Simula

19 1 0
                                        

People say we have a purpose for our mere existence. We have a purpose for which we, humans, have difficulty finding. It was like finding something without even knowing where to start.

Why do we even live? What is the reason why we are here? What is the reason behind every person's existence? Why do we have to sacrifice and endure every pain the world has to offer? Why? Para lang ba saktan tayo? Para iparamdam araw-araw ang sakit?

Hindi ko alam. Dahil kahit ako hindi ko pa alam kung anong rason bakit nandito ako. I do not know the reason why I had to go through a lot. Pero... Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon, itatama ko ang mga bagay na pinagsisihan kong gawin.

I grew up to be an obedient daughter raised by my nanay and tatay. We weren't rich. Walang trabaho si nanay dahil maaga silang nag-asawa ni tatay at si tatay naman high school lang ang natapos. I have two younger siblings, both boys.

Growing up with our family's status, maaga akong namulat sa katotohanan... na mahirap lang kami. Wala kaming sasakyan, walang bahay na gawa sa bato, at wala ring pinagkakakitaan. What we have is just a piece of rice field na pamana ng lola ko sa nanay ko.

But despite our status, masasabi ko na pinalaki kaming maayos. At kontento kami.

"Ate!" salubong sa akin ng bunso kong kapatid na si Yanyan. His first name is Aldrian at doon kinuha ang palayaw niya. He's six years old at talagang bibong bata.

Halos nga ay mapunit na ang kanyang bibig dahil sa lapad ng ngiti.

Napangiti ako ng tuluyan dahil sa reaksiyon niya. Nawala lahat ng pagod ko.

Mahigpit na yumakap sa binti ko si Yanyan. He was so cute as he looked up with his wide smiles not fading.

"Nagpakabait ka ba?" ngiti ko.

He nodded numerous times before grinning. "Sinunod ko po ang utos ni nanay. Nagdilig ako ng halaman at nagpakain ng mga sisiw ni tatay!"

Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. His smiles turned into pout.

"Ate..." panimula niya. Doon pa lang ay alam ko na ang ibig niyang sabihin.

I smiled at him and nodded.

"Talaga?!" he said excitedly. I chuckled at his reaction. Humiwalay na siya sa pagkakayapos sa aking binti. Kinuha ko na ang pagkakataong 'yon para ibaba ang backpack ko. Agad kong binuksan ang bulsa no'n saka kinuha ang maliit na plastic.

"Naku, pasalamat ka at maraming bunga ang mga punong bayabas na nadaanan ko. O, heto. Bigyan mo si Kuya Marcus, okay?"

He nodded nonchalantly before I gave him the small plastic. Dati pa lang kasi paborito niya na ang bayabas. Kapag din kasi pumapasok sa school, naglalakad lang kami pauwi na inaabot ng tatlumpong minuto. At sa bawat bunga ng bayabas na madadaanan namin, paunahan kami ng kuha ng mga pinsan ko.

"Bukas ba, meron pa, ate?" Yanyan asked innocently.

"Kinukulit mo nanaman 'yang ate mo, Yanyan. Kauuwi lang niyan galing eskwela at mukhang pagod pa."

Bumaling ako sa pintuan ng maliit naming kubo. Lumabas si nanay habang nagpupunas ng dalawang kamay gamit ang tuyong basahan, tingin ko'y kagaling lang sa paghuhugas ng pinggan.

"Nay..." I smiled and went to her. "Mano po."

Ginawaran niya rin ako ng matamis na ngiti at malugod na tinanggap ang kamay ko. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumusta naman ang eskwela? Iyong role play niyo?"

I chuckled a bit. "Hindi po 'yon role play, nay. Theater play po. Iyong kay Romeo at Juliet."

"Ahy, oo nga pala. Hindi ko naman alam ang pinagkaiba no'n," she chuckled. "Sandali, nagluluto nga pala ako ng hapunan, baka masunog."

Miracle at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon