Scene 8

20 1 0
                                    

Sabi nila masasaktan lang ako lalo kung patuloy akong aasa na magkakabalikan pa kami. Pero anong magagawa ko? Sobrang mahal ko pa rin sya. Ni hindi ko nga magawang magmove on e.

Kaya pala nalaman ko na iyong dahilan nya ang hirap pa rin pala.

Hindi ko pa rin pala talaga kaya na kalimutan sya. Siguro kasi masyado ko syang minahal at pinagtuunan ng labis na atensyon.

Akala ko dati kaya hindi ko sya mapakawalan kasi hindi ko alam yung rason nya kung bakit gusto nyang kong hiwalayan. Pero wala pa rin e. Di ko pa rin matanggal sa sistema ko.

Mas hirap akong kalimutan sya sa tuwing napagttripan kami ng dalawa. Sa tuwing tinutukso kami sa isat isa. Sa tuwing pinapaalala nila yung mga araw na masaya kaming dalawa na magkasama.

Ako ang nasasaktan sa tuwing sinusubat sa kanya na sya ang dahilan kung bakit ako patulog na nasasaktan.

Ang sakit sa tuwing nakikita ko yung guilt sa mukha nya.  Sa tuwing nakikita kong gusto nyang isigaw na hindi nya naman ginusto lahat ng nangyare pero nananatili na lang syang tahimik kahit na nasasaktan na sya.

Di ko makakalimutan ng nakita ko syang umiyak nung time na inaasar na naman sya habang tumutugtog ang mga kantang naglalaman ng mga lirikong tugmang tugma sa mga pinagsamahan naming dalawa. Gusto ko syang lapitan ng mga oras na yun at yakapin tapos sabihin sa kanyang tahan na at wala syang kasalanan pero hindi ko magawa kasi alam kong mas aasarin lang sya at mas magguilty sya kapag ginawa ko yun kaya lumabas na lang ako ng classroom at naghanap ng mapagkakaabalahan.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon