CHAPTER 1: RENT

31 2 1
                                    

Khalixtha POV:
MASAKIT pa ang nangyari dahil sa pagkawala ng aking pinakamamahal na ina.

Ang aking kapatid na  ang pamilya ko, diko alam kung paano buhayin ng masagana ang aking kapatid. Pero bilang ate niya ay kakayanin ko, para sa aming dalawa.

Dahil mahal na mahal ko ang aking kapatid.

Nakarating kami sa maynila, kaya't binuhat ko ang aking kapatid ngayon ay kasalukuyang natutulog, habang sinunbit ko ang aking bag.

Para akong ina ngayon sa lagay ko, medyo gusot ang aming mga damit, kung sa based sa kanilang nakikita sa amin ay isa kaming mga "NAGPAPALIMOS LAMANG"

Binuhat ko ang aking kapatid at may hawak pa sa kamay ko at bag namin sa aking likuran.

Pagbaba ko sa bus ay tiningnan ko ang kabuuan ng maynila, Maganda pala dito kaya pala maraming lumuluwas dahil sa kagandahan ng maynila.

May nakita akong puno malapit sa isang malaking building umupo ako roon at inilapag ang aking bag, tsaka mahinang tinapik ang pisngi ng aking kapatid.

"Xierra." Mahinang saad ko dito, kaya ito'y napamulat ng kanyang mata at ngumiti sa akin.

Namumula parin ang kanyang mata, dahil galing pa ito sa iyak.

"Saan na po tayo, ate?" Tanong nito sakin, kaya ngumiti ako at sinabi kung saan na kami, kaya't nilibot niya ang paningin niya at tumango.

"Kumusta naman tulog mo?" Tanong ko dito habang hinahaplos ang buhok nito.

"Okay lang naman po, Ate. Napaniginipan ko si Ina at Ama, sabi nila 'wag nalang daw akong umiyak, dahil masaya na silang nagsasama sa langit at babantayan tayo kahit saan tayo makita, sinabi pa nila na hindi tayo pababayaan tsaka andito lang sila palagi satin. Kaya wag na daw akong makulit sa iyo' Ate." Saad nito at ngumiti.

"Kaya't simula ngayon Ate. Hindi na ako magpapasaway." Masiglang saad nito sakin at nag action pa sa aking harapan, kaya't tumawa ako sa sobrang tuwa.

"Good, Baby Xierra." Nakangiting saad ko dito at hinaplos ang mukha nito.

Pitong taong gulang na si Xierra, samantala ako'y 18 taong gulang na. Sa aming dalawa ay siya ang nag-aaral samantala ako ay huminto muna sa pag-aaral kaya't hanggang SHS pa lamang ako.

Pero, ngayon ata ay makapahinto sa pag-aaral ang aking kapatid, pero hindi ko ito hahayaang mangyari.

Kumain muna kami sa punong ito bago lumakad upang maghanap ng mau-upaan at maghahanap ako ng trabaho.

Patuloy parin kami sa paglalakad di namin alam kung asan na kami.

"Ate." Kalabit sa akin ni Xierra kaya umupo ako para magkapantay kami.

"Yes, Baby?" Tanong ko dito.

"Look." Saad niya sabay turo sa aking likuran kaya agad ko itong tiningnan.

May nakadikit na "For Rent" ibig sabihin ay may mauupaan na kami?

Agad-agad naming pinuntahan iyon at nakita namin na naglilinis ang may-ari ng bahay.

"Magandang Tanghali po." Magalang na saad ko dito.

"Bakit, Iha?" Tanong nito sa amin.

"Mangungupahan po sana kami."

"2k every month, kaya?" Taning nito samin, mukhang mabait naman.

"Opo, kaya po." Masayang saad ko dito.

Kaya pinatuloy kami at pumasok kami, pagdating namin doon ay nakita namin ang magandang paparentahan.

Pumunta kami sa pangalawang estilo at nakaharap kami sa isang pintuan at may binigay siyang susi samin.

THAT PROMDI GIRL IS A BABYSITTER (Book 1)Where stories live. Discover now