Emerald's POV
Monday.
Start na ngayon ng exam. Ang higpit ng rules dito kasi hindi ung mga professor mo ung magbabantay kundi professor ng ibang course. Balita din namin na tuwing exam e andami daw nahuhuling nangongopya ung mga prof. Kinukuha ung papel pati pangalan at marked as cheating na sya. Kahit daw ung mga nagpapakopya ganun din ginagawa. Kaya unfair daw sa mga hindi naman alam na kinokopyahan sila. Buti na lang hindi kami nangongopyang tatlo kasi nag-aaral talaga kami.
Nga pala eto ung schedule ng exam ko. 2 subjects ng M-W-F at 1 subject ng T-TH. 8 kasi ang subjects namin dito at 3 hrs. per subject. E since exam week ngayon, 2 hrs. per subject lang. Pwede mong tapusin ng mas maaga o mismo sa oras pero syempre ndi pedeng mas matagal sa 2 hrs. because wether you like it or not, you have to pass your answer sheet or else you're paper will be put on trash can. Yeah! As in sa basurahan. Sayang effort mo sa pagsagot dahil lang sa ndi mo napasa agad paper mo.
Una kong exam e ung kaklase ko si gunggong.
Ay nga pala, ung surprise ni Chris kay Cindy super successful. Sobrang saya naman kami kasi nagustuhan un ni Cindy. Pero ako pinakamasaya kasi idea ko un e. Hahaha.
Okay! Balik tayo sa exam ko ngayon. Ayun nga, kaklase ko dito si gunggong at katabi ko din sya. Wala naman pakialam ung magbabantay kung sino katabi mo basta one seat a part lang.
"Pakopya ako ah. Nagreview naman kayo e."
"Ang kapal mo naman. Gunggong ka talaga e noh!? Baka mamaya mahuli ka pa."
"Ay, concern ka? Sabi na na ba't maiinlove ka sakin e."
"Ang kapal naman talaga noh? Kapag kasi nahuli kang nangongopya pati ako malalagot! Kaya sa iba ka kumopya!" Feeling 'to! Hmpf!
"Sus! Deny ka pa. Concern ka lang e." Tapos ngumingisi sya.
"Naku ewan ko sayo."
Biglang bumukas ung pinto. Ung professor na magbabantay na pala samin. Dumirecho sa table sa harap at inayos na ung mga test questioners at answer sheet. Serious face sya, halatang masungit.
"Pakopya ah?" Bulong nya pero hindi ko na lang pinansin.
"Good morning." Sa wakas nagsalita din si Sir.
"Good morning Sir." Sagot naman ng buong class sakanya.
"Alam nyo na ang rules dito. Once I caught you cheating, I'll get your paper, mark you as cheating and you're free to go. Pati ung kinokopyahan nyo madadamay. Is that clear?"
"Yes Sir!"
"Wala ng mag-uusap." Binigay na nya ung mga paper sa mga nasa harap. "Ok! Get one and pass."
"Pakopya ah?" Bulong na naman netong isang 'to.
"Sino un? I already said that no one is allowed to talk."
Wala naman nagsalita, hindi rin neto inamin na sya un. Sabagay, sabi nga nila, wala namang taong umaamin sa krimen na ginawa nila.
Hindi kami ngayon nakaupo sa harap, sa may bandang gitna kami. Kaya kami magkatabi kasi tumabi sya.
Nagsisimula na kami ngayon magsagot. Mejo nadadalian ako kasi nga nagreview ako. Sana maalala ko lang ung sa may bandang likod kasi enumeration e.
Mula sa gilid ng mata ko nakikita kong nangongopya sakin si gunggong at sa isa pa nyang katabi. Halatang expert na sa pangongopya kasi hindi sya nahahalata. Hindi ko naman tinatakpan paper ko kasi kawawa naman kung hindi ko papakopyahin. Hindi rin naman tinatakpan nung isang babae ung paper nya kasi syempre napapansin sya ni gunggong. Psh. Baka naman mali-mali sagot. Baka madamay pa si gunggong sa mababang score. HEP!! Wait, ano naman sayo Ems?! Tssss. Magsagot ka na lang.
BINABASA MO ANG
The Playboy versus The Sadist Girl
Teen FictionThey say "OPPOSITES ATTRACT", and psychologists agree. According to research, couples who are similar to each other, both physically and in personality, are less likely to have long lasting relationship than those some distance between them. Gaya na...