June 29; 11:11:59 a.m.
"... at syempre sana makita ko ulit si Trev dito."
11:12 a.m.
Wow, para naman akong nag-rap sa huli kong sinabi well at least nakaabot pa diba? Yey! Madami nang nagsasabi sa akin, kasama na sina mama, na wag maniwala sa 11:11 dahil katuwaan lang naman iyon at 'di totoo pero para sa akin naniniwala ako dun at totoo yun. Madami nang natupad na wishes yung 11:11 sa'kin, lalong lalo na yung pinaka una at pinaka importante kong wish.
*Flashback*
Grade 1 ako at inexcuse ako ni Teacher Steph kasi may kailangan daw siyang sabihin sa'kin. Dali-dali naman akong lumabas at lumapit sa kanya. Umupo si teacher sa harap ko at mukhang malungkot siya.
"Perrine."
"Po teacher?" Sagot ko.
"Wag kang mabibigla sa sasabihin ko ah."
"Opo."
"Okay. Ang papa mo kasi na-ospital."
"..."
"Kasi nanikip yung dibdib niya."
"..."
"Perrine?"
"Po teacher?"
"Hindi ka ba magugulat? Papa mo yung nasa ospital."
"Sabi mo po kasi wag ako mabibigla eh. Pwede na po ba?"
"Ay Diyos ko po. Sige na ihahatid na kita sa Ate Cheynne mo, inaantay ka na niya doon."
Nakita ko si Ate Cheynne sa may waiting shed namin, tumakbo agad ako papunta sa kanya at binati niya ako. Pagkatapos, pumunta na kaming sasakyan para pumunta na sa ospital.
"Ate natatakot ako, sana gumaling si papa." Sabi ko kay ate na nakatingin sa bintana at halatang malalim ang iniisip. "Ate natatakot ako." Ulit ko.
"Perrine? Natatakot ka?" Tumango ako sa kanya at umakap sa kanya, "Wag kang matatakot, gagaling si tito. Promise."
"Sana gumaling na si papa at hindi na siya itakbo sa ospital."
Tahimik lang si ate at tumingin siya sa relo niya, "11:11"
"Huh?"
"Yung wish mo sakto sa 11:11. Sabi raw kasi nila pag nag wish ka ng 11:11 matutupad yun."
*End of flashback*
At ayun natupad ang wish ko na gumaling si papa at hindi na siya tinakbo sa ospital. Kaya nga sa mga nagsasabi sa akin na hindi totoo yun ay hindi ko nalang sila pinapansin.
"Ang lalim naman ng iniisip mo baka mamaya diyan matalisod ka."
Papaakyat pa lang ako ng hagdanan nang mapansin ko na kasabay ko pala maglakad si Kuya Trev, "Kuya Trev."
"Watch your steps." At tumawa siya, "Saan yung room mo ngayon?" Tanong niya.
Tinuro ko yung room na kitang kita ko lang dahil malapit lang naman din, "405" sagot ko.
"406 ako. Magkatabi lang pala yung room natin." O diba? Sabi ko sa inyo eh, totoo yung 11:11 natupad kaagad yung wish ko na makita ko si Trev. Pagkatapos ng ilang segundo, naglakad kami ng tahimik, naririnig ko lahat ng mga studyanteng nagtatawanan, nagtsi-tsismisan, nagvi-vines, nagdu-dubsmash, nagliligawan, naglalandian. Whatever. Sa totoo lang, gusto ko pa siyang makausap, kaso ano ba yung masasabi ko? Say something about this photo? Whatever. Magtanong ako ng mga basic ewan? Hindi naman kami close. Napaka friendly nito ni Trev, lahat nalang ata pinapansin nito. Sa bagay, VP ng student council.

BINABASA MO ANG
The 11:11 Wishes
ChickLitTotoo ba yung mag wi-wish ka kapag 11:11 tapos sabi nila matutupad yung wish mo? Para kay Perrine Mendez, mapa 11:11 a.m. o 11:11 p.m., NEVER GIVE UP. Kahit naka libong wishes na siya simula nung nalaman niya yung 11:11 na yan, gusto niya na isang a...