...
hindi pa nag tagal ay may isang lalaki ang nag lakad papasok sa likurang pintuan, nakita ko sya dahil malapit lang ako sa may pintuan, naka yuko lang syang nag lalakad at dire diretcho lang sya sa pag lalakad, kaya sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makaupo sya sa may 2nd row sa bandang bintana.
bali kasi ako ay nakaupo sa first row, which is nandun yung bintana at pintuan sa harapan, at sa likod, habang ang 2nd row naman ay nandun lang yung bintana.
maya maya pa ay may teacher na pumasok sa room kung nasaan ako. "Good morning class" agad na bati nito saamin, kaya agad kaming tumayo at bumati ng pabalik "Good morning maam" pag bati namin.
"please be sited, i am Ms Roselyn ocampo, your adviser, and before we start, pwede ba tayong mag introduce yourself? para naman makilala ko kayo, tutal kilala nyo na ako, just introduce your name, saan nakatira, age and hobbies." discuss nito saamin na syang kina kaba ko dahil hindi kopa kilala mga taong nandito baka kung anong isipin nila.
nag umpisa ng mag pakilala mula sa unahan, kaya panatag ako dahil matagal tagal pa ang turn ko, ng tumapat na ang pag papakilala dun sa lalaki kanina ay nakayuko itong tumayo, may something talaga sakanya, hindi ko alam kung ano yun pero iba yung aura nya.
"Ako po si Ethan Drew Santiago, ako ay taga lubog barangay san jose, at ako ay 13 years old, at ang aking hobbies ay ang mag basa." ramdam ko ang katahimikan sa buong klase ng mag pakilala sya dahil sobrang nag iba talaga ang atmosphere, nung sya na ang nag pakilala.
mas na intriga tuloy ako sayo ethan, at mukang magugustuhan kitang maging kaibigan, maya maya pa ay natapos na ang lahat ng pag papakilala, at bumalik na ang teacher namin sa pag di discuss ng mga rules and regulations dito sa classroom. "sa ngayon ay gusto kong gumawa kayo ng inyong book, tungkol sa inyong sarili at ipapasa ito bukas. book with a twist dahil by partner ito, at ang gusto ko ay mag ga gain kayo ng ralationship sa ipapartner ko sainyo. okay ba class?" pag bigay ng instructions saamin ni maam. na syang kina tugon namin ng "yes maam"
nag umpisa na syang mag tawag ng mga partners hanggang sa "Santiago at Divera kayong dalawa ang mag ka groupo." pag pukaw ni maam sa aking iniisip, na syang kina tingin ko sa direction kung saan nakaupo si ethan, pero ito sya naka tingin sa bintana. "class just talk to your group, and pag usapan nyo yung plans nyo for tomorrows project. Goodluck." mahabang bilin saamin ni maam.
"hi, diba ikaw si nick?" dinig kong tanong ng isang tao, kaya napalingat ako sa aking pag kayuko dahil tinitignan ko ang aking sapatos.
tumango ako "oo ako nga" reply ko sa kanyang tanong na syang kina tango nya rin.
"narinig mo naman si maam kanina diba nick?" tanong nya ulit saakin kaya tinignan ko sya ng may taka, sinadya ko talaga para ma badtrip sya. "mag ka group tayo sa project na pinapagawa nya, at bukas na yung pasahan." Pag uulit nya sa sinabi ni maam kanina.
at dahil may angking kasamaan ang aking ugali ay "eh?" paunang tanong ko, na syang kina tingin nya saakin na timoy nag hahantay ng kasunod. "kung ayaw kong maging ka group ka? may magagawa kaba?" saad ko sakanya, na syang kina sama ng tingin nya saakin.
hindi ko akalain na may kasamaan din pala ugali nya kaya hindi nya ako pinalagas, "okay fine at saka mukang wala ka namang mararating eh, kaya ko namang gawin yun mag isa, GUMAWA KA NG MAG ISA MO!" matapang na saad nya saka nag lakad na paalis sa row kung saan ako nakaupo.
...
BINABASA MO ANG
His Revenge (a boy's love story )
RomancePapaano kung may isang tao na gusto kang makuha, at protektahan? pero hindi sa pamamagitan ng kabutihan? kundi isang gawain na kung saan sisira sa bagay na pinangangalagaan mo at pinahahalagahan, mamahalin mo pa din ba sya dahil sa ginawa nya? o aal...