[29] Unknown Forest

14 1 0
                                    

The island
Part 14

Avery's POV

Mula rito ay tanaw ko ang lalaking tinulungan namin sa di kalayuan na mukhang kakagising Lang nito dahil humihikab pa Ito Ng paulit-ulit.

Inilihis ko Ang tingin sa mag-asawa na ngayon ay nag-uusap mula sa di kalayuan. Mukhang seryoso Ang mga ito sapagkat, di man Lang ngumingiti at walang mababakas na Kahit anong pagbibiro sa kanilang mukha.

Good morning Miss" bati ni devon

Dalawang araw na nang matulungan namin Ang lalaking ito na akala mo ay mamamatay na sa gutom dahil sa bilis nitong kumain.

Dalawang araw na Rin at di pa Rin nito Alam ang pangalan ko dahil ni Hindi Naman kami nag-usap.

"Avery" pagpapakilala ko at napatango Naman Ito at di na nagsalita pa, Nagpalinga linga Ito sa paligid naglakad palayo sa akin.

"Devon? Hali ka nga muna rito" narinig kung sigaw ni tita Hailey Kaya Naman patakbong nagtungo ito roon.

Kasalukuyan namang naglalakad papunta sa pwesto ko si tita brie. Kita sa mukha nito Ang pag-aalala.

"Alam Kong pinanghihinaan kana ng loob iha pero huwag Kang mag-alala at mahahanap rin natin siya" Sabi nito ng may MALAKING ngiti sa labi na para bang siguradong-sigurado.

Mabigat man sa loob ko ay napatango nalang ako at sinuklian siya Ng maliit na ngiti.

"Sana nga po tita" sagot ko at agad Naman niya akong niyakap.

"Pumunta kana rito dati pero narinig mo na ba Ang mga sabi-sabi tungkol sa pusod Ng kagubatang Ito anak?" Sumandal ako sakanya bago sumagot.

"Hindi Po tita, ano Po ba 'yon?" Curious Kung tanong na agad namang ikinabuntong hininga Niya.

"May isang kweba rito sa Isla na matatagpuan mismo sa pusod ng kagubatan, Ayon sa sabi-sabi ay doon mismo napapadpad Ang mga taong naliligaw rito—"ibig sabihin may posibilidad na n-napadpad roon si Elise? P-pero bakit ngayon nio Lang sinabi? Ba-bakit di sinabi sa akin ni Elise na may ganoon rito?" Pagputol ko sa akma nitong Sasabihin.

Napakaraming katanungan ang namuo sa aking isipan. Ako Ang asawa niya ngunit Wala man Lang akong Alam sa kanya. Paano Kaya Kung Hindi nangyare ito? Siguro'y di ko man Lang mapapansin lahat ng mga pagtitiis ni Elise.

Siguro'y ganoon pa Rin ako, Ung Walang pakialam sa mga bagay-bagay lalo na sakanya. Ngunit sa puntong ito ay Isa Lang Ang masasabi ko at ‘yon ay "nasa huli nga talaga Ang pagsisisi".

"Walang Alam si Elise tungkol rito tanging si Dion, ako at Ang mga magulang Lang nila Ang nakakaalam nito"

"Pero bakit?" Bakit di nila iyon pinaalam? Kung sinabi Lang Sana nila ay paniguradong di kami nag-aksaya Ng oras na puntahan Ang pusod Ng kagubatan.

"Alam ko Ang iyong iniisip, Hindi Sayang Ang oras natin sa paghahanap dahil sapalagay ko'y nasa tamang daan Naman tayo napadpad" Agad na nabuhayan Ang loob ko at para akong lulundag sa tuwa dahil sa sinabi ni tita.

'Sinabi ko na nga ba, malapit na malapit ko nang makasama siyang muli'

"K-ung ganon bakit di pa Tayo kumilos para makarating Tayo agad?" Natutuwa Kung Sabi at tumayo.

"Isang araw nalang at mararating na natin Ang pusod Ng kagubatan kaya maaari ka nang makahinga Ng maluwag" sambit nito.

"Dapat Wala tayong pag-aksayahan Ng panahon tita" Sabi ko Naman at isinukbit Ang bag sa aking likuran para makaalis na kami agad.

"Naghahanda pa Lang kami Ng makakain natin kaya, hintayin mo na lamang kami rito. Walang magagawa Ang pagmamadali kung Wala Kang kinain, magkakasakit ka Lang Kung iyong ipipilit" paliwanag nito.

Tumayo Ito at naglakad sa dalawang taong seryoso pa Rin Ang pag-uusap. Napagpasyahan kung sumunod rito para makatulong sa paghahanda.

"Caven" huling salitang narinig ko nang makalapit kami sa pwesto Nina Devon at tita Hailey.

"Tigilan nito muna ang pag-uusap at tulungan niyo na muna ako" agaw atensyong tawag ni tita sa dalawa.

"Sige na Devon maghanap ka nalang muna ng mga sanga Ng kahoy na maaaring ipanggatong.

Nakita ko Ang pagtango ni Devon at agad na tumalima sa utos ni tita.

"At Ikaw Avery ay maghanap-hanap ka na muna Ng mga prutas sa Dyan sa tabi-tabi at nang malibang ka Naman habang di pa handa Ang almusal" Sabi Naman ni tita brie.

Agad akong tumango at Umalis baka Kasi magbago pa Ang isip nito at di na ako paalisin pa.

Nagsimula  na ako ng paghahanap Ng mga prutas na pwedeng kainin para Naman di ako magutom sa paghahanap at may mapala Naman Ang pag-alis ko.

"Mag-ingat ka" huling narinig ko bago ako tuluyang makalayo sa pwesto namin.

'siguro naman di ako maliligaw ano?' tanong ko sa isio ko at napailing.

Naglibot Ang aking paningin sa mga matatayog na puno sa paligid, Napansin kung mataas na Ang araw at mga alas nuwebe pa Lang siguro ng Umaga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at di na inalintana pa Ang madadadaan. Isang bagay Lang Ang alam ko ngayon at Yun ay Ang makahanap Ng cignal para makibalita sa kompanya namin pati na Rin sa aking beyanan.

Hindi ko Alam Kung saan ako pupunta, low battery na Ang cellphone ko at mga ilang oras pa ay maaari na itong mamahinga Kaya kailangan ko na talagang  makahanap Ng cignal.

Napabuntong hininga nalang ako sa inis nang kakaikot ikot pero wala pa Rin akong cignal. Napatingala ako at Parang NASA tapat na ako mismo Ng araw, ibiv sabihin ay mag-aalas dose na kaya naglakad na ako pabalik.

'eto Naman yung dinaanan ko Hindi ba?" Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Patuloy Lang ako sa paglalakad habang sumisigaw Ng paulit-ulit ng pangalang Nina tita at Devon.

Ilang minu Tito nalang at sasabog na ako sa kaba dahil baka nawawala na ako. Gubat Ito Kaya Hindi ko na maintindahan Ang nasa isip ko.

Baka mamaya ay bumulagta nalang ako sa gutom at mawalan nang Malay, at paggising ko ay pinagpepyestahan na ako ng Kung ano mang hayop ay meron dito.

O di Kaya ay sungaban nalang ako ng isang asong lobo rito at lapain, patayin, hatiin Ang katawan ko at paghaitian Ng mga kasama nito.

Hindi ko mapiligilang mapangiwi at mapabaliktad Ang sikmura habang naiisip ko Ang mga iyon.

Palingon-lingon ako sa aking likuran at nag-uulik-ulik, maya't Maya pa ay bigla nalang akong natumba. Matapos Ang pagkatumba ay sakit Ng katawan ang agad Kung naramdaman.

Kaagad Naman akong tumayo dahil baka magkatotoo Ang aking imahinasyon kanina Lang, sumabay pa ang Mga ingay sa paligid na para bang panakot sa mga taong napapadpad rito.

Sa Sobrang pag-iisip ay Hindi ko na tinignan pa ay Isa sa may mahapding parte Ng aking katawan at nagtuloy-tuloy Lang sa paglakad.

Namalayan ko nalang na nasa harapan na ako Ng Isang lumang kweba, maliit at butas papasok at Parang hayop Lang ata Ang makakapasok.

Nang Napatingin ako sa paligid ay nabigla ako dahil malapit nang magdilim, ganun na ba talaga katagal Ang paglalakad ko? Tapos di man Lang ako nakabalik sa pwesto Nina tita brie?.

"walanghiya Naman oh" bulong ko sa hanging.

Mukhang Wala ata akong choice Kung Hindi ay pumasok sa kwebang ito at makihati sa Kahit anong hayop para Lang may mahigaan ngayon Gabi.

'bakit ba Ang malas ko ngayon?" Buntong hininga ko habang nag-iisip Kung anong dapat na gawin.

They betrayed meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon