[27] Stranger

21 2 0
                                    

The island
Part 12

AVERY'S POV

Maaga kaming  naglakad patungo sa di pamilyar sa kagubatang ito, Ewan ko ba Kung bakit Parang Alam Nina tita brie Ang eksaktong pupuntahan namin e balita ko ay Wala Naman mga taong Ang nagagawi sa bahaging Ito Ng gubat. Hays! Iba talaga Ang kutob ko sa dalawang ‘to.

"Avery? Pagod kana ba iha? Magpahinga muna tayo Lalo na ngayon tirik-na tirik Ang araw baka tuluyan na tayong mamahinga niyan" Sabi ni tita brie sa gilid ko kaya ngumiti nalang ako at agad na sumunod.

Namahinga kami sa lilim ng isang puno at nagmasid Naman ako sa paligid.

Mula rito ay makikita mo ang Isang ilog na napakagandang pagmasdan, rinig na rinig ko rito mula rito and payapa nitong agos, napakasarap sa pakiramdam Kung pakikiramdaman.

"Maganda Hindi ba?" Nangunot ako at Napatingin Kay tita Hailey.

"A-ah Oo maganda nga" utal kong sagot at iniwas Ang tingin, bahagya akong napahinga Ng malalim Ng maalala ko na Naman siya.

'kung Sana Lang ay narito ka mahal, hays'

"Alam mo bang Hindi lang Ito Ang makikita mo sa loob Ng kagubatang Ito?" Sabi nito kaya't napaisip ako at nangunot Ang noo.

'ibig sabihin nakarating siya rito sa bhaging Ito? Kung ganon baka Alam nito Kung saan pwedeng mapunta Ang mga taong nawawala?' nabuhayan ako Ng loob at napahinga Ng maluwag.

"Kung ganon nalibot mo na Ang kagubatang Ito?" Agad Kung tanong habang lumiliwanag ang aking mga Mata sa mga impormasyong maaari nitong sabihin.

"Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang maganda ah" singit Naman ni tita brie

"Kailangan na nating Umalis mahaba-haba pa Ang ating lalakbayin" Sabi Naman ni tita Hailey Kaya mapasimangot nalang ako at agad na tumayo para maghanap ngunit bago pa man kami makahakbang bigla na lamang may bagay na dumaan sa aking harapan na tila ba hinaharangan kami.

Bahagya akong Napatigil dahan-dahang lumingon sa kinaroroonan Ng dalawa Kung tiya.

"Wag Kang kikilos Ng masama Kung ayaw mong masaktan Ang isa mong kasamahan" napalingon ako sa taong nagsasalita.

Isang lalaking nakamaskara at nakadamit Ng Isang lumang baro Ang aking nakikita. Nakatakip Ang mukha nito Kaya Hindi ko makilala. May nakasukbit na palaso at pana sa kanyang kanang balikat habang hawak Naman nito Ang isang malakutsilyong bagay sa kaliwang kamay na nakatutok sa leeg ni tita brie.

"Wa-g maaari Naman nating pag-usapan ‘to Ng Walang nasasaktan" nag-aalala Kung  sagot.

“at paano Naman ako makasisigurong Wala kayong balak na manlaban?" Tanong  nito na tila naniniguro.

“Wala Kaming dalang armas o Kahit na anong bagay na maaaring maipanlaban sa ‘yo” sagot Naman ni tita Hailey.

Walang bahid ng kahit anong emosyon Ang mahihimigan mo sa tuno ng kanyang pananalita.

“sige, sa isang kondisyon” kamot ulong sagot ng di makilalang lalaki.

Malapit na akong matawa sa kanyang naging paraan ng pagkilos ngunit mabuti nalang at napigilan ko sapagkat baka mapatay pa kami nito Ng tuluyan.

“ano Naman ‘yon?" Tanong ni tita.

“Nais ko lang Ng makakain at inumin, Wala Kasi akong makitang prutas sa bahaging Ito Ng gubat” nalulumong ekspreyon ng lalaki, Ang kaninang nakatutok na kutsilyo ay ibinalik nito sa gilid Ng kanyang damit.

Hinatak ko si tiya papalapit sa akin. Ngayon ay magkakasama na kaming tatlo habang Ang lalaki naman ay Wala man Lang imik. Marahil ay naisip na rin nitong gagawin ko ‘yon.

“Huwag kayong mag-alala, di ko Naman talaga ibig na saktan Ang Isa sa inyo. Nararamdaman ko rin Naman na Wala kayong balak na masama SA pagpunta niyo rito” mahaba nitong paliwanag.

“mabuti Naman Kung ganon dahil Kung Hindi ay matitikman mo Ang galit ko” sabay tingin Ng masama ni tita Hailey sa lalaki.

“patawad sa aking naging kilos, bigyan nito na lamang ako Ng Kahit anong makakain para Naman makaalis na ako‘t di na kayo maabala pa sa inyong mahaba-habang paglalakbay na sapalagay ko‘y aabutin pa Ng ilang linggo dahil sa Kung ano mang hinahanap niyo” Napakunot muli Ang aking noo sa huli nitong sinabi.

“At paano mo Naman nalaman iyan?” tanong ko

“sino bang di makakaalam? Binubulabog niyo Ang kagubatan sa pagsigaw niyo ng Kung anong pangalan, Hindi Naman ako tanga para di malaman ang nais nitong iparating” Kung sabagay ay Tama siya, halos minu-minuto na Ang pagsigaw ko. Hindi Kaya ako mauubusan ng boses nito?

“pasensya na—wala akong pakialam sa Kung ano man Ang dahilan niyo, gusto ko Lang namang kumain dahil kahapon pa ako Walang makain, sinabayan niyo pa ng nakaririndi niyong sigaw, e Wala namang mararating ‘yan” naiinis nitong sabi.

“Natiis mo Yan?” tanong ni tita brie

“aba! Oo naman, di Naman na ako Bata para di kayaning di kumain Ng ilang araw Kaya please Lang gutom na talaga ako” paawa nitong sagot at napahawak pa sa tiyan nito.

“sige pero tanggalin mo muna yang takip sa mukha mo dahil mukha Kang mamamatay tao” utos Naman ni tita Hailey

Kaagad Naman ‘yong sinunod Ng lalaki at naupo sa isang tumbang troso sa likuran nito, ganon rin Ang ginawa namin dahil napapagod na rin kami. Binigyan namin Ng tubig at makakain Ang binatilyo na agad Naman nitong nilantakan.

“dahan-dahan Lang Naman baka mabuluna  ka niyan” malumanay na Sabi ni tita brie

“p-pqsensha nah—dont talk when your mouth is full” putol ni tita Hailey Kaya namawis ang binatilyo at pinagpatuloy Ang pagkain ng di mapakali baka nahihiya siguro sa kanyang inakto.

Masasabi Kung may hitsura Ang lalaki at mukhang wala pa sa bente ang edad nito. Ano Kaya Ang ginagawa Ng Isang binatilyo  rito kung may mga bahay Naman sa ibaba na pwedeng tuluyan at mga trabahong pwedeng gawin para pagkakitaan?

Marami tuloy na katanungan Ang bumalot sa aking isipan, Hindi ko tuloy namalayan na tapos na ang pagkain Ng lalaki at malapit na ring magdilim.

‘buhay nga Naman Parang bahay na may anay’ napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglatag ng higaan.

Sa Gabing Ito, Isa Lang Ng masasabi ko! Sapalagay ko ay malapit ko na siyang makitang muli. Hindi ko Ito maipapaliwanag sa ngayon pero nararamdaman ko! Nararamdaman ko na nandyan Lang siya sa tabi-tabi baka hinihintay na ako.






They betrayed meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon