Chapter 2

8 1 0
                                    

Solianna

"Solianna are you ready?"

Dali dali akong bumaba dala ang aking mga gamit. Medyo excited ako na medyo hindi kasi iiwan ko si Tita. Ewan ko ba! feeling ko kasi maganda yung papasukan kong paaralan ba. Oy! kahit nakilala niyo ko bilang basagulera o ano pa 'yan, babae pa rin ako 'no! alam ko rin kung pano magpaganda at higit sa lahat ginagawa ko yung mga ginagawa ng normal na babae.

May crush nga ako hihi! Si Kenzo, pero bayaan mo na! noon pa naman yun.

"eto na ho 'ko tita" ngiti ko sa kanya

Ngumiti naman siya pabalik at yinakap ako nang mahigpit "mag iingat ka ha" aniya bago humiwalay sa pagkakayakap "alagaan mo sarili mo Solianna, at pakiusap maging mabuti kang mag-aaral. Last na 'to" sabi niya

"yes po, opo. kayo din po ah? wala na 'ko, kaya mag-iingat ka po. Love you tita" sabi ko at yinakap siya ulit

"i love you too, Solianna" aniya at ginulo ang aking buhok

Di nagtagal ay nakarinig na kami ng busina ng sasakyan sa labas, hudyat na dumating na ang susundo sa akin. May nakita kaming lalaki na lumabas sa sasakyan at diretsong lumapit sa amin

"Good morning" bati niya samin at sinabi agad na kukunin na ang mga gamit ko para malagay na sa sasakyan

"Miss Madea? aalis na tayo" sabi niya at naunang pumasok pagkatapos niyang ilagay ang nga gamit ko sa sasakyan.

"hmm, tita final na talaga 'to. babye ingat kayo! tatawag ako every weekends" sabi ko at dali daling pumasok sa sasakyan

I waved my hands kay tita at yun din ang ginawa niya bago pumasok sa bahay.

'Sana nga'y maging okay lang siya mag-isa'

"Manong Kuya, malayo po ba dito yung papasukan ko?" tanong ko kay manong

"oo miss madea, kaya umidlip ka nalang po muna diyan" sabi niya kaya tumango nalang ako at pumwesto para matulog

______

'Solianna...'

'welcome, i'll see you soon'

'i love you my precious daughter'

"Miss Madea?.....Miss Madea?" napamulat ako dahil sa mahinang pag yugyog ni Manong sakin

"p-po? nandito na po ba tayo?" tanong ko sa kanya at inilibot ang tingin ko sa palagid

Natawa ako bigla kaya napatingin si Manong sakin "Sure ka na po ba dito? bakit ang layo naman sa syudad. Tska manong puro kahoy nakikita ko oh" sabi ko at umiling

"bumaba kana po muna at maghintay kay Miss Feryadiro" aniya at inilabas na ang aking mga gamit

"s-sige po? salamat" sabi ko at kinuha ang dalawang maletang dala ko at isang bag.

"paalam miss madea" aniya at bigla nalang nawala

"woah....woah ano yun!? putangina lakas maka joke time ah" sabi ko at nagsimula nang maglakad dala dala ang gamit ko

Habang naglalakad ako ay may nakikita kong kakaiba sa paligid, habang papalapit ako sa isang building ay unti unting lumilitaw ang magagandang bulaklak sa gilid, at natatanaw ko na rin ang mga estyudyante dito....weird bakit..

Putangina! bakit may lumilitaw!?!? bakit may nawawala bigla? bakit may lumilipad na libro??? tao?? putangina ano 'to

"joke time ata 'to, akala ata nakikipag biruan ako" inis na sabi ko sa sarili

"hindi 'to joke miss madea" rinig kong sabi ng isang babae galing sa likuran ko kaya ba napatingin ako

"e anong masasabi mo dito?" naiinis na talaga ako, ano ba 'to? hindi naman normal ang mga ginagawa nila

"Hm, welcome to Favourtina University Miss Solianna Madea, where magic and powers are normal. Don't be scared because this will be your second home."

"hahaha patawa ka po, pinaggagagawa ko dito kung magic at super powers pala yung main sa school na 'to?" sarkastikong sabi ko "buti sana kung may powㅡ" tumingin ako sa babae at ngumiti naman siya

"yes miss madea! just wait, isa ka rin sa kanila hindi ka naiiba. Sa pag s-stay mo dito ay malalaman mo kung ano ang kapangyarihan mo" aniya at nagpaalam na, bigla nalang naglaho ampota

"so ano? dito nalang ako? they didn't even tell me kung nasan ang dorm ko? jusko naman" inis na sabi ko at naglakad ng mabilis hila hila ang mga maleta ko

Habang naglalakad ako may biglang lumapit sakin na lalaki. Nabigla ako nung kinausap niya ko at inagaw ang mga dala ko

"Batid kong ika'y nahihirapan binibini, kaya hayaan mo akong tumulong sa'yo" aniya kaya napanganga ako

talaga? like really? pure tagalog ampotek?

"ah sige, bahala ka"

"bago ka ba dito binibini?" tanong niya

"yes" sabi ko "kuya, ganyan ka po ba talaga magsalita?" tanong ko sa kanya

"anong ibig mong sabihin?"

"yung ganyan, deep tagalog ems ganon ba, pwede ka naman mag english 'no nakakaintindi naman ako, tska halata naman sa mukha mo na marunong ka e"

Nakita ko siyang tumawa ng bahagya "sure hahaha" tawa niya kaya napairap ako

"Btw, I'm Theo" pagpapakilalw niya at inilahad ang kamay niya sa akin "at ikaw?" dagdag niya at naghintay sa sagot ko

"Solianna, Sol nalang kasi d'on ako komportable" sabi ko nakipag kamay sabay ngiti

"nice to meet you Sol" ngumiti siya at lumapit sa babaeng nakaupo, may tinanong siya e kaso di ko rinig. ah! ewan ko ba bingi nga siguro ako

"nu raw?" ngusong tanong ko

"i asked her kung san banda room mo, she said it's right there" turo niya sa may left side sa taas?? "tara na? para makapag rest kana" dagdag niya at naunang maglakad

"pogi na conyo" hinang sabi ko at sumunod sa kanya

"did you just said na conyo ako?" natatawang tanong niya sabay iling

"hoy! hahaha hindi ah" awkward na sagot ko

'gagi narinig pala niya? ang hina na non!'

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa room ko. Pumasok naman kami agad at nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos niyang ilapag ang mga gamit ko sa sahig. Nagpaalaam naman kagad siya dahil may kikitain pa siyang kaibigan.

"salamat talaga" ngiti ko

"welcome, lets meet again soon Sol" sabi niya bago lumabas ng tuluyan

Huminga ako nang malalim bago sinara ang pinto. Umupo muna ako sa sofa para mag isip-isip, hindi parin kasi pumapasok sa utak ko na hindi 'to ordinaryong paaralan. Napaisip ako sa lalaking tumulong sakin kanina na nakalimutan ko ang pangalan, meron kaya siyang super powers? kung meron, e ano naman? Jusko sumasakit ulo ko dito 

"sana naman maging mabuti ang magiging buhay ko dito, malayo siya sa syudad kaya sana magiging okay ako. sana rin may maging kaibigan ako huhu" ani ko sa sarili "makisama kalang Solianna, okay na"

ThisavrósWhere stories live. Discover now