PROLOGUE

78 2 0
                                    

ANG pagkahiwalay sa mahal mo sa buhay ay siyang pinakamasakit na tinutusok niya ang puso mo ng paulit-ulit.

Pero walang magagawa ito, dahil kailangan mong lumayo sa kadahilanan ay kailangan mo ng magtrabaho para may maikakain ang iyong pamilya araw-araw.

Sa mahigit na 15 years niyang pag-aalaga niya sakin at saking kapatid ay ito na ata ang panahon upang siya naman ang aming aalagaan.

Ang aking ina ay matanda na at di na masyadong nakakakilos, kaya't kami nalang ang naglilinis at nag-aalaga sa kanya.

May kaisa-isang akong kapatid, ito'y pitong taon pa lamang, Pero sa edad niyang ito ay marunong na siya sa lahat ng gawain at nakapagtiwalaan sa lahat ng bagay.

Tatlo na lamang kami sa pamilyang ito, dahil bata pa lamang kami ay namatay na ang aking ama dahil sa sakit nito. Wala kaming kamag-anak.

Bakit ko ito nasasabi? Dahil nung bata pa lamang ako ay tinatanong kuna kay ina, kung bakit wala kaming kapitbahay? O kaya bakit walang dumadalaw samin, kapag may birthday isa samin? Pero ang tanging sagot niya ay "Malalaman mo rin sa tamang panahon, Anak!"

Kaya't tanging tikom lamang ang aking nagawa, pero kahit na wala kaming ibang pamilya ay masaya parin ako. Dahil minahal niya kami ng buo at inaalagaan na para kaming isang pamilyang masaya. Kahit na mahirap ang aming buhay kami'y masaya.

Nung ako'y sampung taon gulang ay nakilala namin ang aking tinuring na kapatid, ito'y nakita ng aking ina sa ilog habang nagpalutang-lutang. Kaya't kinupkop namin ito at tinuring kung kapatid at higit sa lahat ay minahal namin na parang isa sa aming angkan.

"Anak kung Khalixtha, Mag-iingat ka sa maynila." Saad ng aking ina habang hinaplos ang aking buhok.

"Opo, aking ina. Mag-iingat ako kayo rin po." Sagot ko dito at hinalikan ito sa kanyang noo.

Mga nasa edad na ng 80 si mama kaya, sobrang hina na nito.

Nakahiga na lamang ito sa aming munting higaan, habang hinahaplos ang aking buhok at buhok ni Xierra ang aking kapatid.

May kinuha siya sa kanyang Higaan at inabot ito saking mga palad.

"Anak kung Khalixtha at Xierra, kayo'y aking minahal at inaalagaan. Dahil sobrang hina na ako at mukhang sinusundo na ako ng inyong ama." Utal-utal nitong saad sakin, habang tumutulo ang luha nito kaya napahagulgol ang aking kapatid at walang humpay na luha nag lumabas sa aking mga mata.

"Yang sulat na iyan, anak kung Khalixtha. Ang magsasabi ng katotohanan sa mga tanong niyo." Saad nito, kaya pinunasan ko ang luha nito.

"Ang mga sulat dyan ang magpapatunay sa mga tanong niyo. Kapag kayo'y may problema at bumabalabag sa isip niyo ay kumuha lamang kayo sa mga sulat na iyan at ito'y magpapaliwanag sa inyong katanungan." Dugtong na saad nito. Kaya tiningnan ko ang mga sulat na napakarami nasa isang garapon ito.

"Hi-ndi niyo ak-o ina at ang yumao kun-g asawa ay hindi niyo ama." Hikbing saad nito. Na kinagulat ko, Gusto kong magtanong pero hinayaan ko nalang siyang magpatuloy.

"Mahal na mahal ko kayo, aking mga anak. Masaya akong kayo ang aking anak sa loob ng 18 taon. Khalixtha anak alagaan mo ang iyong kapatid na si Xierra ah!" Hikbing saad nito kaya mas lalo akong napaiyak.

"Anak kung Xierra, Wag kang magpapadala ng sakit ng ulo sa Ate mo ah, kung saan man kayo magpunta." Dugtong nito.

"Nawa'y mahanap niyo ang inyong tunay na pamilya, Mahal na mahal ko kayo at tinuring ko kayong sarili kung anak. Maraming salamat dahil pinasaya niyo ako sa maikling panahon, pero sakin ay mahaba na ito." Saad nito.

Ang sakit! Walang tigil ang luha s aaking mga mata, habang nakatingin sa aking pinakamamahal na ina. Ito'y nahihirapan ng huminga pero'y pinipigilan niya muna.

Hinawakan niya ang aming mga mukha at isa-isang hinagkan sa noo namin.

"Mahal ka po namin, Ina." Naluluhang saad ko at hinagkan siya.
"Mahal kayo ni Xierra, mama." Saad ni Xierra at lumuluha rin ito.

"Mahal na mahal ko kayo, Mag-iingat kayo, Andito lang ako palagi sa inyong tabi hinding-hindi ko kayo pababayaan, Mahal na mahal ko kayo, Aking mga ANAK!" Huling sambit nito na kinahagulgol namin sa kadahilanan ay unti-unting nagpadusdos ang kamay niya sa aming mukha at walang buhay na humiga.

"MMMMAAMMMAAAA!!!" Hikbing sigaw ng aking kapatid na si Xierra habang, umiiyak na ginising ang aming ina.

"MMMMMAAMMAA, NAWA'Y MASAYA ANG IYONG PAGLALAKBAY!" Tanging saad ko at mas lalong umiyak, habang si Xierra ay niyugyog pa ang aking pinakamamahal na ina.

Sobrang sakit! Pero, kailangang tanggapin na wala na ang aking pinakamamahal na ina.

Mahal na mahal kita, Aking Ina. Nawa'y masaya kayong nagkita sa langit ng aking Ama.

Hindi ako nakapagpunta sa maynila dahil sa pagkamatay ng aking pinakamamahal na ina.

Araw-gabi kaming umiiyak ni Xierra, habang nakatingin sa aming ina na nasa kabaong na.

Malaki ang aking pasasalamat dahil sa may mga magagandang loob na tumulong samin, hanggang sa iburol ang aking pinakamamahal na ina.

Sa burol ng aming ina ay walang humpay ang tulo ng aming mga luha, hanggang sa pinasok na sa lupa ang aking ina.

"HINDDII, HINDII PA PAT*Y ANG AKING INAA." Sigaw ni Xierra habang nakayakap sa kabaong ng aming ina. Habang ito'y inililibing na, kay't kinuha ko ito.

Kahit na malabo na aking mga mata ay nakita kopa ang unti-unting paglamon ng lupa ng kabaong ng aking pinakamamahal na ina.

Tinabunan na ito ng lupa, kaya't binababa kona si Xierra, dahil sobrnag bigat tas ang likot pa.

Napaiyak lalo ako, dahil mabilis niyang hinukay ang lupa. At umiiyak ito.

"Xierra, Kapatid ko." Tanging saad ko dito habang pinipigilan siya.

Nang matapos ang burol ay pumunta na kami sa Lungsod upang maghintay ng masasakyan papuntang maynila.

Bitbit ko parin si Xierra, habang nagsisigaw at umiiyak parin ito.

"Kapatid ko, shh tahan na." Tanging saad ko kaya ito'y nakatulog.

Pumasok ako sa bus at umupo sa pinakaunang upuan, nialapag ko si Xierra at ito'y sinalbitan ng seat belt, will alam ko naman kung pano yun.

Lumuluhang tinanaw ko ang aking pinagmulan ang aking magandang bayan.

Hanggang ako'y makatulog na puno ng pighati.

Nawa'y maging masaya ang aking pamumuhay kasama ang aking kapatid, sa Maynila!

Pa'no kung ika'y maging isang babysitter ng pitong kalalakihan na makisig may taglay na kagwapuhan?

Puro sakit sa ulo ang hatid nito sa inyo, kasama pa ang iyong kapatid.

Makakaya moba ito or hindi?

May mabubuong pag-ibig ba or puro saway lamang?

THAT PROMDI GIRL IS A BABYSITTER (Book 1)Where stories live. Discover now