[24] Where are you elise?

24 2 0
                                    

THE ISLAND
Part 10

Third Persons POV

Mahirap isipin na Ang Isang bagay ay Hindi na talaga para sa atin. Akala natin ay sila na pero  Mali pala. 'Akala' Lang pala Ang lahat.

Nakakapahamak talaga Ang Isang 'akala'. Merong namamatay, merong napapahiya, napakaraming mangyari dahil sa Isang simpleng 'akala'.

Pero, anong magagawa natin Hindi ba?, Kung mahilig tayong maging assumera, kadalasan tuloy dahil sa Isang akala nasirira Ang mga Plano natin paminsan-minsan.

Ngayon Isang lalaki Ang naiinis dahil nasira na Naman Ang Plano niya, Hindi Ito nag-iisip Ng mabuti. Just like they say 'THINK BEFORE YOU ACT, STOP JUMPING INTO CONCLUSION'.

Minsan Kasi kapag minamadali Ang Isang bagay ay mas Lalo lamang tayong natatagalan sa dami Ng mga pagkakamaling nangyari dahil sa pagmamadali.

Nakakainis man pero anong magagawa natin Kung kailangan nating magmadali para Hindi maunahan o hindi Tayo malamangan.

Ang lalaki ay tulalang nakaupo ngayon sa isang tumbang puno Ng niyog, nag-iisip Kung ano bang ginawa niyang Mali at bakit Hindi umayon sa Plano Ang lahat.

"Hayss napakatanga mo talaga, bakit ba Hindi ako nag-iisip?" Sambit nito sa kanyang sarili nang marealize Ang pagkakamali nito, napacefalm nalang siya dahil sa katangahan niya, imbes na malapit nang mawala sa landas nila si elise mas Lalo pa at itong matatagalan.

Naiinis man ay Wala na itong magagawa dahil nangyari na Ang nasa plano niya. Pinagmamasdan na Lang niya Ang nasa paligid at Ang mga magulang niya na naghahanda sa pgbalik sa village.

Matapos Ang nagyari noong Isang araw ay Hindi na ninais pa Ng mag-asawa na ituloy Ang hiking  papunta sa tuktok Ng bundok. Maging si solen ay nabalot na Ng takot, si Avery Naman ay gustong hanapin si elise pero Wala siyang magagawa dahil hindi Ito pinapayagan Ng mga nakatatanda.

Natapos Ang kanilang paghahanda at sila'y Umalis na. Plano nilang ipahalughog Ang kagubatan para Lang Makita Ang anak niya.

Habang naglalakad ay Hindi mapigilan ni Avery na mag-alala pa Lalo dahil baka sa pag-alis nito ay tuluyan na niyang Hindi na Makita pa Ang pinakamamahal niyang asawa. Nakaisip Ito Ng Plano ngunit kailangan niya munang makabalik bago iyon.

"Damn, where are you Elise?" Saad nito sa sariling isip.

Si Dion Naman ay may balak ring tumulong sa paghahanap para naman mapadali Ang nais Niya.

Dahil sa layo Naman Ng narating nila ay Hindi sila nakarating agad sa village. Bandang alas tres na Kasi Ng Umalis sila kaya kinailangan na Naman nilang huminto para magpahinga.

ELISE POV

"Ahhhh" sigaw ko Ng Parang may humahabol sa akin.

Liko dito, liko Doon Lang Ang tanging ginaGawa ko, limingon pa ako para tingnan Ang Kung ano mang humahabol sa akin, nakahinga Naman ako Ng maluwag' dahil mukhang nawala ata.

Huminto ako para magpahinga, naupo ako sa Isang tumbang katawan Ng niyog. Habol hininga ako dahil sa kaninang pagtakbo.

"Sssssssss" Isang huni Ng Isa sa pinakakilalang hayop sa kagubatan. Agad na nanlamig ako nang makita Ang Isang MALAKING AHAS malapit sa bato Kung saan malapit sa inuupuan Kong niyog.

Nakaharap Ito sa akin na animo'y Isang maling galaw Lang ay maaari na ako nitong tuklawin. Wala akong Alam na gawin kundi tumakbo. Nilakasan ko Ang loob Kung at agad na tumakbo Ng mabilis dahil sa takot.

Liko dito at liko Doon na Naman Ang ginawa ko. Ganoon na lamang ako loos na natakot Ng malamang malapit na ako sa may bangin. Nakalimutan ko agad Ang ahas na humahabol sa akin.

Pinipigilan ko Ang sarili sa pagtakbo, Isang hakbang nalang at paniguradong mawawala na ako sa mundo hanggang sa may maabot ako bagay at hinila iyon dahilan para makahinto ako bago pa man ako tuluyang mahulog.

"Ssssssssssssss" Isang mabumigat na paghinga Ang ginawa ko Ng marinig ko na Naman Ang ahas.

"Sssssssss" Agad na nagsitayuan Ang lahat Ng balahibo ko Ng mapagtantong Nasa harapan ko na pala Ito.

"Ahhhh, please wag" pagmamamakaawa ko sa  ahas.

Nakahawak ako sa bagay na nahawakan ko kanina.

"Gising" Isang boses na patuloy na nag-e-echo sa tainga ko pero Hindi ko Ito pinansin. Dinuro ko Ang ahas at sinabing,

"Wag mo akong tuklawin please" ngunit napahinto ako Ng agad niyang tulawin Ang hintuturo ko.

"Gumising kana elise" this time nagpalinga linga ako pero Wala namang tao Kaya ipinagsawalang bahala ko na Naman iyon at itunoon Ang pansin sa ahas. Napabitaw ako sa hinawakan ko at umusod pa Ng kaunti palayo sa ahas.

"Ahhhhhhhh" sigaw ko at napahawak Kung saan ako kinagat.

"Gumising kana miss"

Isang pagkakamali Ang ginagawa Kung paghakbang pagtalikod.

"Miss gising na" Mukhang pamilyar Ang boses pero Wala na akong panahon para diyan.

"AHHHHHHHHHHHHH" sigaw ko Ng Walang Kung ano ano ay nahuloy ako sa bangin at nagpupumuglas pa sa ere.

Agad akong napahiyaw sa sakit at napabangon dahil sa bagay na tumama sa mukha ko hinawakan ko pa iyon hakbang nakapikat saka nag-inat, at Sakit Ng katawan at ulo agad Ang naramdaman ko.

"Ugh, damn" I cursed at kaagad na hinawakan Ang aking sintido at hinilot hilot Ito—Wait? Diba dapat patay na ako? Diba nahulog ako sa bangin?

Dahan-dahang ibinuka ko Ang aking mata, medyo blurred pa pero agad rin namang luminaw nagpalinga-linga ako sa paligid base sa obserbasyon ko ay nasa loob ako Ng kweba—KWEBA?

At nakahinga Naman ako Ng maluwag Ng malamang panaginip Lang pala Ang pagkakahulog ko sa bangin.

Agad namang nanlalaki Ang mga mata ko at pagak na natawa dahil baka isa na Naman itong panaginip.

Maya Maya pa ay nagflashback Naman Ang lahat ng nangyari kahapon, Hinahanap ko nun si kuya at bigla nalang may nanghampas sa akin, subrang sakit Ng hampas Ng Kung Sino. Hanggang ngayon ramdam ko pa Rin Ang sakit. Kaya pala masakit Ang ulo ko eh.

Nakakaramdam Naman ako Ng Parang may mga matang nakatingin Kaya hinanap ko iyon at agad ko namang natutunton.

Napasinghap ako Ng makita Kung Sino ito. Anong ginaGawa Niya rito? Isa sa mga katanungang namuo sa aking isipan.

"B-bella?"


They betrayed meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon