The Island
Part 25Elise's point of view
Napakasakit isipin na hindi mo nakasama Ang isang Mahal sa buhay dahil Lang sa isang taong Ang minimithi Lang ay paghihigante.Hindi ko alam Kong sasaya ba ako ngayon o malulungkot. Hindi ko man siya kaano-ano ay Hindi ko mapagkailang may lugar siya sa puso ko.
Si kuya Devon na kasama ko hanggang sa paglaki. Simula pagkabata'y away bati at tila aso't pusa sa tuwing may parehas kaming nagugustuhan.
Hanggang sa umabot na pati babaeng nais naming pakasalan ay aming pinag-aagawan. Dito nag-iba Ang pakikitungo niya.
Parehas Lang Naman kaming galit SA isa't isa dahil sa atensyong mas ibinibigay Ng magulang namin sa kanya. Para bang mas mahalaga siya kaysa sa bunso nila.
Naiintidihan ko Ang kanilang dahilan. Iyong pagkawala nito noon ay masyado silang naapektohan. Pero may isa pa Naman silang anak na dapat pagtuonan Rin nila Ng pansin.
Sa kabila noon ay nakitungo pa rin kami ni kuya sa isa't isa kahit away bati. Naging role model siya sa akin. Dahilan Kung bakit ako nakatayo sa sarili Kong mga paa.
Masakit Lang isiping lahat ng pinagdaanan naming dalawa kahit puro away ay Walang halaga sa kanya dahil sa paghihiganteng nais niya.
Isa Lang Ang Malinaw na dahilan. Ang galit niya sa amin dahil sa pagpatay ng mga magulang ko sa magulang niya.
At ngayong nakikita ko siyang nahihirapan at nagpupumilit na huminga ay bumibigat ang aking pakiramdam.
"K-kuya" mga Salitang aking tinuran ng tuluyan na itong bumagsak.
Nahagip Ng Mata Kong sumisenyas si tita Hailey sa lalaking NASA pintuan na may hamak Ng baril. Napangiti ako ng mapait at ibinalik Ang tingin sa tunay na Devon.
"B-baby e-el" balik nito sabay ngiti na tila nais niya akong lapitan siya.
Di na ako nagdalawang isip na dahan-dahang ialis sa kandungan ko si scarlet at patakbong lumapit rito.
"K-kuya, Ikaw Kasi e" napangiti pa Ito Lalo sa akin.
Batid kong nagugulat Ang mga taong nakapalibot sa Amin dahil sa ipinakita Kong ekspresyon.
Ganito kami ni kuya kapag may nasaktan sa aming dalawa. Alam kong Hindi Niya ako kayang patayin kaya mas pinili niya akong iligaw sa kagubatang Ito, Kung saan naririto ang pinakamasasamang ala-alang kanyang nais na mabigyan Ng hustisya.
Pero mas nanaig ang nais niya na makuha Ang babaeng gusto niya, naming dalawa.
"A-Alam k-ko na-naman el" garalgal Ang boses nito Ng pilit Kong Pinatong ang ulo niya sa lap ko.
"Tanga' ka kasi"
"K-kita m-mo na ngang n-naghihingalo na ko t-ta-tangahin m-mo pa"
"Sorry Naman—"P-patawad el, A-Alam k-kong s-subrang laki Ng g-galit mo sakin" sinserong Sabi nito.
"Bakit mamamatay kana ba? Tsaka sinong Hindi magagalit e gusto mo Lang maghigante, Ang dami mo nang utang sa akin" My tears are starting to fall as those words came out.
"T-tanga k-ka Rin e-eh, at saka a-alam Kong mas s-sasaya si-siya sayo at di d-di ako maghihigante Gaga, nawala na Ito sa isip k-ko nang makilala k-kita, kaso nga l-lang Dumating siya, Alam kong mas sasaya siya sayo El, alagaan mo siya para s-sa akin.........A-Alam Kong Huli na pero....peer-o ma-mahal k-ka ni k-kuya"
Isang malalim na buntong hininga Ang pinakawalan nito at tuluyan nang
namaalam.Hindi pala iyon Ang dahilan Kong bakit natuloy ang paghihigante niya.
'
mahal Rin Kita kuya at patawarin mo rin Sana ako dahil Kong saan sasaya ka na Sana ay saka ko pa kinuha Ang kasiyahang iyon, huwag kag mag-alala Hindi na nating kailangang mag-away pa Ng dahil Lang sa kanya'
One month later
"Siguro naman ay may balak ka pang replayan ako Elise" Nakatayo Ito ngayon sa aking harapan habang masamang nakatingin sa akin.
Mula ng mamatay si kuya ay umalis na kami sa islang iyon.
Wala akong ginawa kundi ang iwasan Ang mga Tao at magpakabusy sa trabaho, sa kompanya ko dahil kailangan Kong bawiin Ang mga kitang nawala noong biglaan akong nawala.
Mag-iisang taon na pala kaming nasa isla na iyon.
Ni Hindi ko man Lang namalayan.
Si kuya, Ang totoo Kong kuya ay bumalik na Rin rito at Binigyan sila Nina papa Ng bahay nila ng nobya nya.
Hindi ako galit Kay tita Hailey dahil ginagawa Lang Naman Niya iyon para maprotektahan ako, kapalit Ng buhay ng Isa.
Matapos Ng nangyari ay natagpuang patay Ang mga tauhan Ng Hindi ko tunay na kuya. Iyon pala ay dahil sa mga tauhan ni tita.
Mula Rin Ng mangyari iyon ay tila mas nawala pa Ang kulay ng bahay Nina mama, siguro dahil di nila inaakalang impositor Ang anak nila. At noong nakabalik si kuya, Hindi Rin Naman sila masyadong nag-uusap dahil nag-aadjust pa.
Sa katunayan ay sising-sisi ako sa mga nangyari dahil Kung Hindi dahil sa akin buhay pa Sana siya at masaya pa Sana sila.
"Wala ka bang balak na sagutin ako?" Medyo tumaas Ang boses ni Avery pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at nagfucos sa pagbabasa Ng mga reports tungkol sa kompanya.
Nang Hindi na nito matiis Ang katahimikan ay hinablot nito at binabasa ko at naupo sa upuang nasa harapan Ng table ko. Tiningnan ko Lang Ito Ng malamig at walang imik na kumuha muli Ng isa pang magazine.
"Damn" walang prenong napamura ito at kinuha Ang lahat Ng maaari Kong basahin Mula sa table ko pati na Rin ang binabasa ko at nilagay sa katabing upuan.
"Siguro Naman kakausapin mo na ako Elise" galit nitong Sabi.
Napatingin ako sa bintana Ng office ko at Mula rito ay kitang kita ko Ang napakagandang paglubog Ng araw.
Mag-gagabi na pala.
Tumayo ako at kinuha ang gamit ko para makaalis na kami. Maya-maya ay nakarinig ako Ng hikbi na nagpabigat sa nararamdaman ko.
"Ano ba Elise" garalgal nitong tawag sa pangalan ko na may kasamng pagbabanta Kaya hinarap ko Ito at nilapitan.
Niyakap ko Ito at ganoon din Ang ginawa Niya.
"The sunset is beautiful isn't it?" Mas Lalo Lang itong humikbi, nagpapahiwatig lamang na naintidihan niya Ang ibig Kong sabihin.
"Why?" Tanong na mas Lalo Lang na magpapakomplikado sa sitwasyon naming dalawa.
"Kung kailan tapos na saka ka Naman sumuko" naramdaman ko Ang mainit na likidong batid kong galing sa mga Mata niya.
Ngunit Hindi ko na magawang bawiin Ang mga Salitang iyon. Pagod na Rin akong ipagpilitan Ang relasyong Ito dahil Kung nandito pa si kuya ay malulungkot lamang siya sa mga nakikita niya.
Hindi ko Naman magawang ibigay Ang babaeng mahal ko dahil Mahal ko Rin Ito. Kaya siguro mas magandang parehas nalang kaming Wala.
"Patawad Avery"
BINABASA MO ANG
They betrayed me
RomanceWho would have thought that your lover will ever betray you and worse, learned about the dirty little secret of your parents? Your former brother? What will the protagonist's do if she also learned that she suffered for someone who only seeks for re...