CHAPTER 24

757 28 6
                                    

Betray

My hands wouldn't stop shaking. I stared at my phone screen for minutes now. Hindi ko alam kung paano ko naitawid ang mga araw at ngayon ay kinukulit na ako ni Tito Alfred ang send ng pera.

Unknown Number:

padalhan mo ako ng 300k dito.

Hindi ko alam kung kaninong bank account ang ginagamit niya. Nalula rin ako sa perang hinihingi nya. Saan ako kukuha ng 300 thousand?

Tumulo ang luha sa mata ko. Baguhan pa lang ako sa trabaho, hindi ko kayang kumita ng 300 thousand na hinihingi niya.

Unknown Number:

Kailangan ko na bukas ng pera. Tandaan mo, alam ko kung saan kayo nakatira ng kapatid mo.

Mas lalo akong nanghina ng mabasa ang sumunod niyang text. Not my brother!

Hindi ko alam ang gagawin. Ang laking pera ng hinihingi niya. Wala nga akong hawak na ganun kalaking pera. Ano bang akala niya sakin? Pinupulot lang ang pera?

I called Zai. My mind was not functioning normally. Parang sasabog na ang isip ko sa sobrang dami ng iniisip.

"Hello, Kade?"

Lumunok ako. I don't have any choice. Nahihiya naman na akong magsabi kay Tori. Sobrang laking pera na ang nagagastos niya sa akin.

"Z-Zai..." I bit my lower lip.

"Are you okay?"

"Z-Zai... may p-pera ka ba dyan?"

"Huh?"

Mariin akong pumikit. Hindi ko alam ang sasabihin.

"I mean yes may pera ako. Pero bakit, Kade?"

"Uutang sana ako ng pera, Zai."

"Magkano ba?" I can hear the worries in her voice.

"Uhm... 3-300 thousands sana..."

Tumahimik ang kabilang linya. I gave up. Sino ang magpapautang ng ganyang kalaking halaga?

"I'll send the money to you later."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She's letting me borrow a huge amount of money like it was nothing?

"Sigurado ka ba?"

She chuckled. "Of course! Ex ko nga pinag gagastusan ko, ikaw pa kayang kaibigan ko?"

Uminit ang sulok ng mata ko. What did I do to deserve a friend like her?

"T-thank you!"

"Ano ka ba. Wala lang yon 'no. If you need help, I'm just one call away,"

"Thank you talaga, Zai."

I'm so thankful that I have a friend like Zai. I honestly don't know what to do kung wala akong matatakbuhan sa mga oras na 'to.

Kade:

Nasend ko na ang pera.

Wala na akong natanggap na reply mula kay Tito Alfred. Nakuha niya na ang gusto niya. Hindi na ako aasa pang makatanggap ng reply sa kanya.

"Alam ba ni Tori 'to?"

I looked at Justice. He's leaning against his door frame. We're in the hallway.

"Kapag ayos na ang lahat,"

He smirked. "Alam mo, nagtatampo ako kasi you can ask for help naman from me. We're living in the same building pero si Zai pa talaga ang tinawagan mo."

Selcouth (Frisson Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon