May 6; Five Minutes Before
Maya-maya pupunta na kami ni Ate Cheynne sa C.G.U. finally 7.50 nalang ang Ariel. Oh. Ay ano pala, finally doon na ako mag-aaral. Excited tuloy ako na ewan, kasi alam ko ibang iba yung buhay sa high school at college. Kinakabahan ako, ano kaya naghihintay sakin ngayong year na to? Sino-sino yung makikilala ko ngayon? O ano-ano yung mga opportunities na naghihintay sa akin. Pero ngayong college, pinapromise ko na kahit 10 percent mag increase yung self-confidence ko, kasi syempre iba na to eh. Hahaha. Taray.
All the love, A. x
Sinara ko na ang journal ko at kinuha na ang bag sa tabi ko, kasi narinig ko nang tinatawag ako ni mama.
"Opo ma! Bababa na po." Sigaw ko.
Nagmadali ako sa pagbaba at doon, nakita ko na ang pinsang pinaka close ko sa lahat.
"Hi Ate Cheynne!" Bati ko sa kanya.
"Hi ins!"
Nagpaalam na kami ni ate kay mama na aalis na kami pero bago yun sinabihan muna niya si ate na mag lunch pero umayaw na siya kasi busog na daw siya eh. Psh, pero obvious naman na gutom pa to, kahit ba ilang pagkain yung kainin nito forever gutom to eh. Hay, kaya ang chubby chubby niya eh. Anyway, cute naman siya, doesn't matter. Pagkatapos ng konting ayos sa sarili lumabas na kami at sumakay sa jeep papuntang C.G.U.
11:11 a.m.
Tumingin ako sa relo ko at tulad nga ng iniisip ko, it's time *insert evil laugh here*
"Hi 11:11 wish ko sana na maging maganda yung bungad sa akin ng college life." Bulong ko pero hindi ako alam na narinig pala yun ni ate at nakatiningin siya sa akin.
"11:11 na naman? Hay. Talaga tong pinsan ko o." Sabi niya sabay kamot sa ulo niya.
"Shh! Wag kang magulo te, may isa pa akong iwiwish o."
"Nako Perr—" Tinaas ko na ang kamay ko sa kanya para tumahimik na siya at nag wish ulit.
"Hi 11:11 wish ko san—"
"O bakit ka naman napatigil?" Tanong ni ate sakin. Tumingin ako sa orasan ko at napasimangot.
"11:12 na. Hindi na nakaabot yung isa kong wish na sana ma scholar ako sa C.G.U. para hindi mahirapan si mama sa pagbabayad."
Hindi na sumagot si ate at napangiti nalang siya. Hay, iniisip niya ata na nagloloko lang ako dito sa 11:11 na to. Seryoso kaya ako sa mga winiwish ko no.
Mahaba-haba rin ang biyahe papunta sa C.G.U. kahit na isang jeep lang isang oras ka naman nakaupo doon, dagdag na oras pa pag matraffic yung machempuhan mo. Ang sikip na nga ng sobra tapos ang sakit pa sa likod at nakaka antok pa.
"Perrine! Nandito na tayo." Gising sa akin ni ate Cheynne. Minulat ko kagad yung mga mata ko at nakita ko yung malaking sign ng university na papasukan ko. OMG.
Corinthian Gates University
Kahit hindi pa first day ng klase at orientation palang ngayon, nararamdaman ko na ang #firstdayfeels hindi naman dito mag aaral si Ate Cheynne pero dahil nga orientation lang naman ngayon pwede ka mag sama ng kamag-anak o kaibigan mo. Papunta kami sa field nang marinig namin sakto na nagsalita yung... uhm, ewan. Di ko alam basta may nagsalita.
BINABASA MO ANG
The 11:11 Wishes
ChickLitTotoo ba yung mag wi-wish ka kapag 11:11 tapos sabi nila matutupad yung wish mo? Para kay Perrine Mendez, mapa 11:11 a.m. o 11:11 p.m., NEVER GIVE UP. Kahit naka libong wishes na siya simula nung nalaman niya yung 11:11 na yan, gusto niya na isang a...