2 : Si Marissa
“INAY, eto na po ang pambayad dito sa apartment at sa kuryente at tubig natin,” inabot ni Marissa ang sobre na kinalalagyan ng pera sa ina. Kasasahod lamang niya.
Office clerk siya sa isang advertising agency sa Mandaluyong. Sa liit ng sahod niya ay hindi nakasasapat sa kanila ang kanyang kinikita. Kaya. Kung anu-ano ang binebenta niya sa mga ka-officemate katulad ng RTW, accessories, pabango at marami pang iba para lamang makadagdag sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya dahil siya lamang ang inaasahan ng mga ito. Minsan ay nagdadala siya ng lutong ulam na siya ang nagluto upang makadagdag sa kanyang kita.
Kaga-graduate lamang niya noon nang highschool ng mamatay ang kanyang ama. At bilang panganay ay inako na niya ang responsibilidad sa pamilya dahil sa mahina ang katawan ng ina nang mga panahon na iyon. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok niya para makatulong sa ina at dalawang nakababatang kapatid.
Nagsumikap din siyang makapag-aral man lang kahit na vocational lang. Two-years secretarial course ang kinuha niya. Kahit na ang gusto niyang kunin noon ay culinary art course dahil mahilig siyang magluto at pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant balang-araw. Ngunit hindi siya pinalad na matupad ang pangarap.
Nagtrabaho siya sa umaga at nag-aral sa gabi, makapagtapos lamang. Kung kaya ngayon ay nakapag-trabaho siya kahit paano bilang isang office clerk.
Natutustusan niya ang pag-aaral ng dalawang kapatid. Ang sumunod sa kanyang si Marlon ay fourth year highschool na at graduating na ngayong taon. Ang bunso namang si Marilou ay grade 5 na sa elementarya..
“Next week ko na lang po i-aabot ang panggastos dito sa bahay at pang-tuition ng dalawa. Maniningil pa po ako ng mga pautang ko,” dagdag pa niya. Umupo siya sa silya sa tabi ng ina.
Nakaupo ang ina habang naghihimay ng gulay at naghahanda para sa lulutuin. Tumulong siya sa ginagawa nito.
“Okay lang anak, sigurado namang may sosobra pa rito sa binigay mo. At saka tumanggap ako kanina nang labahin. Pangdagdag din iyon sa mga gastos natin,” nakangiting pahayag ng kanyang ina. Ginagap pa nito ang kanyang palad.
Ipinatong at hinawakan niya rin ang kamay ng ina ng isa pa niyang kamay at matamang tumingin dito.
“Inay, hindi ba sinabi ko na sa inyo na huwag na kayong tatanggap ng labahin. Baka mapaano pa kayo niyan, eh. Kaya nga ako nagsusumikap at nagdodoble kayod para matustusan ko ang mga pangangailangan natin,” nag-aalalang pahayag niya dito.
“Marissa, anak. Lalo lamang akong manghihina kung wala akong ginagawa dito sa bahay. Saka malakas na ako, kaya ko nang magtrabaho… Eh, paano kung wala ka na at iwan mo na kami. Saan kami kukuha nang aming ikabubuhay. Mabuti na ngayon pa lang sinasanay ko na ang sarili ko sa pagtatrabaho,” mahabang paliwanag ni Aling Miling.
Napakunut-noo siya sa sinabi ng ina. “Inay, bakit ko naman kayo iiwan? Saan naman po ako pupunta?” nagtatakang tanong niya.
“Kapag nag-asawa ka na!” sagot nito. “Aba, Marissa! Wala ka bang balak na mag-asawa? Bente-otso ka na at malapit ng mawala sa kalendaryo,” bulalas ng kanyang ina.
Natawa siya sa sinabi ng ina. “Nay, naman?!”
Lumapit na sa kanila ang dalawang kapatid niyang nasa sala at kanina pa nakikinig sa usapan nilang mag-ina. Maliit lamang ang apartment na kanilang tinutuluyan kaya naririnig ng nasa sala ang usapan sa kusina.
“Ate Marissa, mag-aasawa ka na ba? Iiwan mo na kami?” malungkot na pahayag ni Marlon. Yumakap pa ito sa kaniya.
Nakita naman niyang maluha-luha na ang kapatid na si Marilou.

BINABASA MO ANG
Stuck In Her Shoes
General FictionSa buhay ng tao may mga pangyayaring mahirap ipaliwanag. Mga hiwaga sa buhay na nararanasan ng iilan. Hiwagang tulad nang milagro, nang kababalaghang nangyayari sa paligid at nang hiwagang nagagawa ng pag-ibig. What if your soul stuck in another bod...