puyat at walang kompletong tulog ang dinaranas ko simula pa nong Monday.

"Ano ba yan! Excited pa naman din akong pumunta ng music room tapos nakalimutan mo?" ngumuso siya.

Music room?

"E, ano ba ang gagawin natin sa music room?" tanong ko dahil wala naman akong naalala na may gagawin kami sa music room.

Sumimangot siya at may ipanakitang listahan sa akin. Inilapit pa niya ito at hinarap sa mukha ko. Nakalagay don sa listahan kung ano ang gagawin ng club namin para sa Valentines Special at halos mapuno na ito sa daming gagawin. Sa dulo ng papel ay nakasulat na kailangan naming pumunta ng music room para ayosin ang magtutugtog sa mini concert na gaganapin.

My lips formed 'o'. Nakalimutan ko nga! Mabuti talaga at nagawa pang sabihin sa akin ni Ekka 'to.

Lumunok ako. "Sige Ekka. Pumunta na tayo para may matapos naman tayo ngayong araw."

Umayos ako at ibinalik sakanya ang papel na kulang nalang ay ipakain niya sa akin kanina. Jeez! Mukha bang hindi ko na mabasa ang mga nakasulat para ilapit niya sa akin ng ganon?

"Bruha ka talaga!" she hissed. Tumawa ako pero kinurot niya ako sa tagiliran.

"Ouch! Ang sakit non Ekka ha!" I groaned. Tumatawa pa ako. Ano ba kasing problema niya at bigla nalang siyang naging sobrang excited? Kung sa bagay ay malapit na ang Valentines.

True Sense of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon