Chapter 4

3 0 0
                                    

Charlotte's POV

Nang makapasok ako sa university na pinapasukan ko ay nag chat agad ako sa kanila at tinanong kung nasaan sila at sabi nila nasa canteen, habang papalapit ako sa canteen ay rinig na rinig ko ang boses ni shan na sobrang lakas. Ganon din si matthew, paniguradong nag jojoke na naman sila sa isa't isa samantalang si yvez naman ay nakikitawa sa kanila.

"OH ITO, HAHAHAHAHAHAHA, TEKA PUTANGINA DI AKO MA..MAKAPAG SALITA NG AYOS HAHAHAHAHAHA" rinig kong sabi ni shan pagkalapit ko sa kanila. Agad naman akong umupo sa tabi ni yvez at pinakinggan sila sa topic nila. "why did an old man fall in a well?" shan asked habang namumula ang mukha.

"ano?" sabay na tanong ni yvez at matthew. "Because he couldn't see that well HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" tawa sila nang tawa, ang lakas ng boses nila. Nakakahiya. Ako? Wala ito, nag tatago sa likod ni yvez kasi pinagtitinginan na kami rito.

"maiba nga ako HAHAHAHAH" tumingin kaming tatlo kay matthew pagkatapos niyang sabihin yon. "ano?" tanong ko, "sabi nila ang tapang daw ng teacher natin sa biochem pero maganda raw" pahina nang pahina ang boses nito habang nagkwekwento. "sino ba ang professor natin diyan?" again, i asked. "hindi ko maalala masyado pero sabi nila Adair daw ang last name." he said. "tumingin ako sa dalawa na si shan at yvez kasi nagkatitigan sila pagkasabi ni matthew ng Last Name ng prof daw kuno namin.

"wala kang alam sa mga Adair, lotte?" yvez asked, and i got curious kasi chismosa ako. "wala, anong meron?" i asked. "isa ang Adair sa pinaka makapangyarihang pamilya, isa rin sila sa stockholder nitong school. At ang gaganda ng mga tao ron, kung hindi maganda ay pogi. Hays grabe" she said while tapping her cheeks. "hmm, okay" i simply said.

"HOY BABAE, HINDI KA TALAGA INTERESADO SA KANIYA?" shan said habang nanglalaki ang mata, she looks stupid. "wala" i coldly said para manahimik na siya.

Gaya ng gusto ko ay nanahimik nga siya pero nagtaka ako noong wala akong marinig na kahit anong ingay sa mga tao rito sa canteen. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na may tinitignan sina matthew, sinundan ko ang tingin nila at BOOM!! Nakita ko ang babaeng kinaiinisan ko kagabi pa.

She looks sexy in her suit - teacher's uniform. She's so beautiful, and her eyes. "tangina" tanging nasabi ko na lang noong narealize ko na teacher siya rito sa university na papasukan ko.

Nagitla ang tatlong mokong noong nagsalita ako, maski ang magandang babae na papalapit sa canteen ay mapatingin sakin pero sinamaan ko lang ito ng tingin at inirapan. Wala akong pake kahit teacher siya.

Noong tignan ko ang tatlo ay nanlalaki ang mata nila, para bang hindi makapaniwala sa sinabi at ginawa ko sa teacher na yon. "You're screwed bestie." ani matthew. "gago bakit mo ginawa yon?" shan "did something happened between you two?" sabi ni yvez.

Inirapan ko yung dalawa dahil mukhang si yvez lang ang pinaka maayos na nagtanong. "wala, ano bang meron sa prof na yon?" irita kong saad. "siya yung prof natin sa BioChem, si miss Adair bestie." ang seryosobng mukha ni matthew, hindi bagay sa pangit na kagaya niya.

"WHAT? AYOKONG MAKASAMA ANG MAGNANAKAW NA YON" pasigaw na sabi ko, nakakaagaw na rin ako ng atensyon kasi napalakas ang sigaw ko. Duh pano magiging sigaw kung mahina di ba? Tanga mo beh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Will you still love me?Where stories live. Discover now