Kabanata 1
Olivares
Everything feels surreal. From the ambiance of our old house to the presence of my family, whom I thought I could never see with my bare eyes, I still can't believe I came back to the past.
Maigi ang titig ko kay nanay habang siya'y abala naman sa paghawi ng mga takas kong buhok gaya ng ginagawa niya noong bata pa ako.
Hindi ko nanaman napigilan ang pagluha. She always gives us that kind smile as if telling us that we shouldn't worry. Pero... ako ang naging dahilan para maospital siya na siyang naging dahilan ng pagkamatay niya. She was a good mother and she will always will. During my rebellion, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Kung sinisisi niya ba ako sa lahat o ano.
"Tama na nga ang pag-iyak, Rojan. Kung may problema ka, sabihin mo sa amin," pag-aalo ni nanay.
How can I even tell you everything? How can I tell you that you died because of me? That you have suffered so much because of my stubbornness. There's no way I could tell you.
"May nangyari ba kahapon bago ka umuwi?" dagdag na tanong ni nanay.
I shook my head. Dahan dahan akong bumaling sa kinaroroonan ni tatay, nakahilig sa ding ding. My lips trembled. Dahan dahan akong umahon sa pagkakaupo saka tumungo sa kanya. He was a bit confused, pero nang maalala na kinitil niya ang sarili niyang buhay, hindi ko na napigilan pa ang sarili. Mahigpit ko siyang niyakap. Hindi agad siya nakakilos dahil sa sobrang gulat.
Among my family members, tingin ko siya ang mas disappointed sa akin. Marami siyang pangarap sa akin. Kahit na ganitong mahirap lang kami, nagawa niya pa rin kaming itaguyod. It's just me who's been ungrateful.
Sobrang bigat sa dibdib. Lalo na at alam ko ang mga nangyari sa nakaraan.
Humagulgol ako sa dibdib ni tatay. Halos mabasa at makusot ang luma niyang polo. I cried hard as if my life depended on him.
Later on, I felt his had on my back, slowly caressing it na hindi ko alam na gagawin niya. Mas lalo lamang akong napaluha. The pain in my chest was unbearable. Para akong sasabog.
Hindi nagsalita si tatay at nagpatuloy lang sa paghagod ng likod ko.
In my past life, I never did this, ang yakapin siya. Kaya ngayon, mas dumagdag pa sa sakit ang katotohanang hindi ko siya nayakap sa past life ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ng pag-iyak ko. Pero sa mga oras na 'yon, hindi sila umalis. Even now, they still figuring things out, about the way I acted.
"Maayos ka na ba?" marahang tanong ni tatay saka dahan dahang humiwalay sa yakap.
"Opo," mahina kong sagot.
Tatay sighed and slowly pat my head. "Akala ko ay nagdadalaga ka na, iyakin pa rin pala ang panganay ko."
Nakitaan ko ng kaunting ngiti ang labi ni tatay. Hindi ako nakaimik simply because my heart melted because of his remarks.
"Bata pa rin ang anak mo, Andres. At kahit na tumanda na 'yan, magiging bata pa rin 'yan sa paningin ko," nakangiti at naiiling na ani ni nanay. "O, siya, handa na ang umagahan. Kumain na tayo, lalo na ikaw, Rojan."
Tumango ako. I looked down. Nakita ko si Yanyan na namumula ang ilong. Nagtago siya sa hita ni nanay, mukhang nahihiya na atang magpakita sa akin. I smiled a bit. I bent down saka siya nginitian.
"Natakot ka ba ni ate?" marahan kong tanong sa kanya.
Yanyan immediately shook his head.
"E, bakit ka nagtatago?"
BINABASA MO ANG
Miracle at Midnight
רומנטיקהRohanna Tarese, a young lady who was accused of killing her friend, has experienced a miracle. She came back eight years ago before she died. What will she do if she is given a chance to change her fate? Will she stay the same or will she seek reven...