Scene 5

24 1 0
                                    

Simula nung maging kami. . .

Hindi na kami tago at ilang sa mga classmates namin.

Open na kami. Kumbaga hindi na big deal samin na alam na nilang kami na.

Ang mahalaga lang naman kasi sa akin ang makita syang masaya.

Lahat ginagawa ko para maging isang mabuting boyfriend sa kanya.

Lahat ginagawa ko para mapasaya sya.

Lalo akong natutuwa tuwing naririnig ko yung mga classmates namin na sinasabihan kami na ang sweet sweet daw naming dalawa.

Walang araw na hindi ako naging masaya simula ng maging kami. Ganun talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Iyong tipong ngitian o makita ko lang sya buong buo na ang araw ko.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon