Superman!

260 7 1
                                    

"Jose! Jose!" Tawag ni Andrew sa kalaro niyang si JM. Kakaalis lang ng Mommy ni JM dahil nga kailangan nitong magtrabaho sa ibang bansa. Ang mga kapatid naman niya, nasa iba't ibang mga relatives nila. Naluluhang humarap si JM sa kanya. Lumapit naman si Andrew sa kanya.


"Oh, Jose. Why are you crying?" Tanong ng ingleserong si Andrew. Si Karylle naman na nasa tabi kanina ni Andrew ay lumapit narin kay JM na ginagamit ang likod ng kamay niya para punasan ang mga luha niya. Umirap naman si Karylle dahil nga nagseselos siya sa Kuya niya at sa bago nitong kalaro.


"Umalis na si Nanay. Tapos sila Ate binigay na niya kala Tita. Wala na akong Ateeeeeee!" Humahagulgol na sabi ni JM. Inakbayan naman siya ni Andrew at kinomfort.


"Kuya? Can we go home now?" Aya ni Karylle kay Andrew. Tumingin naman ng masama sa kanya si JM. Nag-glare naman pabalik si Karylle.


"Do you want to go home na Ana?" Nag-nod naman si Karylle at dumila kay JM. "Pero, I can't go with you kasi I'll stay here with Jose." Dagdag ni Andrew kaya napadila naman pabalik si JM kay Karylle na ngayon ay nakasimangot na. Wala namang nagawa si Karylle kundi umuwi na nga sa bahay nila.


"Galit ba talaga sakin si Karylle?" Tanong ni JM habang pinagmamasdan si Karylle sa paguwi nito. Umiling nalang si Andrew.


"I don't really know. She's just shy, siguro." Sabi ni Andrew. Umupo naman sila sa gilid ng bahay ni JM.


.

.

.

.

.

.

.

.

They talked about stuffs. Para silang teenagers na naguusap pero ang totoo ay puro Batman and Superman lang naman yung pinaguusapan nila.


"Superman is my favorite! He wears brief kasi outside his pants!" Sabi ni Andrew. Umiling naman si JM dahil boto siya kay Batman.


"Hindi! Batman pa rin ako! Kasi meron siyang car na lumilipad!"


"Eh, Superman can fly! He doesn't need cars pa!" Sabi ni Andrew at nag-smile proudly. Napaisip naman si JM.


"Edi, Superman nalang din gusto ko!" Sabi nito at nag-sigh loudly. Natawa naman si Andrew..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

My Kuya's Girlfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon