PROLOGUE

612 33 10
                                    

"Solace, ang bagal mo talaga kahit kailan!" I heard Isla's thin voice from the outside.

Agad akong bumangon sa higaan at binuksan ang bintana ng kwarto ko para silipin ang mga bumubulabog sa akin. I was right. It was Lucius and Isla. Init na init sila habang nakatayo sa tapat ng gate ko.

"Anong meron?!" Pasigaw kong tanong sa kanila dahil nasa taas ako. "May gwapo ba kayong nakita? I-text niyo na lang sa'kin social media accounts niya!"

Sinara ko na ang bintana ko at plano ko sanang bumalik sa pagtulog. Nakalimutan ko na kung anong oras na ba 'ko nakatulog kagabi. Basta ang alam ko, puyat na puyat ako. Hindi ko na lang maalala kung ano bang mga ginawa ko.

"Sol, may exam! Late na late na tayo! Super late!" Nagising ang diwa ko nang sumigaw uli si Isla. Agad ko siyang sinilip uli para sabihin na hintayin ako.

Nakakainis naman! Exam nga pala ngayon. Ba't naman mawawala sa loob ko 'yon? Parang second term ko pa lang ngayong first year college. Pagod na pagod agad?

Napahawak ako sa aking sentido at hinilot ito nang makita ko kung gaano kakalat ang mga gamit ko sa kwarto. May mga dumikit na paint sa sahig at kama, may mga putol na lapis, at nagkalat 'yung mga papel na kinakabisado ko kagabi.

Huminga muna ako nang malalim bago ko inayos lahat nang mabilisan. Ano pa bang magagawa ko kung late na 'ko? Ang mahalaga, hindi ako absent. Kaya ko 'yan sagutan kahit kulang na sa oras. May tiwala naman ako sa panghuhula ko.

"Shit. Shit." Gulat na gulat ako nang makita ko ang itsura ko sa harap ng salamin ko sa banyo. Pulang-pula ang mukha ko at namamaga pa ang mga mata ko.

Naalala ko na, nagpakalasing ako!

Maluha-luha ako habang nag-aayos ng mga gamit ko sa exam pagtapos ko maglinis ng sarili. I should have been more responsible last night. Specially na aware naman akong exam namin ngayon. Mas pinili ko na naman kasing sumaya kaysa pumasa.

"Good morning, Madam." Isla gave me a cup of coffee when I finally went downstairs sa salas. "Kape ka muna. Maaga pa masyado."

Tumingin ako sa wrist watch na suot ko. 7am pa lang pala, e!

"Sinundo ka na namin nang maaga. Baka kasi madamay pa kami kapag na-late ka na naman." Saad ni Lucius habang tutok na tutok sa nilalaro niya sa telepono. "Kainis! Lagi na lang akong namamatay!"

Kinalimutan ko muna ang panloloko nila sa akin na late na kami. Lumakad ako papunta kay Lucius at inagaw ang hawak niya mula sa kaniya.

"Ikaw ba nag review ka na? Sinasabi ko talaga sa'yo, Lucius, pagsisisihan mo lahat ng maibabagsak mong subject sa huli."

"Come on, why would I do that?"

"Alin? 'Yung babagsak o 'yung mag re-review?"

"'Yung mag re-review. I don't need that."

Sinara ko ang phone niya at binalik iyon sa kaniya. "Bahala ka. Hinding-hindi talaga 'ko sasakay ng eroplano mo kapag naging piloto ka na."

"Okay. I won't visit your future museum."

"Talaga. No pets allowed naman do'n."

"Guys, kalmahan lang natin. Hindi pa nga tayo nag-eexam ang iinit na ng ulo niyo." Pagsingit ni Isla sa amin. "Huwag na kayo mag-away kasi makakalimutan niyo 'yang mga ni-review niyo. Tara na."

"Wala 'kong makakalimutan." Tumayo na si Lucius para lumabas habang naglalaro pa rin.

"Wala ka kasing ni-review." Bulong ko.

Sabay-sabay kaming nag commute papunta sa university. Si Lucius kasi may sasakyan naman pero ayaw niya raw mag drive kasi tinatamad siya. Kung sa'kin 'yon binigay, baka pati mga 'di ko naman kaibigan sunduin ko pa.

College Series #1: Sculpting Tomorrow TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon