...
natapos na kaming kumain nina noah at niko, ng mag paalam na ako sakanila dahil pupuntahan ko talaga si ethan. "mga bro? dito muna ako ah? kailangan ko lang kasing puntahan si ethan ngayon, galit kasi saakin yun eh." pag papaalam ko sakanila, na sya namang kina tango nila.
"ayan kasi, kung ano ano pumapasok sa isip mo" tugon ni niko sa aking pag papaalam.
naikwento ko kasi sakanila yung mga ngyari kaya ayun, tawang tawa sila. "mag sorry kana sa babe mo" pang aasar ni noah, saka tawa.
tumango nalang ako sakanya, dahil yun naman talaga ang gagawin ko. tumalikod na ako sakanila at lumabas na ng canteen.
pansin ko ang tinginan ng mangilan ngilang babae at bakla saakin, kayat nginingitian ko nalang sila, dahil ayaw ko namang sabihan ng snobers or something na hindi maganda, dahil hindi naman ako ganun. kaya papakitaan ko sila ng maganda, kasi wala naman silang ginagawa saamin ni ethan.
ng makarating na ako sa building kung nasaan ang library ay agad ko agad itong pinasok, at umakyat na, dahil nasa second floor ang library.
nasa tapat na ako ng pinto ng library, itinulak ko ito para makita ang loob at saka pumasok na, 'nasaan na kaya yun?' tanong ko sa sarili ko, habang iniikot ang mata sa buong kwarto, habang may mangilang ilan na tumitingin talaga saakin.
nag lakad na ako para makapunta sa bawat shelf ng library, at dahil tahimik ang buong library kaya naririnig ko ng bahagya ang usapan sa hindi kalayuan, "buti no? hindi ka napapagod sa ginagawa mo nayan tan no?" tanong nito sakanya.
boses ito ng isang lalaki, kaya binilisan ko ang lakad, "ahhh oo, hindi naman kasi para din naman saakin ito eh" tugon ni ethan, "oh? nick? ano ang meron?" tanong nya saakin ng makita nya ako.
nakita ko si ethan na naka tungtong sa steel na hagdan, habang hawak hawak ito ng lalaking kumakausap sakanya, hindi ko sya kilala sa pangalan, pero sa muka ay kilala ko sya. "ahhh oo tan, gusto lang sana kitang makausap" saad ko sa tanong nya.
napansin naman ng lalaki ang pagiging cold ko. "oh sya, mukang importante ata yang pag uusapan nyo." saad nito saamin saka nginitian si ethan, nakita ko ito dahil nasa tapat lang nila ako, kaya makikita ko yung muka nila.
ng makaalis na ang lalaki ay sya namang pag palit ko sa pwesto nya. "tan?" pauna kong tanong sakanya na syang kina tingin nya saakin. "sino yun?" tanong ko sakanya.
bumaba sya ng hagdan, at saka inayos ito. "ahhh, si jacob yun, bakit?" malumanay na tugon nya sa tanong ko na syang kina hawak ko sa braso nya dahil aalis sya, bitbit ang hagdan na bakal.
"dito ka muna please?" pakiusap ko sakanya na sya namang kina harap nya saakin, at bahagyang natawa. "oh? bakit ka tumatawa?" tanong ko sakanya.
ginulo nya ang buhok ko, saka nag lakad na kaya sinundan ko nalang sya. "ikaw talaga, hindi naman pwedeng dun lang yung hagdan na ito" sambit nya saakin. kaya tinignan ko sya at nakita kong hirap na sya kaya kinuha ko ito "wag na nga sabi eh" saad nya, pero wala na syang nagawa dahil buhat buhat kona ito.
"pero tan? sorry talaga ah?" tugon ko sakanya na syang kina tingin nya saakin habang nag lalakd kami.
"oh dyan mo nalang yan ilagay, salamat nick" nakangiting sambit nya saakin, kaya ibinaba kona ang hagdan at itinayo sa isang gilid. "sorry saan nick?" naguguluhan nyang tanong saakin an syang kina harap ko sakanya at inayos ang sarili.
"kasi kanina, inasar kita." pag papaalala ko sa ginawa ko sakanya, na syang kita ngiti nya. saka akbay sakin.
habang naka akbay at pumunta kami sa isang bookshelf na may mga librong nasa karton, "alam mo namang hindi ako nagagalit sayo diba? napipikon oo pero galit, nick imposible" nakangiting saad nya saakin na syang kina gaan ng damdamin ko.
...
BINABASA MO ANG
His Revenge (a boy's love story )
RomancePapaano kung may isang tao na gusto kang makuha, at protektahan? pero hindi sa pamamagitan ng kabutihan? kundi isang gawain na kung saan sisira sa bagay na pinangangalagaan mo at pinahahalagahan, mamahalin mo pa din ba sya dahil sa ginawa nya? o aal...