Chapter 2 (Alexander Ian Raphael Montecillo)

86 3 0
                                    

“AAAAAAHHHHHHH!!! OhMyGaaaad!! Si Alexander!!! “ Sigaw nung isang fan ko. At yung iba naman eh nagsilapitan na habang sumisigaw. Wew! Back to school na naman kasi kaya ayan nagsisimula na naman akong pagkaguluhan. Buti na lang nga walang gaanong nakapansin sakin kaninang pagpasok, ngayong break time lang. Hayyyy, hirap talaga maging pogi.

“Hi Alex! Hihihi.” Maka-Alex naman ‘tong isa akala mo close kami. Ni hindi ko nga kilala. Pero dahil dakilang playboy ako, aminado ako dun, eh sasakyan ko na “to.

“Hi Ms. Beautiful.” Sabay wink. Yung babae naman halos mahimatay na. Yung iba nag simula na rin mag “Hi!”, “Hello!”, “Kamusta ka na?”, “Ang gwapo mo talaga.”. Hindi ko na sila sinasagot pero nginingitian ko naman. Oh well, ganyan talaga kapag gwapo.

“Hey Bro!” Biglang may nagtap sa balikat ko. Nilingon ko. Si Austin pala. Nag-apir namin sakin si Christian na kasama din nya. “Mukhang pinagkakaguluhan ka na naman ah.”

“O’yeah! Back to school na naman eh.” Sagot ko naman  sakanya. Yung mga babae naman parang mga nakakita ng multo dahil natigilan pero anlalaki ng ngiti. Alam ko na yan kung bakit. Andito kasi kaming tatlo. Campus heartthrob kasi kami dito sa school. Anyway, iniwan na namin ung mga babae dun sa lobby na nakasunod lang ng tingin samin habang nagbubulungan.

“Saan tayo? 1hr. tayong vacant.” Tanong ni Austin.

“Dun na lang muna sa canteen. Katamad lumabas e.” Sagot ko. Naglakad na kami papuntang canteen. Daming tao, halos puno na agad. Ayan na naman ung mga babae, nagbubulungan na naman at nagtitinginan. Ako naman ‘tong si pacute. After nun e umupo na kami sa bakanteng upuan.

“Musta mga bakasyon nyo bro?” Tanong ni Christian samin. Hindi kasi kami magkakaklase kanina kaya ngaun lang nagkamustahan.

“Ayos lang. Bonding with my family, punta sa iba’t ibang lugar. Gala dito, gala dyan.” Sagot ni Austin.

“Ako sa bahay lang. Boring bro. Wala parents ko the whole summer, hindi naman na bago yun. As usual, busy.” Sabi ko naman sakanila.

“Wala kang dinalang mga babae sainyo? Bago un Alex ah.” Pang-aalaska ni Christian.

“Para naman hindi nyo ako kilala. Meron syempre, pero boring sila.”

“What do you mean boring?” Tanong ni Austin.

“Hindi magaling?” Sunod naman agad ni Christian.

“Oo mga bro. Puro salita lang, wala naman mga binatbat. May isa pa ngang umayaw kasi hindi pa daw sya ready.”

“E d badtrip ka nun? Hahaha! Binitin ka.”

“Oo. At sa sobrang badtrip ko kinaladkad ko sya papalabas ng bahay at inihagis sakanya ung dala nyang bag. Badtrip talaga bro.”

“E ikaw Christian, musta bakasyon mo?” Tanong ni Austin

“Same lang din ng sayo. Masaya din.”

“E d ikaw lang pala ang naboring Alex?” Yung tono ng pagtatanong ni Austin e parang nang-aasar.

“Tssss! You know what? Mag-order na lang tayo at gutom na ako.” Sabi ko sakanila.

“Oh wait! May dadaanan pala ako sa room 301. I forgot.” Nagpapanic na sabi ni Christian.

The Playboy versus The Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon