Prologue

879 4 0
                                    

Ako si Marissa Dimagiba.

Ang edad ko, malapit nang mawala sa kalendaryo.

Never been kissed, never been touched.

Well, sino nga ba naman ang magtatangkang halikan ang tadtad ng taghiwayat na mukha ko. Sabi nga ng mga bully, ako nga raw ay isang malaking taghiyawat na tinubuan lang ng mukha. Meron bang ganoon?

At sino rin kaya ang magta-try na humawak sa mabuto kong katawan. Takot lang nila siguro na matusok ng buto ko.

Haist!

Syempre naman gusto ko rin magkaroon ng boyfriend pero ayaw nila sa akin, eh, ano ang magagawa ko? Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa ayaw sa akin. Kaya ako eto hanggang sa pangangarap na lang.

Crush ko ang boyfriend ng boss ko. Super gwapo nya, as in. Wala nang guguwapo sa kanya. Super na nga, di ba?! Kaso hanggang pangarap na lang yata siya.

Ngunit hindi ko naman kina-career ang pangangarap. Mahirap na, baka sa pangarap na lang ako mabuhay.

Imbes na lovelife ang isipin, pamilya ko na lang ang binibigyan ko nang atensyon. Nagtatrabaho akong mabuti para matulungan ko ang mga kapatid ko na makatapos ng pag-aaral. Nangangarap na lang ako para sa kanila. Masaya na ako na nakikita silang masaya.

Simple lang ang buhay namin ngunit masaya naman.

Hindi ko akalain na mababago ang lahat ng iyon nang isang gabi lang. Ang simpleng buhay naging kumplikado dahil sa isang malagim na pangyayari. Isang gabi na magpapabago nang buong-buo sa aking buhay.

Isang gabi na hindi ko akalain na magigising na ako kinabukasan sa ibang pagkatao. Sa katawan ni Lorena na isang babaeng bayaran....

(A/N) This is my second story here in wattpad. Still working on it. I hope na magustuhan nyo rin ito. ^_^

Please vote and comment!

Copyright © 2013 All Rights Reserved

Stuck In Her ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon