1 : Si Lorena
SA loob ng silid, nakatanaw sa labas ng salamin na bintana si Matthew. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay tanaw na tanaw mula sa kinaroroonan niya ang malawak na dagat. Ngunit tagus-tagusan lamang doon ang kanyang tingin dahil sa lalim nang iniisip.
Nabili niya ang private resort na iyon sa dulong bayan ng Batangas dalawang taon na ang nakalilipas. Malawak ang resort. May sariling pool sa loob ng compound na tanaw ang dagat. Binili niya ang resort na iyon para sa kanilang dalawa ni Lorena. Ito ang naging pugad nilang dalawa ng dalaga. Ang naging piping saksi sa kanilang relasyon dahil walang sinuman ang nakakaalam isa man sa pamilya niya ang tungkol sa relasyon nilang dalawa.
Bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan kung paano niya nakilala si Lorena. Kaarawan niya noon nang surpresahin siya ng mga kaibigan sa kanyang condo. Bitbit ang isang bote nang alak. Nag-inuman sila. Ngunit hindi pa pala dun natatapos ang surpresa ng mga ito. Nagulat siya nang ipasok ng mga ito ang isang malaking gift box. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang laman n’on. Nang patugtugin na nang mga kaibigan ang component ay pumailanlang ang isang nakaaakit na tugtugin. Unti-unti may lumabas sa kahon. Tila nabatubalani siya nang makita ang dalaga. Para itong diyosa ng kagandahan habang nagsasayaw na tila nang-aakit. Bakas ang perpektong hubog nang katawan sa manipis na kamison nitong suot. Makinis ang mala-porselana nitong balat nang haplusin niya ito habang walang tigil sa pagsayaw sa kanyang harapan. Dala nang alak na nainom, tumayo siya at sinabayan ang mapang-akit na sayaw nang dalaga habang magkadikit ang kanilang katawan. Nararamdaman niya may nabubuhay sa kanyang pagkalalaki.
Naririnig niya ang kantiyaw ng mga kaibigan ngunit wala doon ang kanyang atensyon. Napatingin siya sa mga labi nito. Nakadagdag sa init na nararamdaman ang mapupula at mapang-akit nitong mga labi bukod sa agresibong kilos nito sa pagsasayaw. At ang mapupungay nitong mga mata. Sa tingin niya, base sa mga kilos nito ay nasa impluwensiya ito ng ipinagbabawal na gamot. Naisip niyang maaaring iyon ang paraan nito upang masikmura ang gan’un klase ng trabaho.
Nagpaalam ang kaniyang mga kaibigan upang masolo niya ang regalo ng mga ito sa kanya. “Malinis ba ito?” pigil-tanong niya sa kaibigan.
“Of course, Bro!” two thumbs-up pang sagot ni Jorge bago lumabas ng kanyang pad habang maluwang ang pagkakangiti.
Wala siyang plano na pumatol sa isang babaeng bayaran dahil pinangangalagaan niya ang pangalan ng kanyang pamilya. Kung gugustuhin lang niyang maglabas ng init ng katawan ay maraming pwedeng magbigay sa kanya n’on. Mga babaeng galing din sa mundong kanyang ginagalawan. Isa pa, may nobya siya na galing din sa mayaman at respetadong pamilya.
Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit hindi niya magawang tanggihan ang kagandahang nasa kanyang harapan. Marami na siyang nakasalamuhang magagandang babae. Iba’t ibang kagandahan. Ngunit mayroong panghalina si Lorena na hindi niya mawari. Na nagdidikta sa kanya na angkinin ito. Naisip niyang minsan niya lang gagawin iyon. Ang tumikim ng isang tulad ni Lorena. Na isang babaeng bayaran. Pagkatapos noon ay kakalimutan na niya kung anuman ang mamagitan sa kanila. Ngunit nagkamali siya. May isang bagay na lalong nagpabaliw sa kanya sa dalaga. Si Lorena ay birhen pa.
LUMAPIT sa kanya si Lorena at niyakap siya mula sa likod. “Hon, tulog na tayo!” malambing na sabi ng dalaga. Ang malamyos na boses nito at ang init ng katawan na nakayakap sa kanyang likod ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Kinalas niya ang kamay nito at humarap sa dalaga. Tumambad sa kanya ang kaakit-akit nitong katawan sa suot na pulang sexy nighties. Halos pumutok na ang manipis na tela na suot nito sa laki ng dibdib ng dalaga. Naramdaman niyang biglang umalinsangan sa paligid. Tinaas niya ang tingin sa mukha nito at sumalubong sa kanya ang matamis nitong ngiti.

BINABASA MO ANG
Stuck In Her Shoes
General FictionSa buhay ng tao may mga pangyayaring mahirap ipaliwanag. Mga hiwaga sa buhay na nararanasan ng iilan. Hiwagang tulad nang milagro, nang kababalaghang nangyayari sa paligid at nang hiwagang nagagawa ng pag-ibig. What if your soul stuck in another bod...