Scene 7

19 1 0
                                    

Ang pakawalan sya ang pinakahuling bagay na naisip kong gagawin ko. Buong buhay ko nung nakilala ko lang sya ako naging masaya. Yung saya na kuntento ka na sa lahat ng bagay. Yung wala ka nang hihilingin pa. Pero nung sinabi nya sa akin na kelangan ko na syang pakawalan. Hindi ko kinaya.  Pero kelangan.

Nung maghiwalay kami.

Dun ko nalaman lahat ng lihim na itinago nila sa akin.

Mas naunawaan ko at mas nakatulong iyon sa akin para mas mapadali iyong paglimot ko sa kanya.

Nalaman ko na kaya nya pala ako tinext noon dahil balak nyang ilakad sakin ang kaibigan nyang babaeng may gusto sa akin. Balak nya lang pa lang maging tulay sa amin ng kanyang kaibigan. Nasaktan ako ng malaman ko iyon. Pero nalaman ko rin ang dahilan nya at ang sabi nya.

Hindi nya naman daw ittanggi na iyon talaga ang pinakarason nya kung bakit nya ako tinext noon pero pati sya hindi nya alam kung anong nangyari at bigla na lang na pagkagising nya e hindi na iyon ang rason nya at natutuwa na raw syang makatext at makausap ako hindi para sa kaibigan nya kundi para sa sarili nya mismo.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon