Prologue

253 13 3
                                    

Nadine's POV

Hindi na kami nagpapansinan, Walang imikan, De joke lang, Mag bestfriends kami, kahit tagos yung itak na tumama sa aking heart na sa kasalukuyang sirang sira dahil sa kanya TT_TT Huhu, penge tissue.

Of Course tumatango ako habang nag kwekwentuhan kami dito sa parang semento na stairs sa isang saradong tindahan na malapit sa bahay namin, a.k.a public tambayan.

Siya lang pala nag kwekwento, Kung gaano sila kasaya ni Ericka, yung lambingan at suyuan nila, yung pagiging defensive niya sa mga lalaking lumalapit sa kanya, yung mga nangyari sa date nila, kung paano siya magblush pag sinasabihan siya ng "I love you too" via phone or personal man.

Wala akong pake, Pero pipilitin ko maging masaya para sa kanya, Kasi mahal ko siya, AY HINDI PALA, kasi BEST FRIEND ko siya.

Habang patuloy parin yung pag sasalita niya, nakatingin lang ako dun sa pusa na nadaan dun sa mga santan na plants, at dahil wala akong magawa, binato ko ng bato yung pusa, sayang hindi ako shooter, pero at least napa alis yung pusang yon.

"Hoy Bespren! Matutunaw yung santan, Ano nakuha mo yung sinabi ko ha? Yung most memorable day of my life?" Sabi niya, habang kumakaway kaway pa dito sa mukha ko, Anong memorable day? ano yun?

At dahil ayoko siyang madisappoint sakin kasi hindi ko siya napapakinggan...

"Huh? ah oo" Tumango-tango na lang ulit ako pero nakatitig parin ako dun sa santan.

Narandaman ko nag pout siya, haluh? disappointed siya :/ kaya tumingin ako sa kanya

"Huyyy Sorry naaa, Oh promise ano ba yung memorable day mo?" WAAAH! Cramming na yun ah, kaya ambilis kong sinabi yun habang niyuyugyog siya.

"Wala" Hala, daig pa ang ice king sa sobrang cold, Owmaygass, galit na to.

"Sorry na, Hindi ko na uulitin, Dali naaa!" Sabi ko habang niyuyugyog ko siya ulit, kailangan ko maibalik yung happy atmosphere, kahit moody to, mahal ko to, oo mahal ko, ako mahal niya ba ako? OO, as a bestfriend lang.

"Wag na, Tsaka okay na yun sayang saliva ^_^, Teka bat ang lalim ata ng iniisip mo?" Sabi niya, habang naka taas yung isang eyebrow niya at nakatitig siya sakin, ilang segundo lang melted chocolate na ako. ^_^. 

Hmm, malalim ba siya? kasi siya iniisip ko eh, kung mahal niya ko xD. Pero ano ka, hindi ko sasabihin yun, edi mabubuking ako masisira pa friend ship namin, ayoko naman nung ganun >.<

"Wala" Sabi ko tapos nag bigay ako ng fake smile sa kanya. Tapos ayun nag frown  lang siya ulit.

"Hindi na ako pinagkakatiwalaan ng bestfriend ko, baka may iba ka ng bestfriend no?" sabi niya. WHAT? Hindi noh, siya lang one and only ,forever his, faithfully. xD

"HOY, wala noh ^_^, tara na nga uwi na tayo!" Sabi ko habang hinila ko siya paalis dun sa tambayan namin.

Habang naglalakad, hinawakan niya yung dalawa kong balikat.

"Yung totoo, Ano ba iniisip mo?" Anak ng baklush. Seryoso na to, OWmayGas, sabihin ko na ba?

1

2

3

....

"Iniisip ko? Ikaw! kung mahal mo ba ako, kung hanggang bestfriend na lang ba tayo, Kung kaya mong iwan yung girlfriend mo para sa akin, kung pwede sila na lang, at TAYO na lang! Sana hindi ka manhid James, SANA!" Sabi ko yun halos mangiyak-ngiyak ako.

JOKE! Hindi ako ganun ka drama, hindi ko rin sinabi yun, xD Alam ko sasabihin niya hindi pwede kasi mahal niya si Ericka at bestfriend niya ako. Alam mo bakit alam ko sasabihin niya? Kasi hindi ko rin alam *facepalm na kayo oh* ^_^

"Wala ngaaa! ^_^ tara na nga ;)" Sabi ko habang pinipilit ko yung abot gilagid na ngiti ko, and ayun, napatawa siya hanggang maglakad kami at magkalayo papunta sa kaniya-kanyang gate.

Pumasok ako agad ng gate namin, Napa lean dun sa gate at.

Sana, alam mo na ikaw yun JaMEMEs Reid. Sana alam mo na mahal kita.

Bestfriends Lang [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon