Chapter 3

8 1 0
                                    

Solianna

Nagising ako sa dahil sa mga huni ng ibon sa labas. Ngayon ko lang naalala na wala na pala ako samin, at sabado pala ngayon, walang pasok kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon at bukas, ni hindi ko nga kabisado 'tong pinasukan ko at wala din akong mga kakilala

So what should I do? I can't sit here all day and do nothing! I should go out and tour myself, para naman masanay ako dito. Hindi parin nap-process sa utak ko ang nalaman ko at kung bakit ako nandito. Mahirap intindihin talaga lalo na't sa pagkakaalam ko ay normal lang naman na tao ang mga nakasama ko mula bata.

'si mama't papa...'

"hindi ko sila nakasama..baka ano..baka sila..." sambit ko sa sarili, hindi naman sa naniniwala talaga ako sa nangyayari pero kasi may chance na sila nga siguro.
Bumangon nalang ako para makapaghanda na sa nais kong gawin ngayon. Sana naman may kumausap sakin, gusto ko nang kaibigan hindi kaaway. Sa tanang buhay ko kasi wala akong naging kaibigan, puro away lang kasi ako sa mga paaralan na napasukan ko. Gusto ko ring maramdaman kung anong feeling may kaibigan 'no. Mahilig man akong makipagbasag-ulo, naiinggit din ako sa mga bagay bagay.

Pagmamahal, 'yan ang gusto kong maramdaman sa iba. Si Tita palang ang nagparamdam sakin ng ganyan e.

Pagkatapos kong maghanda ay agad kong kinuha ang phone ko at lumabas na sa dorm para makapaglibot-libot. Habang pababa ako ay tumitingin ang mga taong nakakasalamuha ko sakin.

"puta, anong bang meron sa mukha ko?"

Tiningnan ko kung may dumi ba, e wala naman. Isa nalang talaga ay babalik nako sa dorm at magkukulong. Ayoko kasing tinitingnan ako, uncomfy siya para sakin.

Patuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa may nakasalamuha akong babae na chinita at papalapit sakin?

"Hi! bago kaba dito?"

Tinuro ko ang sarili ko para sure kung ako ba talaga ang kausap niya. Tumango naman siya at ngumiti

"ah oo, kahapon lang" sagot ko sa kanya

"ganun ba? tara ikot tayo dito, samahan kita mukha kasing wala ka pang kakilala" ani niya at tumitingin sa paligid "ay! muntik ko nang makalimutan, ako nga pala si hurika, magka-edad lang tayo" dagdag niya sabay inilahad ang kamay para makipagkamayan

"Solianna Madea" pagpapakilala ko at nakipagkamay

"sige tara solianna, friends na tayo ah?"

friends...wow haha parang kanina lang gusto kong may maging kaibigan tapos ngayon hahaha tinupad ba naman hiling ko.

Tumango na lamang ako at sumunod sa kanyang maglakad. Habang nagiikot kami ay puro daldal din si Hurika. Matagal na raw siya dito sabi niya, mula pagkabata hanggang sa ngayon na lumaki na siya. May sinabi siya sakin tungkol sa mga pinsan niya kuno, hindi raw like blood related yung labing dalawang pinsan niya. Oo, labing dalawa. Galing sila sa iba't ibang pamilya pero inadopt daw sila ng tito ni hurika nung namatay yung parents nila noon sa isang laban.

Kwento niya'y magbabarkada raw yung parents nila at pinasok sa isang mission at hindi na nakabalik sa university, nalaman nalang nang lahat na patay na sila nung may naghatid ng isang mensahe galing sa mga nakakita.

"kawawa naman sila, hindi man lang nabigyan ng maayos na libing" ani ko kaya lumingon siya sakin

"hmm, grabe nga iyak ng mga 'yon nung bata pa kami" sabi niya at tumingin sa isang direksyon

"ay! ayan sila Cyprus!" ha? Cyprus?. winagayway niya ang kanyang kamay para mapansin siya nito

"sinong cyprus?" tanong ko sa kanya habang papalapit yung tinatawag niya rito

ThisavrósWhere stories live. Discover now