Chapter 11 Short

9.2K 591 246
                                    

"Romance is the icing, but love is the cake."


Winter POV


Ilang beses na bang nag-riring ang phone ni Kate pero hindi niya ito sinasagot? Kadarating lang namin sa bahay, dito sa Brooke's Point ng makailang ulit nang nagri-ring ang cellphone niya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot.

"O?" Kunot-noong sambit ko ng lumabas ako mula sa walk-in closet at katatapos lang magpalit ng damit. "Kanina pa may tumatawag sayo, hindi mo ba sasagutin?"

Napabuntong-hininga siya. "Hayaan mo siya." May kasungitan niyang sagot.

Mas lalo na akong napakunot-noo pero hindi na lang ako kumikibo. Lalabas na sana ako ng kuwarto ng matigilan.

"Siya nga pala," Sabay lingon ko sa kanya habang maglalakad na siya sana patungo sa balcony ng kuwarto. "Nag-aaya sina Joy na magpunta sa bar, sama ka?"

Ilang segundo siyang hindi nakasagot. Kapagkuwa'y nagkibit-balikat siya. "Kayo na lang siguro. I'm not in the mood." Tsaka siya tumalikod at nagtungo sa balkonahe.

Napasunod ang tingin ko sa kanya. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong problema niya dahil kanina pang umaga siya nazo-zone out.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy na sa paglabas ng kuwarto. Noon ko nakasalubong si daddy na parang wala sa sariling nakatungong naglalakad patungong library.

"Dad." Tawag ko dito pero para bang hindi niya ako naririnig. "Dad!" May kalakasang pag-uulit ko.

"O, Winterfell!" Parang nagulat pa itong makita ako. Mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ko at hinawakan ako sa braso. "Come with me, may sasabihin ako sayo."

Naguguluhan man ay nagpatianod na lang ako sa kanya at sumama patungo sa library. Naupo ako sa harap ng lamesa habang si daddy nama'y umikot at naupo sa likod nito. Tila napakalaki ng kanyang problema.

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm going to tell you something important," Saad niya sa parang aburidong tinig. "But promise me na hindi ito lalabas sa kuwartong 'to."

Naguguluhang napatitig ako sa kanya. "Dad -"

"Just promise me, Winterfell." Dinig na dinig ang pag-asam sa kanyang boses.

Napabuntong-hininga ako. "Alright, I promise dad."

"I found out a week ago that the company is missing a lot of money." Panimula niya.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. "Bakit daw? Sino ang may kagagawan?"

"I hired a PI to investigate this." Sabi niya. "Gusto kong magkaroon ng separate findings ang kompanya at ako." Napabuntong-hininga siya. "It's Laurico."

Napasinghap ako sa ipinagtapat niya. Si tito Laurico ang kapatid ni tita Lorena ang tinutukoy niya.

"What are you going to do then?" For sure mangingialam si tita Lorena kapag nalaman niya ang tungkol dito. Sasabihin na naman niya na walang kasalanan ang kapatid niya. Na malinis ang kanilang konsensya.

"I have a plan." Sambit niya habang titig na titig sa akin. "And I'll be needing your help."

"Dad..." May pagpapaintinding bigkas ko. "Alam mo namang ayokong makialam sa kompanya mo. May sarili akong negosyo at propisyon." Saad ko. "Besides, mag-aaway lang kayo ni tita Lorena once isinali mo ako diyan. Ayoko ng gulo, dad."

"Anak, kailangan mong magkaroon na ng pakialam dito!" Parang nara-rattle niyang sagot. "Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, wala ng iba!"

"Pero daddy -"

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon