Part 3/4

6 2 0
                                    

...

pati yung katabi ko ay nabigla sa sagutan namin, kaya nginitian ko nalang sya, at saka nag lakad papunta sa upuan kung nasaan si ethan, kahit naman ganun ginawa ko sakanya ayaw ko naman bumagsak no.

umupo ako sa ligod na upuan kung saan sya nakaupo, alam kong naramdaman nyang may umupo dun pero hindi sya nag aksaya ng kahit ilang segundo para tumingin dun, kinalabit ko sya, pero hindi sya tumingin, "oyyy" paunang sabi ko sakanya, "sorry na" dugtong ko saka kinalabit sya ulit.

this time tumingin na sya saakin, at ibinigay yung papel na may pangalan naming dalawa. santiago at divera, "sorry na kasi" paulit ko sa pag so sorry sakanya, with my pag mamakaawa face.

"okay sige accepted na" tugon nya sa pag so sorry ko, at saka ngumiti. ang gwapo din pala nitong si ethan.

nginitian ko din sya "talaga bati na tayo?" pag tatanong ko sakanya, na syang kina tango nya.

"oo naman bati na tayo" tugon nya saakin, saka nya ginulo yung buhok ko.

mas lalo akong napangiti ng ginulo nya yung buhok ko, at natigilan kami ng may nag salita ng "ayieee, close na sila" sabi nung nasa tabi ni ethan na babae na claire ata ang palangan.

nginitian lang namin sya ni ethan "ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sakanya, kilala ko naman na sya, pero gusto kong mas makilala sya galing mismo sa bibig nya at ako yung sinasabihan nya, diba? selfish.

"ethan drew santiago nga pala, tapos ikaw si nick diba?" tugon nya sa tanong ko na syang kina tango ko.

inilapat ko ang kamay ko, "oo, nick drew santiago" saad ko at saka nya tiananggap ang kamay ko para makapag shake hands, kasabay ng aming matatamis na ngiti.

"nga pala, ano pala yung gagawin natin?" tanong ko sakanya na syang kina bitaw nya sa pag kaka holding hands namin.

may inabot sya saaking notebook na kung saan nandun ang notes nya, "gagawa tayo ng story about our life" sagot nya sa tanong ko.

tumango ako bilang pang sangayon sa sinabi nya. "eh papaano naman natin gagawin yun?" tanong ko ulit sakanya, na syang kina isip nya din.

"ayun nga eh, kasi dapat gawin natin yun ng mag kasama eh, hindi kasi pwede sa baahy eh" tugon nya sa tanong ko.

ngumiti ako at saka ko sya tinapik, "dun nalang tayo sa bahay." pag re request ko sakanya.

"sige sige dun nalang sa bahay nyo" tugon nya.

back to reality

at dun na nag umpisa ang aming pag kakaibigan ni ethan, at ayun araw araw nun palagi na kaming mag kasama, which is naging reason kaya kilala na ako ng parents nya, at kilala na din sya ng parents ko.

si ethan yung klase ng tao na hindi mayaman pero kayang gamitin yung talino para makapag aral, and now we are at grade 9 na and still he can manage studiying in a good school without paying any fees.

"oyyy, nick? nick?" tanong nya saakin habang kinakalabit ako. "kanina pa ako nag kwe kwento dito, hindi mo manlang ako pinapakinggan, naka tulala ka lang dyan, hay nako." dinig kong saad nya ng bumalik na ang ulirat ko sa reality, sorry napahaba ang aking kwento.

tumingin ako sakanya, "ano nga ulit yung sinasabi mo tan? sorry may iniisip lang" tugon ko sa kanya, na syang kina inis nya

"ano ba yan hindi ka nakikinig, hay nako." naiinis na sambit nya.

inakbayan ko sya, at hindi naman yun naging mahirap dahil mag katabi lang naman kami ng upuan, "sorry na tan, sorry na" paulit kong pang hihingi ng tawad sakanya.

"ano ba kasi iniisip mo?" naiintrigang tanong nya sakin na syang kina ngiti ko.

naka akbay lang ako sakanya, "si jessica, iniisip ko kung papaano ako makaka iscore sakanya" tugon ko sa tanong nya.

inilayo nyan yung katawan nya saakin, reason kaya napa bitaw ako sa akbay sakanya, "ah si jessica pala" tugon nya at tumingin saakin, "alam mo nick? mag aral ka nalang kaya ng mabuti, para may marating ka, hay nako." mahabang sanaysay nya, na syang kina ngiti ko.

napangiti ako dahil sa iniisip ko, mapagtripan nya. "ayaw ko nga, nandyan ka naman eh." paunang pang aasar ko sakanya.

...

His Revenge (a boy's love story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon