Scene 4

23 1 0
                                    

PROM.

Isang araw na hinding hindi ko makakalimutan.

Sobrang espesyal ang araw ng J prom namin ng third kami.

Paano ko naman iyon makakalimutan?

Feb. 15 , 2014 . Sobrang saya ko talaga ng araw na yan.

Dahil finally, sinagot nya na ako. Officially kami na talaga.

Girlfriend ko na talaga sya.

Wala akong ibang sinayaw ng araw na yun kundi sya lang. Buong atensyon ko na sa kanya lang. Ayoko sana syang payagan makipagsayaw sa iba pero ayoko namang isipin nya na masyado ko syang binabantayan. Baka maturn off pa sya sakin at hiwalay nya pa ako dahil dun. Kahit nakipahsayaw pa sya sa iba hindi pa rin ako nakipagsayaw sa ibang babae maliban sa kanya. Ewan ko ba. Basta sobrang saya ko ng mga oras na yun at wala akong pakialam sa mga nakapaligid lalo na samin g dalawa.

Lahat gagawin ko para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Handa akong ang kahit ano para lang sumaya sya.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon