Chapter 9 (Good night)

57 3 0
                                    

Emerald's POV

"GGGIIIRRRLLL! Anong nangyari sa date nyo? Dali kwento ka na!!!" Ayan agad ang bumungad sakin nung pagdating ko sa bahay.

"Ang sakit ng ulo ko. May hangover pa ako. Mamaya na ako magkwekwento, pwede ba?" Hanggang ngayon ramdam ko pa rin na may tama ako.

"Ayyy ganun ba? O'cge. Magpahinga ka muna dun sa kwarto."

Umakyat naman ako at nagdiretso sa kwarto ko saka humiga. Ang sakit ng ulo ko talaga. Napasobra ung ininom namin. Pumikit ako para matulog ulit pero imbis na makatulog ako e naalala ko lang ung sinabi nya kagabi bago sya matulog.

"You know what Emerald, I don't know what's happening to me. I really don't know. But all I know is that you're different. And I respect you."

Oo, narinig ko un dahil gising ako. Actually narinig ko lahat. Simula pa lang nung tinatanggal nya ung heels ko. Akala ko nga magbabalak ng masama sakin, buti na lang pinakiramdaman ko muna. Kaya paggising ko kanina doon sa hotel na tinuluyan namin ay hindi na ako nagulat. Nagkailangan lang kami dahil syempre nasa iisang kwarto lang kami. Kaya nung hinatid nya ako dito samin e walang nagsasalita pero nag-thank you naman ako sakanya.

"Ahhhh. Mamaya mo na lang isipin yan Emerald. Matulog ka muna." At dahil inaantok pa nga ako e nakatulog din naman ako agad.

*tok tok tok*

Mejo nagising ako nung may kumatok sa kwarto ko.

"Ems, gising ka na ba? Andito ung tatlo, may dalang pagkain satin. Sakto 7:30pm na, dinner na din." Huh? Tatlo? Kasama sya? At dinner? Ganun ba katagal ung tulog ko at inabot na ako ng gabi?

*tok tok tok*

"Ems?"

"Gising na ako Ellyce. Susunod ako, maghihilamos lang ako saglit."

"Ok cge. Hintayin ka na lang namin."

Bumangon naman ako agad at nagdirecho sa CR dito sa kwarto ko para maghilamos at magtoothbrush na din. Ano kaya ginagawa nya dito? Hindi ata uso sakanya ung salitang hangover dahil andito sya ngayon.  Paglabas ko ng CR kumuha ako ng t-shirt at short para makapagpalit naman ako. After ko magpalit e lumabas na ako at bumaba. Nakita ko sila sa sala na nagkwekwentuhan kaya dun ako dumirecho.

"Oh! Anjan ka na pala Ems. Tara, kain na tayo." Tapos naglakad na kami, nakahain naman na ung pagkain na dala nila. Hindi lutong ulam. Binili lang sa fastfood resto. Pero ok na rin kasi sabi nga nila, "It's the thought that counts." Na-upo na kami at saka nagsimulang kumain.

"Oi, ano na? Ano ng nangyari sa date nyo? Sabi mo kanina magkwekwento ka." Nako naman talaga Cindy.

"Ay oo nga bro. Kumusta date nyo? Na-una pa kayong nagdate samin ng babe ko e. Hahaha."

"Ayos lang. Kumain at uminom lang kami." Ako na sumagot para saming dalawa.

"E bakit hindi ka umuwi kagabi? Ayiiieee!" Sige Ellyce, kanina si Cindy ngayon naman ikaw.

"Nalasing kasi kami. Tulog na tulog na sya, hindi ko na kayang magdrive kaya sa hotel na lang kami tumuloy." Sya naman ung sumagot ngayon.

"HOTEL?!" Sabay-sabay nilang sigaw tapos yung mga muka nila gulat na gulat.

"Grabe ha? Pagsasapakin ko kaya kayo isa isa? Sakit sa tenga ng sigaw nyo e. Oo, sa hotel. Don't worry, nothing happened. Alam nyo naman dba girls?"

"Oo, walang nangyari. As if naman na gugustuhin kong may mangyari samin." Talaga lang ha? Napangiti at napailing na lang ako dahil hindi nya alam na narinig ko naman lahat ng sinabi nya nun.

The Playboy versus The Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon