...
"Hay nako naman, ang aga aga naman ng pasok!" pag re reklamo ko habang ng lalakad papasok ng school, galing sa parking lot sa likod ng school, "Bakit pa kasi kailangan pang mag aral eh no?! kaasar" Dugtong ko pa habang nag lalakad na dito sa school dahil nakapasok na ako, ano pa nga ba.
habang nag lalakad ako ay kita ko ang tinginan ng mga ilang mga students, at dahil nga medyo hartrub ako ay eto, pinag titinginan.
habang nag lalakad ay may nakita akong familiar na muka sa hindi kalayuan busy sa pag babasa habang naka upo sa bench malapit sa library, kaya agad agad kong nilapitan ito at agad na inakbayan. "Good morning ethan!!" Masiglang bati ko sakanya habang naka akbay sakanya at sya naman ay napatingin sa akin.
"Good morning din" cold na tugon nya at bumalik na sakanyang binabasa.
kinuha ko ang libro na binabasa nya, kaya napatingin sya saakin ng may pag tataka. "Ang cold mo naman tan, hindi mo ba ako na miss?" tanong ko sakanya habang nag po poppy eyes sakanya.
"Namiss" Maikling reply nya sa tanong ko, kaya mas lalo akong na badtrip. "Akin na yung libro ko may binabasa ako" sunod na sambit nya pero this time medyo mataas na ang tinig nya kaya alam kong badtrip na sya.
hindi ko ibinigay ang libro nya at nag salita pa ulit. "kausapin mo naman ako tan, ang aga aga eh, hindi ko manlang kita sa muka mo yung pag ka miss saakin eh." pag tatampo ko sakanya, kaya napangiti sya kaya medyo napanatag ako.
kaninang ngiti ay napalitan ng iling dahil sa pinag sasabi ko, "kinakausap naman kita ah? need ko lang basahin yang libro nayan nick, kasi may discussion si sir mamaya about dyan." reply nya sa sinabi ko
ibinalik ko na ang kanyang libro at ayun binasa na nya ulit. "bakit kasi ang cold mo mag salita saakin?" Tanong ko sakanya na medyo may inis sa boses.
tumingin sya saakin at saka nag salita. "hindi kaba nasanay saakin nick? akala ko ba kaibigan kita? bakit sa simpleng gawa ko lang hindi mo alam at hindi ka nasanay?" medyo may inis na sa boses sya. "oh sya, pasok na tayo sa loob" pag yaya nya saakin.
medyo na guity ako sa nasabi ko sakanya, baka na offend din sya saakin, sumunod nalang ako sakanya at saka tumabi sa upuan nya.
nga pala bago pa lumalim ang istoryang ito, nais ko lamang mag pakilala. Hi everyone i am Nick paulo Divera, and i am 16 years old at nasa grade 9 na ako ngayon, nag aaral ako sa st. mary anne university, at kasama ko dito si ethan plus mag classmates pa kami, saan ka pa no? may mga barkada naman ako at kaibigan dito sa campus, but hindi kasi sila gaya ni ethan eh, kaya i prefer ethan than them talaga.
kasi look ah? ambait bait ni ethan, lahat ng katangian nasakanya na, like Masipag tapos mabait pa, hindi lang halata pero masiyahin yan, tapos matalino pa kaya nga sikat yan dito eh, kasi amperfect nya talaga, but ayun lang hindi sya ready to mingle kaya sorry girls, and gays, HAHAHAHAHA.
wala namang nag tatanong no? kung papaano kami nag kakilala ni ethan. kahit walang nag tanong i kwe kwento ko nalang para mas detailed ang istroyang ito, dahil matagal tagal nyo ding hinantay ang update na ito diba? kaya para mas sulit ang pag hintay at pambawi na rin, mag kwe kwento na ako. at walang makakapigil, unless i ba back mo at hindi na mag papatuloy. HAHAAHAHAH.
simula nung grade 7 kami ni ethan ay mag classmate na kami nun.
way back grade 7
first day palang nun ng grade 7 ko, naalala ko pa nun hinatid pa ako ni yayi sa room dahil natatakot akong pumasok sa university, at nung pag pasok ko sa room ay iniwan na ako ni yayi at saka namang nag unti unting nag datingan yung mga students, na alam kong magiging classmates ko din for this year.
...
BINABASA MO ANG
His Revenge (a boy's love story )
RomancePapaano kung may isang tao na gusto kang makuha, at protektahan? pero hindi sa pamamagitan ng kabutihan? kundi isang gawain na kung saan sisira sa bagay na pinangangalagaan mo at pinahahalagahan, mamahalin mo pa din ba sya dahil sa ginawa nya? o aal...