Chapter 19 What Did She Say?

8.8K 550 242
                                    

"My life has been such a wonderful adventure since you came along."


Winter POV


Nagising ako kinabukasan sa lakas ng sigawan sa baba. Sa sobrang tahimik dito sa bahay ni Kate, dinig na dinig ang malakas na pagtatalo sa labas ng kuwarto, sa ibaba. Parang nag-aaway.

Bumangon ako sa kama, kipkip ang kumot para takpan ang hubad na katawan at naglakad patungo sa pinto. Maingat ko itong binuksan ng konti para marinig ng maayos ang ingay sa baba.

"So anong mas prefer mong ginawa ko, dad? Give him a lap dance?!" Narinig ko ang malakas na boses ni Kate. Parang galit ito.

"Oo!" Ngunit mas malakas ang boses ng matandang lalaking kausap niya. At base sa narinig ko kanina, ito ang daddy niya. "I wish you did that to Ramon instead! Hindi 'yong tinakasan mo 'yong tao!"

Hindi ko maintindihan kung anong pinagtatalunan nila.

"Alam mo bang galit na galit siya sa ginawa mo?"

"I don't care!" Mabilis na kontra ni Kate. "Tapos ko na ang misyon ko. I did what I asked and paid for. To be his date. Just that, nothing more!"

Mukhang tungkol sa trabaho ang pinagtatalunan nilang mag-ama. At mukhang hindi rin nagbibiro si Kate sa sinabi niya kagabi na hindi sila magkasundo ng kanyang daddy. Na mortal enemy daw niya ito.

"He's willing to pay double just to extend an hour with you! Mahirap ba 'yon pagbigyan?!" Galit na galit ang kanyang daddy.

"Wala akong pakialam kahit pa ilang milyon pa ang kaya niyang gastusin, pero hinding-hindi ko na siya mapagbibigyan pa!" Pero mas galit yata si Kate. "Sa Malaysia na nga lang puro tsansing na ang ginagawa niya, pasalamat siya at buo pa siyang nakauwi ng Pilipinas!"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Yong tipo kasing gagawin niya talaga ang naisip niya once na kantihin siya ng kung sinumang pinag-aawayan nilang dalawa.

"This is the last time, Katherine -"

"Yes, dad!" Matapang na putol niya sa sinasabi ng ama. "This is surely the last time I'm going to dates you book for me!"

"Aba't -"

"Sige!" Nanghahamong tinig ni Kate ang narinig ko. "Sasaktan mo 'ko? Like what you did to kuya Charles dahil ayaw niyang sumunod sa mga kapritso mo?!"

Napalunok ako sa mga naririnig. Gustong-gusto ko na siyang puntahan doon para yakapin.

"I will never ever forget what you made him do, dad." Puno ito ng galit na sabi ni Kate.

Ilang sandaling katahimikan ang narinig ko. Kapagkuwan ay isang malakas na pagbagsak ng pinto ang sumunod na narinig dahilan para mapapitlag din ako. Isasara ko na sana ang pinto ng marinig ang malakas na pagsigaw ni Kate.

"Argh!"

Isinara ko ang pinto at mabagal na naglakad patungo sa kama at naupo sa paanan. Kipkip pa rin ang kumot sa aking dibdib. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Kate. Natigilan siya ng makita ako. Agad na nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha ng makita ako.

Mabilis siyang lumapit sa akin at napaluhod sa harapan ko. "Did you hear everything?" Mahinang tanong niya.

Napailing ako. "Not all." Tugon ko.

Napabuntong-hininga siya. "Can you stay?" May pakiusap niyang tanong.

"Kate -"

"Ah yes!" Maagap niyang putol. "The clinic needs you. The animals need you. Argh! Kung pwede lang na dalhin din sa clinic niyo si dad!" Napa-eye roll niyang sabi.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon