Eunice POV
"Eto na po mga kababayan! lumabas na po nang kotse ang Hari at Rayna, nako, napakaganda talaga nang Rayna! Halatang sa kanya nag mana si Prince Gerome."
Pinatay ko ang tv at humarap sa salamin
"Paano kaya kung ako yung Rayna? maganda naman ako.... hay nako Eunice nag iilusyon ka nanaman!" Kinuha ko yung twalya ko para maligo nang may kumatok bigla sa pintuan ko.
Lagot! si Chora to! land lord nang apartment na tinitirahan ko!
Sinarado ko ang ilaw at nag tago ako sa baba nang kama ko.
"HOY EUNICE! YUNG BAYAD MO SA RENTA! 2 MONTHS KA NANG HINDI NAKAKA BAYAD! TAPOS ANG KAPAL PA NANG MUKHA MO MAG PADALA NANG MGA SULAT SA ADRESS NA TO! DAPAT LAST MONTH KA PANG WALA DITO EH!"
letter? never kong ginamit tong adress na to at wala naman akong pinag sasabihan nang adress na ito?
"EUNICE! WAG KANG MAG TAGO! ALAM KO NA ANDYAN KA! EUNICE!? EUNICE?"
"HOY CHORA! KUNG MAY ALITAN KAYO NI EUNICE WAG MO KAMENG IDAMAY DYAN! ANG INGAY MO! UMAGANG UMAGA!" sigaw nang kapitbahay ko na si Lora
"ISA KA PA LORA! LIMANG BUWAN KA NANG HINDI NAG BABAYAD NANG RENTA!"
Ayun umalis na si Chora, pero teka bakit ako may letter? kanino galing yun?
Lumabas ako nang kwarto dahan dahan, baka kasi marining ako ni chora at sugurin ulit ako.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto nang may nakita ako puti na envelope sa lapag. Kinuha ko at biglaan akong pumasok sa bahay at sinara ang pinto.
Tinignan ko yung envelope, aba maganda ang stamp at naka lagay yung pangalan ko sa envelope.
BINABASA MO ANG
My Lonely Queen
FanfictionMeet Eunice Spencer, isang kalog at makulit na simpleng babae na mag babago ang buhay nang makatanggap siya nang letter mula sa Benson Royal family na siya ay mag papakasal sa snob at masungit na si Gerome Benson. Ano nalang ang gagawin ni Eunice...