FeLomith Special Chapter

12 6 0
                                    

A/N: Miss ko na sila Shelo at Felix kaya gumawa ako ng special chapter at para na rin sa inyo, Chasers! Sana magustuhan niyo ang special chapter na 'to, ha-ha! ^_^

Selenophile SC: Shelo's Pregnancy

After our honeymoon in USA three months ago, I didn't even expect that I am going to be a mother earlier soon.

At nagsimula akong maghinala na nagdadalantao ako no'ng palagi na lang akong dumuduwal kada umaga at hindi ko na gusto ang amoy na minsan pinapabango ni Felix sa kan'yang sarili. T'wing nakikita ko 'yong paborito kong comfort food na ice cream ay para na rin nga akong masusuka.

Naaalala ko pa nga ang araw na iyon nang nag-take na ako ng pregnancy test at itinago ko na muna kay Felix ang tungkol niyon. Gusto ko kasi siyang sorpresahin kapag nakauwi na siya no'n galing sa ospital.

—FLASHBACK—

Two weeks ago. . .

Bumili kaagad ako ng pregnancy test sa malapit lang na pharmacy at mabilis din kaagad akong umuwi sa bahay naming dalawa at tumungo kaagad sa banyo para i-testing kung tama nga ba talaga ang hinala ko.

Pagkatapos kong mag-take ay pumikit muna ako at huminga ng malalim. Naghahalo na ang emosyon ko sa maaaring resulta.

Nang matapos kong bilangin ang sarili ko mula isa hanggang tatlo ay unti-unti akong nagmulat ng mga mata at diretso na akong nakatingin sa pregnancy test.

Dalawang kulay pula na linya ang nakita ko.

So, tama . . . nga?

Buntis nga talaga ako!

Pagkalabas ko sa banyo ay hindi ko mapigilang mapasigaw sa sobrang sayang nararamdaman at hindi ko alam kung bakit mabilis na namasa ang magkabilang mata ko.

I am going to be a mother soon!

Kailangan 'tong malaman ni Felix pero paano?

Ah! Alam ko na, su-surpresahin ko siya mamaya kapag nakauwi na siya. Excited na akong malaman niya ang good news at biyayang ito.

Tumingin ako sa tiyan ko at marahan kong hinawakan iyon. Ngumiti ako at ayan na naman ang pang-iinit ng sulok ng mga mata ko, iiyak na naman ako.

Nang umabot na ng gabi ay alam kong ngayon na ang oras na makakauwi siya.

Hanggang sa makarinig ako ng busina ng isang kotse at pamilyar na pamilyar 'yon sa 'kin kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Nakahanda na rin ang pagkain para sa pang-hapunan niya. Tapos na kasi ako kumain.

Nasa kusina ako at naghihiwa ng mansanas habang naririnig ko na ang mga yapak na paa ng tao na siguradong si Felix iyon habang papalapit dito sa direksiyon ng kusina.

Nagpatay-malisya na lang at kunwaring walang naririnig na kahit anong ingay na nagmula sa kan'ya at patagong ngumingisi.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na may yumakap sa baywang ko at nagsalita.

"How's your day, my loving wife?" Malambing ang paraan ng pagsasalita ni Felix sa 'kin.

Tumigil ako sa paghihiwa ng mansanas at pinipigilan ang sinusupil na malawak na ngiti sa labi ko at humarap sa kan'ya saka ko hinawakan ang magkabilang balikat niya at tumingkayad para patakan siya ng halik sa mga labi na agad naman niyang tinugon.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay sinagot ko ang tanong niya. "Masayang-masaya."

Hindi ko na mapigilan ang sarili na ipakawala ang kanina ko pang sinusupil na malawak na ngiti sa labi ko at ipakita sa kan'ya iyon.

Phile Series #1: Selenophile | ✓Where stories live. Discover now