Chapter 3

112 2 0
                                    

Obviously. Tapos na yung Class namin kay miss Montes and free time namin ngayon so...

"Oy James punta tayo sa cafe mamaya?" Naghiram kasi ako ng mga libro sa public library para may mga source ako sa gagawin kong essay. (Mas feel ko yung old way ng pagreresearch eh)

What the heck? Kailan pa to natuto mang isnob ha! Nakita ko naman yung clingy-ng linta na umaaligid sa kanya. Napakasumbungera amp.

They just simply walked past me. Hahaha Ang galing grabe! -.- 'Ganyanan pala ah' inisip ko sa sarili ko. War daw eh.

Nung Biology class namin pick-a-partner daw tas magdidisect kami ng palakang bukid. So automatically si Linta nanaman yung partner ni James at maghahanap ako ng bagong partner.

"Seph! Partner tayo?" Alok ko kay Joseph na hindi naman niya tinanggihan. (buti hindi 'humindi' kasi baka tulakin ko yan)

Sinuot na namin yung gloves, lab coat at safety glasses (baka daw kasi tumalsik yung parts ng frog kung saan man)

Patay na yung frog kaya nilagay na namin ni Joseph yung palaka sa disecting pan. Salit salit daw yung partners ng pag disect ng frog para fair.

Nung turn na namin ni linta ang pagdisect (parehas kami yung Partner #2) Naka gloves na nga, hindi parin mahawakan yung palaka. Kaya mangiyakngiyak na siya at pinatahan at niyakap naman ni James si Ericka tapos nag volunteer pang magdisect para sa 'baby' niya. Kadiri.

Inirapan ko na lang sila at naka smirk naman sakin si Ericka. "Selos ka?" Si Joseph. Ginamit ko yung elbow ko para isagi si Seph ng malakas sa chest part at binigyan ko siya ng death glare.

"Seeeeelooooo (binigyan ko siya ng death glare) peyyyyyyyn. Cellophane! Mas maganda pag may kulay yung plastic cover diba? Dat cellophane na lang ehhh" Inirapan ko na lang siya ay tinapos yung ginawa namin.

Finally! uwian naaa, mag isa na lang akong pumunta sa cafe dahil walking distance lang naman mula sa school at nag-order ako ng Banana Bread Latte, isa siyang latte na may banana, nuts at cinnamon para may energy ako at marejuvenate ang mind ko, at Lucky Charms donut, isang donut na may frosting at Lucky Charms Cereal toppings.

Kinuha ko na yung tray ng order ko at nagpunta sa corner na may beanbag at mini coffee table aka my tambayan! Haha maganda dito kasi access mo lahat dito! Mas malakas yung wifi, may dalawang socket, tas noise-free!

Sinimulan ko na gawin yung essay ko at narinig kong tumunog yung chimes na nasa taas ng door.

Napatingin naman ako sa customer: Si James at Ericka. Pushaaa. Niligpit ko na yung mga gamit ko at nag punta ulit sa counter. Umorder pa ako ng isang Banana Bread latte at isang dosena nung assorted donuts na may pagkatumblr-ish ang theme for takeout.

James: "Takaw"

Nadine: "Mo"

James: "Talaga"

Nadine: "James!!! Period, No Erase!"

Kinuha ko na yung order ko at lumabas sa cafe.

Nilabas ko yung pennyboard ko sa bag at nag pennyboard pa uwi (Weird pero paki mo)

Pagkauwi ko, dun ko na tinuloy yung essay. Mga quarter to eight na ako natapos at hindi na ako nakapagdinner dahil yung donuts na lang kakainin ko.

Nagpapatugtog ako sa spotify ng mga Teen Party Songs gamit yung Speakers at wala rin akong pake kung marinig ng kapit bahay namin.

'This is the heartbeat song asghwkguqk turn it up up up up all night long yeah up up all night long!'

Sorry di ko memorize eh. Nag twitter na lang ako at kung ano mang social media meron ako. Nakita ko yung photo sa Instagram ni James, kasama niya yung Daddy ko.

Oo dun nakatira si Daddy sa bahay ng Inaanak niya (James). Never na sila nag contact ni Mommy at Tinuturing ni Daddy na anak si James dahil ofw naman parents ni James at wala daw magbabantay.

Tinigil ko na yung music. Sa isang picture lang na may caption pang 'With the best one and only Pops', Nainggit ako kay James. His real parents gave him the affection he should have and Dad gave him the affection that I should have.

Nagpunta ako sa rooftop, Literally dahil sa pull down ladder na nasa balcony ko. At dun ako nagsimulang magdrama.

Ano ba ang ginawa ko at yung love ng father ko ay never ng mapunta sa akin?

Niyakap ko yung legs ko ng panandalian. Humiga ako sa roof at tumingin sa stars.

Buti pa yung stars. Shine bright like a diamond lang ang peg sa buhay. Walang problema. Dito ako nag let out ng iyak na gusto ko ng i let go

"Bat ka nandito?" Napatingin ako sa kanan ko. Si James. Pano niya nalaman?

"Bakit ka Nandito?" Tanong ko pabalik dapat kasi ako nagtatanong nun eh. Agad ko namang pinunasan yung tears ko, sana di niya napansin.

"I was using the Telescope that Pops gave to me. He gave it because he knew that I'd love to see the stars every night" Daming sinabi. English pa.

"Geek" I rolled my eyes pero he 'shush-ed' me"

"I'm not even done yet! So, I saw someone on your roof and I thought it was a thief or something and I went here to find out" Dami talagang alaaaaaam.

"Edi Wow" Sabi ko. Teka may atraso pa sakin to eh!

"Ouch! What was that for?!" Binatukan ko kasi

"Dapat lang! Kasi dapat gagawa tayo ng Essay kanina pero dun ka naman sa haliparot sumama! Di ka pa namansin!" Pinalo palo ko siya pero tinigil ko na at naalala yung mga sinabi niya tungkol kay Dad

"Hey, Sorry na." Hindi ko na lang siya pinansin pero ngumiti ako sa kanya.

"You know what? My dad loves you veeeeery much" Sabi ko sa kanya ng buong tapang.

"And I know he loves you too" Dito na ako nagsimulang mag breakdown, Si Daddy? Mahal ako? Wow

Huminga ako ng malalim para hindi matuloy yung pag iyak ko.

"But, He loves you more than he loves me." Napa-Okayyy lang siya sa sinabi ko.

"Hahaha. I hope you'll cherish every moment both of you would have" Niyakap ko si James ng sobrang higpit

"Send this hug to him ha. Para sa bawat yakap mo sakin, parang si Daddy na rin yumakap sakin" then I felt my heart beating faster. Di pwede tong Adrenaline na to!

"Hindi!" Umalis ako sa yakap niya nung maghuhug na siya pabalik.

"Magkaaway tayo. Sige umuwi ka na. Tatawagan ka ni Ericka. Bye"

Bumaba na ako sa rooftop at pumunta sa kwarto then sinara ko yung door sa may balcony.

Binuksan ko na yung aircon ko at pinatugtog yung playlist sa Spotify na pinause ko kanina.

"sht? Bat ako pinagpapawisan?" Malamig na dito ah. Ano ba to??? Di ko na lang namalayan na tumatalon talon na ako sa kama.

"Sht that Adrenaline!"

---
Hey Vryone! Sorry na ha *Hides behind James* Wag na kayo magalit! <3 2nd year sila ni James at sa past chapters medyo isip bata si Nads and parang inexagg. ko siya so ieedit ko nalang peace po!

Stay awesome bros. Hahaha

Ilytmb :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends Lang [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon