Patotay's POV
Maaga akong nagising mga alas kwatro ng umaga akala ko kasi nasa probinsya pa ako, nandito pala ako sa palasyo ni lola. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan, nakita ko ang mga maids na nagluluto, ang iba nag didilig ng halaman, yung iba naman nag lilinis dito sa sala at nag pupunas ng mga furniture.
"Magandang umaga po manang."
Sabi ko sa nagluluto dito sa kusina nandito kasi ako para ipaghanda ng pagkain si Aleya at si Lola.
"Good Morning Young Lady, nagluto na po ako, umupo na po kayo jan."
Sabi ng taga luto, anong young lady pinagsasabi niya ? Lady ako, Oo pero hindi na ako Young tsk3 .
"Ahh Young Lady kumakain ba kayo ng Bacon at Hotdog ?"
Ha ? Bacon ? Ano yun , tsk3 at Hotdog ? HOTDOG ? mainit na aso ? Hindi ko alam na ang mga mayayaman kumakain pala ng Aso. Hindi ba sila nandidiri dun ? Ang akala ko maarte sila eh.
"Manang anong pinagsasabi niyong Young Lady ? Lady ako manang pero hindi ako Young atsaka tawagin niyo nga akong Patotay, ah manang kumakain pala kayo ng aso ?"
Nagtataka na talaga ako sakanila ah, ang weird nila eh aso kakainin nila ? Okay lang siguro baboy yung kakainin.
"Young Lad— este Patotay hindi kumakain ng Aso sina Aleya."
Natatawang sabi niya anong nakakatawa ?"Eh bakit po Hotdog ?"
Errr alien ba tong si Manang ? O hindi lang talaga alam kung anong meaning ng Hot at dog ? -_-"Ang Hotdog po ay hindi aso, meat po siya kagaya ng baboy." nakangiti niyang sabi atsaka nilapag ang dalawang platong may kulay pulang malalaking cylinder at maninipis na may taba.
Ang weird naman ng pagkain nila dito, habang saamin lang naman kasi eh dried fish o tinatawag na bulad at yung rice yun lang eh dito may paganito pa.
"Ahh, eh eto pong manipis eto po ang tinatawag na ?--"
"Bacon po" sabi niya at umalis na, napataas naman ang kilay ko at tinignan ang mga pagkain. Wahhh ! Baka hindi to masarap.
Inamoy ko muna pero parang ang sarap eh .
"Good Morning insan."
Napatingin ako kay Aleya at ngumiti.
"Morning din insan, insan ang weird naman ng pagkain niyo rito."
Sabi ko at ginamit ang tinidor para tusukin yung tinatawag nilang hotdog at itinaas ko.
"Insan hindi weird yan tsk, kumain ka nalang." sabi niya at umupo at nag simula ng kumain kaya kumain na din ako, nagusap kami ni Aleya habang kumakain yung mga bagay na pinaguusapan namin ay about sa skwelahan. Ang dami kasi niyang sinasabi keyso daw ang laki ng Unibersidad baka mawala pa ako, kaya tinuturuan niya ako sa mga daan hindi ko naman memorize eh kasi hindi ko naiimagine hihi wag niyo nalang sabihin.
"Ahh Aleya, mabuti pa sigurong maligo na tayo *tingin sa bintana* alas sais na kasi eh."
Sabi ko sakanya at nag simulang iligpit ang mga pinagkainan namin. Huhugasan ko na sana ng sumulpot yung maid at sinabing..
"Young lady, hindi po kayo dapat naghuhugas duty po namin eto' ako na po."
Ay ? Iba na namang katulong ? Kailangan ko talagang kilalanin ang katulong dito nakakalito eh."Insan, bakit mo alam na alas sais na?" Sabi ni Aleya at tumingin sa relos niya.
"Alam mo na insan laking probinsya ako syempre walang usong relos saamin, kaya sinag ng araw nalang ang titignan namin."
BINABASA MO ANG
The Arrogants Kiss
OverigSi Elriah Patricia Gonzales ay laking probinsya. Lumuwas sya ng maynila sa kagustuhan ng kanyang lola na magkasama sila ng kanyang pinsan na si Aleya. At dito nya nakatagpo ang lalaking ubod ng sungit at mapang-asar. Ano kaya ang mangyayari sa kanya...