05

239 28 40
                                    

Agad kong tinignan ang messages ni Sevi kagabi matapos ko siyang makatulugan. Mabuti na lang ay wala na siyang sinabi pa matapos ng tanong niya.

I didn't know what to feel after reading his question last night. Hindi ko alam kung totoong brother ba talaga o tawagan lang nila 'yon.

solacevellarde: Hello

solacevellarde: I fell asleep

solacevellarde: Anw, Sam is my childhood friend

solacevellarde: Nakita ko lang uli siya kagabi

solacevellarde: What do you mean by "brother" ?

I closed my phone again and quickly went downstairs. Naabutan ko si mama na nagluluto ng almusal namin at si papa naman ay nakahiga sa couch. Si Sebseb ay tulog pa rin sa kwarto niya.

"Pa, wala ka pong pasok?" Lumapit ako sa kaniya para subukang makipag-usap.

"Good morning, nak." Agad siyang tumayo nang makita niya ako. "May pasok ako. Pero umabsent muna 'ko para maabutan kita bago ka bumalik ng Manila."

"Pa naman. You don't have to do that. Babalik naman po ako."

"It's just a one day absent, anak. You have nothing to worry about papa's work."

I smiled and nodded. "Sige po. Kain na po tayo pagtapos namin ni mama magluto."

I went to the kitchen to help doing the chores. Umagang-umaga ay parang pagod na agad si mama. Pero kapag pinagpahinga ko naman siya, ayaw niya dahil iyon na raw ang nakasanayan niya.

Good thing Sebastian woke up bago ko pa siya sunduin sa kwarto. Agad siyang yumakap sa akin nang makita niya ako kaya tumabi ako sa kaniya habang kumakain kami ng almusal.

Dumeretso agad kami ng kapatid ko sa dagat pagdating ng hapon at umupo sa buhangin habang nanonood ng sunset. Kanina ay sinamahan ko si mama pumunta sa palengke at ako na rin ang nagbayad dahil marami pa akong natira sa tinipid kong allowance. Kaya naman nag-aayos sila ni papa ngayon sa bahay ng mga pinamili namin kanina.

"Ate, boyfriend mo po?"

Bigla akong napaiwas ng phone kay Sebseb nang mapansin kong nakatingin din pala siya sa picture na tinititigan ko sa aking screen. Sinend lang iyon sa akin ni Isla nang malaman niyang nasa Quezon na agad ako. Gusto niya lang siguro ako pauwiin agad.

Napabuntong-hininga ako at sumagot sa aking kapatid. "Sana."

"Bakit po hindi mo siya boyfriend? Maganda ka naman po and mabait, ate Sol." Tumayo siya at humawak sa magkabila kong pisngi. "Ganiyan din po tingin sa'yo ni kuya pogi."

"Kuya pogi?" Kumunot noo ako nang hindi ko makilala kung sino ang tinutukoy niya.

"'Yung nasa picture po."

Bahagya akong natawa at napailing. May nickname agad siyang nagawa para sa future asawa ko. "Si kuya Sevi mo 'yon. I'll introduce you to kuya pogi kapag nagkausap na uli kami, okay?"

"Opo. Pogi rin po ako sabihin mo po sa kaniya."

"Kahit hindi ko sabihin, pogi ka naman talaga."

College Series #1: Sculpting Tomorrow TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon