PROLOGUE

2K 44 9
                                    


Malikot ang mga nagsasayawang neon lights habang humahalik sa balat ng mga taong maingay na sumasayaw.

Sa tuwing sisigaw ang DJ na nag mamanipula ng musika ay agad tumutugon ang mga tao rito.

I sighed and got the tray of liquors that was ordered by one of the groups here where I was working. 

Hindi ko maiwasang magselos. Kung titignan sa mukha ay halos kasing edad ko lamang ang mga ito. Habang sila ay nagsasaya, ako naman ay kulang na lamang ay magkanda kuba na sa dami ng raket na pinapasukan para lamang kumita ng pera.

"Hell yeah! Let's enjoy the fucking night!" Singhal ng isang babaeng nadaanan ko.

Hindi ko ito pinansin at dumaretso sa grupong um-order ng alak. Malakas silang nag tatawanan at halos hindi na namalayan ang pagdating ko.

"Thank you, cutie!" One of them muttered. Naghiyawan ang mga kasama nito pero nginitian ko lamang sila.

Ang mga customers ay maaaring mag table ng mga waiters pero hindi ako kasama roon. Marami ng nag request sa akin ngunit wala akong pinaunlakan sa kanila.

Hindi ako nararapat sa ganoong trabaho lalo na't hindi ako magaling makipag usap. A hindi lamang pag-uusap ang  sa ganoong trabaho. Alam kong may iba pang nangyayari bukod sa pakikipag-usap.

"Ang cute mo naman, sure kang ayaw mo mag patable? Sayang tip," dumapo ang tingin ko sa isang magandang babae.

She was looking at me seductively. There's a flirtatious smile on her lips but I decided to ignore it. I'm not really up for that kind of job.

"I'm sorry, Ma'am. Waiter lang talaga ang trabaho ko rito." Magalang akong tumango bago bumalik sa loob para kumuha ng alak na ihahatid sa tables.

"Kade!"

Tumingin ako sa katrabaho ko. He looks so tired and stressed. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ko.

"Patapon naman ng basura sa likod, may trabaho pa kasi ako, salamat!"

Hindi na ako nakapalag pa ng umalis na si Nick sa harap ko. I took a deep breath and got the trash to dispose of it.

Kilala nila akong hindi tumatanggi sa request sa akin. Nahihiya rin kasi akong tumanggi, kaya napapansin ko ang pang-aabuso ng ilang katrabaho ko sa akin.

Wala akong magawa rito dahil masyado nga akong mahiyain para umalma sa mga ginagawa nila.

Nasanay akong utusan sa bahay ng Tita ko at hanggang sa trabaho ay nadala ko rin ang pagiging walang imik ko.

Malamig ang hangin ng dumampi sa balat ko. Madilim na ang paligid. Madaling araw na rin, at masyado ng tahimik sa labas ng night club.

Agad hinanap ng mata ko ang basuran ng may mapansin akong gumagalaw sa madilim na parte.

May tao. Siguro akong may tao sa madilim na parte na 'yon. 

"Hmm… Tori…" 

I halted and stared hard at that part. I'm sure I heard that sexual sounds in that dark side. 

Umiling ako. Dapat ay nasanay na ako sa mga ganitong bagay. Ilang beses na rin akong nakahuli ng mga taong nag m-make out.

Dapat ay pinapalagpas ko na ito pero umusbong ang kuryusidad ko ng marinig ang pamilyar na pangalan na madalas na pinag-uusapan ng mga katrabaho kong lalaki.

I'm not shocked anymore when I see two people kissing. The boy was pressing the girl on the wall as he kissed her neck.

Gumapang ang tingin ko sa babae. Hindi sapat ang kadiliman upang matago ang kagandahan niya. 

The boy was lucky to be kissed by that goddess. She bit her lower lip. Mula sa distansya ko sa kanila ay naririnig ko pa rin ang mahinang ungol ng lalaki.

Uminit ang tainga ko. I was about to avert my eyes since I think I'm invading their privacy when her eyes met mine.

Lasing ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. She's not shocked. Hindi man lang ito nabahala na nakita ko silang may ginagawang milagro. 

Her hands slowly travelled on his back, nakatingin pa rin sa akin.

I swallowed hard. Uminit ang pisngi ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin. She smirked and gripped the man's shirt. 

She's enjoying my reaction. 

Umiwas ako ng tingin at umalis roon. Mabilis ang pintig ng puso ko na tila ba hinabol ako ng tatlong oras.

There's something I felt the way her eyes lingered on me. 

Victoria Travieso just looked at me. I got her attention.

S O L M E R A K I

Hi, I decided to change the POV compared sa Ustulation. I'm now using a first person point of view.

Selcouth (Frisson Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon