Chapter 2

66 5 0
                                    

June 24; 8:00 a.m.

 

Typical first day para sa akin. Tumatakbo at nagmamadali papuntang terminal para makahanap ng jeep. Iyak na us. First day pa namaaan. Bakit kasi hindi uso sa akin yung body alarm?

              

"Oh lima pa! Lima pa! Kasya pa dun sa kaliwa oh, meron pa sa kanan, kasya isa kung payat ka. O dali na, lima pa aalis na. Dalian ninyo, late na naman kayo!" Sigaw nung barker dun sa jeep. Oo na kuya, ang dami mong sabi eh, daig pa lola ko kung makapagalit. Kaya para mapunan ko na yung isa sa kanan kahit wala naman na talagang space eh sumakay na ako, kung lilipat pa kasi ako hihintayin din naman mapuno yung jeep. Okay na to.

Mapapapunas ka nalang talaga sa init ng panahon at init ng ulo eh, ang lakas naman kasi ni kuya makasabi ng lima akala mo part time job namin circus, yung tipong the amazing foldable man kaming lahat dito sa jeep. Diyos ko, kaawaan Mo po nawa ang barker na yun, hindi niya po alam ang ginagawa niya. Dagdag mo pa tong katabi ko na nagdu-dubsmash, malalate ka na mukha ka pa ding dubsmash, tignan mo mukha mo smash na smash. Whatever ewan ko sayo. Hindi naman ako yung pinagtitinginan dito eh. Hay kapag late ka talaga, mababadtrip ka at pag badtrip ka kahit saan ka tumingin badtrip, kaya iniiwasan ko manalamin pag late, dagdag stress. Mahirap na, hinahayaan ko lang na si mama lang dapat ang nag-iisang merong altapresyon samen, ayokong dumagdag.

9:45 a.m.

 

Pwede pa siguro to, 9:30 naman yung pasok ko, siguro meron namang palugit yung prof ko. Teka ano ba unang subject? Habang tumatakbo ako kinuha ko yung binder sa loob ng bagpack ko at tinignan, History. Wow. Mag aalas-dyis na usapang memories pa din. Anyway, okay na to kesa college algebra. Nakapasok na ako sa building namin at nakikita ko na may ibang estudyante din akong kasabay pumasok, sa ibang klase nga lang. Malapit na ako sa pintuan at nakahawak na ako sa door knob nung mapansin ko si Kuya Trev doon sa may tabing room lang din namin at papasok na din siya ng kwarto. Nalalate din pala yung mga ganto kapogi na estudyante. Edi wow. Syempre, inexpect ko na hindi naman niya ako makikita kaso wala eh, nakita ako. Akalain mo yun? Nasa radar pala niya ako. Ngumiti siya sa akin at ganun din ako sa kanya.

"Mind entering Ms. Perrine?" Napatingin ako sa door knob na hindi ko namalayang di ko na pala hawak at nakabukas na ang pinto, kitang kita sa view ko yung professor namin. Phew. Lagot. Pano kaya ako neto nakilala?

"Sorry po mam." Pumasok na ako, sabay yuko.

"You might be wondering why I do know you." Tanong niya saken. Ang taray naman, nakakatakot. First day na first day napahiya agad. Hindi na ako sumagot at napatigil nalang sa posisyon ko. "Well, because, you're the only one I'm waiting for." Boom English. Yumo-you're the only one. Boom Boom Boom. "Anyway, sit down." Naupo na ako at napansin ko na hindi ko pala nabalik yung binder sa bagpack ko. Tapos. Hala. Wala yun sa bag ko.

"Good morning ma'am, excuse me lang po?" Tanong ng isang estudyante sa labas ng kwarto. Napatingin kaming lahat at si fafa— Kuya Trevian pala.

"Oh yes, why do we have Mr. Seth here?" Sagot sa kanya nung prof namin na di ko alam kung mabait, masungit, ewan.

"Just to ask lang po, may nahulog po kasing binder, I wonder kung kanino po and tinignan ko yung schedule niya nakita ko na eto yung first. So..." At sa moment na to, feeling ko akin yung hawak niya.

"Any name on that?"

"Wala po ma'am, schedule lang po." Sagot niya.

"Akin po yan ma'am." Sumagot na ako at tumayo, in case na gusto niya ng mala-military na galawan, para mabilis na. Sinenyasan ako nung prof na puntahan si Kuya Trev at kunin yung binder ko, meanwhile, habang papalapit ako nag discuss na siya.

"Hello Miss Hanggang-Ngayon-Di-Ko-Pa-Din-Alam-Yung-Pangalan." Ngumiti siya sa akin at inabot na yung hinahanap hanap ko.

"Hi ako nga pala si Perrine."

"Perrine lang yung pangalan mo?" Tumawa siya at sumandal sa door frame.

"Pangalan ba kamo. Hi I'm Ajay Perrine Samantha Y. Mendez."

"Wow." Napahinto siya at tumingin sa orasan niya. "AJ, A.P., Perr, Perrie or... Sam?"

"Huh?" Tanong ko sa kanya. Ano daw?

"Alin dun yung nickname mo?"

Ahhhhhhh... "Perrine yung tawag ng mga kakilala ko sakin e."

"Walang specials?"

"Panong specials?" Tanong ko. Diyos ko naman, ano ba naman to ang dami kong di alam, mukha akong taga bundok. Ganto ba yung feeling na first year. What the fudge.

"Specials. Pag close na naglelevel up ba yung nickname mo or name mo? Like Perrine sa di close or sa iba whatsoever tapos pag close na nagiging Sam, ganun."

Ahhhhhhh... "Perrine lang talaga yung tawag sa kin eh." Sagot ko at ngumiti nalang ako.

"Cool." Cool? Alin yung cool? Yung part na Perrine lang talaga tawag sakin nilang lahat o yung part na na-gets ko na kasi? Pero di ko na tinanong nakakahiya eh.

"Uhm. Punta na ako sa upuan ko ah, baka magalit tong prof eh."

"Si Ms. Levy. Medyo masungit yan pero mabait naman pag may times."

"Seasonal o occasional?"

"Huh? Panong seasonal, occasional?"

"Yung mood niya."

Tumawa siya na reason kaya natawa din ako, hahaha. "Semestral."

"Semestral." Ulit ko. "Ano yun pag first sem masungit, tas kapag second sem mabait na?"

"I'm afraid it is, Ms. Perrine." Sabi niya na may tonong as-a-matter-of-fact.

"Anyway, hayaan mo nalang siya matandang dalaga kasi eh. Babait yan sa second sem." At kumindat siya sakin at pagkatapos, nag bye na siya sa akin at hinintay na makaupo ako bago siya umalis ng room namin. Sayang talaga at second year siya. Nang makaupo na ako napansin kong nakatingin sa akin ng masinsinan si Ms. Levy, inggit ata to kasi nakausap ko si Kuya Trev eh. May kumalabit sa likod ko at napatingin ako, lalaki. Psh.

"Hi, I'm Pij Lee Colin." Bati niya sakin.

"Hi, I'm not interested." Sagot ko sa kanya. Oops.

The 11:11 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon