Chapter 14 Tita's Favorite

9.1K 634 341
                                    

"I swear I couldn't love you more than I do right now, and yet I know I will tomorrow."


Winter POV


Napapasulyap-sulyap ako kay Kate habang magkaharap kaming nakaupo sa good for two na lamesa dito sa isang Fil-Italian Restaurant na pinagdalhan niya sa akin. Ang dami ko kasing gustong itanong sa kanya kaso parang gutom na gutom nga siya dahil simula ng dumating 'yong pagkain hindi na niya ako pinapansin. Mas miss niya talaga 'yong food kaysa sa akin?

Kung mag-inarte ka naman diyan, Dok, akala mo may kayo. Ani ng inner self ko.

Napangiwi ako sa naisip. Oo nga naman. Food is life, ika nga nila. At tsaka di ba nga ang sabi niya kanina ay gutom na gutom siya? Anyways, makita ko pa lang siya, busog na ako. Kaya siguro kahit hindi pa ako kumakain ng dinner hindi ko masyadong nagagalaw ang pagkaing nasa harapan ko dahil siya lang ay sapat na.

Napansin niyang pinaglalaruan ng hawak kong tinidor ang pagkain sa plato ko. "Don't you like the food?" Tapos na pala siyang kumain at ngayon nga ay sumisimsim sa white wine na in-order niya.

"No." Sagot ko. "I mean, yes." Napahawak ako sa noo. "Hindi lang kasi ako gutom."

"Kasi ako ang gusto mong kainin?" Pang-aasar niya.

"Kate!" Mahina ngunit may diing pagtawag ko sa kanya habang pinanlalakihan ko siya ng mata. Napatingin-tingin ako sa paligid baka mamaya may nakarinig sa sinabi niya. Nakakahiya!

Natawa lang siya ng nakakaloko. "I miss you."

Natigilan ako sa sinabi niya. Sinalubong ko ang mga titig niya. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi naman umabot sa kanyang mga mata.

"I feel like I'm going crazy if I don't see you right away." Patuloy niya.

Ibinaba niya ang hawak na wine glass at inabot ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Marahang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang likod ng aking kamay. Muling nagtama ang aming mga mata.

"I really want to kiss you right now." She admitted blatantly.

Nabibigla naman ako sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. Pinipigilan ko na lang ang sariling mapasinghap sa mga naririnig.

Of course! Gustong-gusto ko ang mga naririnig! Pakiramdam ko nga may tumutunog pang violin sa paligid.

"Winter." Untag niya. "Winter!"

"H-ha?" Parang wala sa sariling bigkas ko.

She rolled her eyes. Tinanggal niya ang kamay na nakahawak sa kamay ko. "Hindi ka naman nakikinig e!" Reklamo niya. Nagtatampo na yata.

"Narinig ko." Napayukong sagot ko. Ayokong makita niya na kinikilig ako. 

"Sige nga, ano 'yong mga sinabi ko?" Hamon niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Na mababaliw ka na kapag hindi mo ako nakita ngayon?" Napakagat ako sa ibabang labi pagkasabi ko no'n.

"No, the first one." Sabay wiggle ng hintuturo.

Napaisip ako. "You're asking me if I don't like the food?" Patanong kong sagot.

"Winter." Makahulugan niyang bigkas sa pangalan ko.

Napaisip ako. "Ah, alam ko na." Bigkas ko. "You were teasing me if..." Tsaka hininaan ang boses. "Kung ikaw ang gusto kong kainin?" Tsaka napangiwi.

Ang sagwa palang sabihin no'n no?

Natawa siya ng marahan. "I would love to if you do that." Tsaka sumeryoso. "Pero hindi 'yon ang sagot."

"E ano?" Napakamot ako sa kilay.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon